Sigaw sa Dilim (Maricor & Jhael)------------------
9 months Later
Metro-Manila
6:40 AM"Karumal-dumal ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng abandonadong gusali sa Malabon," panimula ng newscaster sa isang breaking news na siyang nagpatigil sa pagnguya ni Maricor ng hacovina.
"Halos hindi na makilala ang lalaki dahil animo'y walang awang biniyak ang bungo nito at winarak pa ang dibdib. Ayon sa report, hindi ito nalalayo sa mga unsolved cases kung saan nabibilang sa mga natatagpuang bangkay na wala ng puso at mga lamang loob." habang ang mga mata'y nakatutok sa malaking screen ng television ay hindi maiwasang maisip ni Maricor ang mga taong paniki. Siyam na buwan na ang nakakalipas simula ng makaalis sila sa Sitio Ayunta. Sa lugar kung saan matatagpuan ang mga taong paniki.
Sa loob ng siyam na buwan na iyon, tila okupado parin ng kanyang isip ang isang bangungot na hindi niya maitatangging minsan nilang naranasang magkakaibigan. Bakit kahit malayo na sila ay parang nararamdaman niya parin ang presensya ng mga taong paniki? Bakit parang ang takot ay namamahay parin sa kanyang pagkatao? Yung pakiramdam na parang may mga matang nagmamatyag sa kanya na kapag nakakuha ng tamang tiyempo ay bigla na lang siyang aatakihin ay dama niya parin.
"Nangangalakal ako ng basura ng mapadpad ako sa gilid ng gusaling iyon, natakot ako nang makita ang bangkay, hindi ko alam ang gagawin. Nagtatatakbo na lang ako habang sumisigaw ng tulong, tulong may bangkay!" pahayag ng isang lalaki ng siyang ini-interview ng reporter.
"Ayon sa National Bureau of Investigation ay hindi sila titigil hangga't hindi nila nahuhuli ang kriminal na siyang nasalikod ng pagpatay sa krimen na ito. Anila'y mangyaring makidulog lamang sa pulisya kung kayo'y may maitutulong para sa mabilisang paglutas sa kaso. Ako po si Anna Mira, nag-uulat. Magandang umaga po."
Matapos nun ay ini-off na ni Maricor ang television. First year college siya nang may matagpuang bangkay sa loob ng auditorium ng kanilang unibersidad doon sa Alta-Monica University, na katulad sa balita'y, kinuha ang puso at lamang loob niyon. Isa lang naman ang alam niyang pweding makagawa ng gaung bagay, ang pumatay ng brutal. Ang mga taong paniki! Bagay na para sa kanya ay hindi malabong mangyari. Ngunit kung may posibilidad ngang taong paniki ang may kinalaman sa lahat ng ganung bagay, ibig sabihin noon pa man ay may taong paniki na sa siyudad o sa mataong lugar kagaya ng Metro-Manila.
"Sawadee ka puka-puka!" Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang tinig na iyon. Masyado kasing malalim ang kanyang iniisip.
"O, Laila! Ikaw pala.." aniya sa kaibigan pagkalingon.
"Hindi ako 'to teh, nililinlang ka lang na 'yong paningin."
''Namo!''
"Leche! Maiba tayo, lalim yata ng iniisip mo ah, si Jhael ba ito?"
"Hindi naman, pero yung mga taong paniki, hindi talaga mawala sa isipan ko." saad niya. Isinawsaw ang hacovina sa kape.
''Gusto mo?'' alok niya dito."Kakalapang ko lang. Alam mo pareho lang tayo. Minsan nga napapaginipan ko pa 'yang mga taong paniki na 'yan e, Kamusta na kaya yung kambal? Sana makita ulit natin sila no?" ani Laila. Eto naman 'to, sunod-sunod magsalita.
"Sana nga.. Miss ko na talaga ang baby Jhael ko."
"Landi mo! May baby pang nalalaman." komento ni Laila habang tinitignan ang repleksyon sa double length mirror na nasa sala nila Laila. "Paano kung tigok na pala si Jhael, Anong gagawin mo?" tanong nito.
"Okay lang. Buhay pa naman yung kakambal e," ngingiti-ngiting tugon niya. Pero ang totoo, hindi niya maiwasang kabahan sa isipang paano nga kung wala na si Jhael.
"As if namang patulan ka non gayung may Laila pang nage-exist."
"Naku, malaman." kiyemeng usal niya.
"Ah, ganun?''
"Charot lang sis. Haha. Anyways, let's go na at baka mahuli pa tayo sa final interview natin.." wika niya.
SA IKALABING-APAT na palapag ng J.A Twin Towers na iyon ang pupuntahan nila. Napag-alaman nila na sila lang dalawa ang sasabak sa interview sa nasabing kumpanya.
"Kinakabahan ako.." Ani Laila. Nasa elevator sila ng mga sandaling iyon.
"Huwag kang kabahan.. Keri boom boom bells natin ito." aniya habang tinitignan ang sarili sa salamin ng elevator. "Ang ganda mo talaga, Maricor! Gandang mapapamura ka!" puri niya sa sarili.
"Gandang-ganda ka na sa pagmumukhang 'yan? Ano pa kaya ang mukhang ito, tangngina, di ba? Hayop sa ganda!" turo ni Laila sa sariling repleksyon.
"Ambisyosa. Pero bagay sa'yo ang naka-pormal. Nagmukha kang kagalang-galang. Kabog ka dyern!"
''Sa true ka dyern! At ikaw din, Maricor. Mukha kang matured. Hindi ka na pagkakamalang high school.''
''Inamo! Akala mo naman 'to, matangkad!''
Nang marating nila ang pupuntahan sa ikalabing-apat na palapag ay may nakausap silang babae. Sabi nito ay tatawagin na lamang sila kapag magsisimula na. May meeting pa daw kasi yung magi-interview sa kanila.
"Ms. Laila Lapiz?" Anang babae makalipas ang kalahating oras.
"Sis," Kinalabit niya ang kaibigan. Agad naman itong tumayo.
"Get inside.. Second table nearer in window." wika ng babae.
"And you, Ms. Maricor Reynes,"
"Yes ma'am?"
"Wait ka lang diyan." naningkit ang mga mata niya.
"Sa true?" biro lang niya.
"Ofcourse, hindi kayo pweding magsabay." paliwanag nung babae. Sa true? sasabihin niya dapat ulit. Pinigilan niya ang sarili dahil baka mainis ito sa kanya. Shuta, dahil dun ay naalala na naman niya si Jhael.
"Okay po ma'am.." Iyon na lang ang nasabi niya. Binigyan niya ito ng isang exaggerated na ngiti.
''Carlo Kalaran.'' Tawag ulit nung babae nang lumabas sa isang pinto. Akala niya siya na. Tumayo yung lalaki na nakaupo sa kahelera na kinauupuan din ni Maricor. Natigilan siya nang makita ang printed shirt nitong Batman.
''Tawagin mo na lang akong.. Batman.'' Parang narinig niya pa ang boses ni Jhael nang maalala ang tagpong iyon.
''Ikaw yung isa sa Janitor di ba? Dala mo na ba yung mga requirements mo?''
''Opo.'' Pinapasok na ito sa kabilang silid.
Ilang minuto pa ang lumipas bago muling lumabas yung babae.
"Ms. Reynes, pasok na po kayo sa loob ng room for your final interview." Tumango siya sa babae. Nang makasalubong niya si Laila na papalabas na ay nginitian siya nito.
"Keri bells mo 'yan teh. Apaka hirap ng tanong." anito. Pakiwari niya'y lalo siyang pinakaba ng gaga.
''Inamo!'' usal niya dito.
Makailang ulit na siyang napabuntong-hininga dahil sa namumuong kaba sa kanyang dibdib. First time niya kasing sasabak sa final interview sa kauna-unahan ding kumpanya na kanyang in-apply-an.
"Good morning, sir." Bati ni Maricor sa lalaking magi-interview. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nakatungo ito at nakatutok sa papel na nasa harapan nito.
Bago pa man mag-angat ng mukha ang lalaki ay naghanda na siya ng isang ubod na tamis na ngiti. Ngunit ang ngiting hinanda ni Maricor na malapad ay unti-unting nawala hanggang sa siya ay mapanganga nang makita ang mukha ng lalaki.
"Jhael? Agad niyang bulalas. Kapwa nagsalubong ang kanilang kilay.
"Do I know you, Miss?"
...........
BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!