21 -

2.5K 59 8
                                    

-------------------

Wala na si Maricor sa loob ng opisina niya ngunit ang ngiti sa labi ni Jhael ay hindi pa nawawala. Aniya sa isip, si Maricor lang talaga ang may kakayahang magpatuliro ng kanyang isipan at magpabilis ng tibok sa kanyang puso.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang magsimula si Maricor. Tila ang bawat araw na tumatakbo ay hindi niya alintana. Basta palagi siyang masaya sa tuwing nakikita si Maricor. Isang beses habang panay ang utos niya dito ay nabanggit nito na tinawag siyang 'Ajhel'. Iniinis kasi niya ang babae. Yung tipong aabutin na lang niya ang isang bagay ay iuutos niya pa. Gusto niya kasing nakikitang naaasar ito, para sa kanya ay lalo itong gumaganda kapag ganun. Naisip niya na kaya pala parang palagi itong urong-sulong kung magsalita kasi hindi pala ito sigurado sa kaharap. Kanina nang pumasok siya pabalik sa loob ng kanyang opisina dahil nakalimutan niya ang kanyang cellphone, narinig niyang nagsasalita si Maricor mag-isa. Yung mga hinanaing nito para sa kanya. Walang kamalay-malay si Maricor na nasa likuran siya nito.

"Peste, kaasar yung lalaking 'yon! Kung siya nga si Jhael, tuluyan na nga siyang nagbago. Ang lakas lang mang-bwisit. Dati ako lang ang nakakagawa nun ah,'' narinig niyang sabi ng babae. Lihim siyang natawa dun.

"Yung mga files na pinapa-organize niya sa akin, ano pa bang gagawin ko dun? Naka-organized na naman ang lahat. Adik yata yun e, hindi ko pa nga nagagalaw yung files na 'yon ni wala pa nga akong binabago, sabihan ba naman ako ng 'good job!' nang tignan niya kinabukasan yung files." muling sabi ni Maricor. Hindi na niya napigilan ang tawa kaya nalaman ng babae na nasa likuran lamang siya nito.

It was Tuesday afternoon. Saktong oras na ng breaktime nang tumawag ulit siya sa HR para papuntahin si Maricor sa kanyang office.

''Sir?'' Bungad ni Maricor pagkatapos kumatok at pumasok.

''Pakihanap yung folder ng current investors, incoming projects at promotional activities.'' Utos niya dito.

''Yes, Sir!'' Alam niyang peke ang ngiti na pinapamalas ni Maricor. Baka nagugutom na ang babae. No'ng isang araw ay may kinakausap siya sa HR. Kasagsagan iyon ng breaktime, lihim siyang sumusulyap kay Maricor. Inabot yata siya ng kalahating oras ay hindi parin ito tapos kumain. Grabe ang lakas lumamon. Saan kaya nito inilalagay ang pagkain kung bakit hindi ito tumataba?

''Opo. Ayun na lang ang isagot mo sa akin, nasasarkastikan ako sa yes sir mo.''

''Yes-- opo.'' Gagad nito. Napuna niya ang pagnguso ng babae. Nasa ganoon silang tagpo nang may kumatok sa kanyang opisina. Pumasok si Jacob na dala ang mga paper bags na in-order niya dyan sa fast food na malapit sa kanilang building. Pagkababa nito ng mga pagkain sa katabing lamesa ay lumabas na ang lalaki.

''Hala, si Sir, nag-abala pa.'' Narinig niyang sabi ni Maricor. Halata yata ang pagngisi niya.

''Akin lang 'to.''

''Po?''

''Sabi ko, akin lang ito.''

''Ah, inulit pa.'' Sinamaan niya ito ng tingin. Anong akala nito, tropa lang sila?

''Pweding mamaya ko na po hanapin yung folder na kailangan niyo? Nagugutom na ako e,''

''Come here, join with me.''

''Samahan kitang kumain?''

''Hindi, panuorin mo lang ako. Join with me nga di ba?''

''Sabi ko nga, pero huwag na, Sir. Baka hinihintay na ako ni Laila sa lobby. Salamat na lang.'' Tanggi nito.

''Ayun ang utos ko. Samahan mo akong kumain.''

''Hindi po ba nakakahiya?'' Anas ni Maricor habang lumalapit papunta sa mesa na may mga pagkain. Sasabihin niya sanang, 'no, sit down and eat' kaso..

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon