39 -

69 4 4
                                    

Akmang ihahakbang na ni Maristella ang mga paa para muling sumugod nang pigilan ito ni Marco. "Hinang-hina ka na. Marami ka nang nagawa para hindi kami mapahamak. Kaya namin 'to kahit pa ordinaryong tao lang kami." puno ng pag-aalalang hayag ni Marco sa asawa. Ngumiti ang babae sa kanyang tinuran.

"Huwag kang mag-alala, matagal ko na dapat tinapos ang lahat. Dahil sa pagmamahal ko sa'yo, pinili ko na lang din magpakalayo. Mahal kita, kayo ni Maricor. Ano man ang mangyari sa akin, wala akong pagsisisihan. Nang dumating kayo sa buhay ko, kompleto na ako." kinabahan si Marco. Anong ibig nitong sabihin?

"Pinaghadaan ko ang bagay na ito, Marco,"

"Hon o asawa ko. Iyon ang tawag mo sa akin." angal ng lalaki. Bahagyang natawa si Maristella. Bumaling siya sa mga kasama. Pursigido nga ang mga ito na tapusin ang laban. Kahit buntot pagi lang ang hawak, pinapatunayan ng mga ito na dapat lang talaga na may ginagawa sila, na may magagawa sila. Minsan niya pang tinignan yung isa sa kambal na tumutulong sa kanya. Maliksi ito kumilos. Parang sinanay itong makipaglaban, sinugo sa ganitong kapalaran. Mabibilang na lang ang natitirang taong paniki na humaharap dito. Alam ni Maristella na marami pang kalaban. Nagpapahuli lang ang iba.

"Mahal kita.. mahal na mahal." sinsero ni Maristella.

"Namamaalam ka na yata e, akala ko ba, nasa tabi pa kita kahit umabot pa 'ko ng isang daang taon tapos yung asawa ko mukha lang kwarenta." ani Marco. Natawa na naman si Maristella.

"Isa pa, nasaan na yung pangako mo na ——walang sibat, pana, bala, punyal at kuko ng mga taong paniki o ano pa man ang susugat sa katawan mo. Asawa ko, parang naliligo ka na sa dugo. Maawa ka sa akin, nasasaktan ako sa nakikitang kalagayan mo." sa sinabing iyon ni Marco ay agad itong niyakap ni Maristella. Mahigpit. Ang boses at mensahe nito'y tila isang gamot sa nanghihina na niyang katawan.

Nakahanda siya sa kahit anong masamang pwedeng mangyari. Hindi niya masasabi kung makakaligtas siya pero hindi niya rin hahayaan na mawala siya sa buhay ng kanyang asawa at anak.

Hinalikan niya si Marco. Tatapusin niya ang laban bago pa man magbukang-liwayway.

"Ang ganda naman ng tagpong iyan! Baka, pwede ko nang papangitin." patuyang tumawa ang nagsalita.

Natigilan ang mag-asawa. Sinundan ni Maristella ang pinaggalingan ng boses. Sa ikalawang palapag ng tore ay mayabang na nakatunghay sa ibaba si Chollo. Giliw na giliw naman ito sa nakitang ka-sweet-an ng mag-asawa. Sa isip nito'y, may oras pa ang dalawa para sa ganoong bagay sa kabila ng sitwasyon. Kahanga-hanga. Baka naman nagpapaalam na ang mag-asawa sa isa't isa. Sa isipang iyon ni Chollo ay parang ibig niyang tumawa ng malakas. Tipong e-echo sa loob ng tore.

"Nasa akin na ang anak niyo! Mamaya ibibitin ko ito ng patiwarik para meron kayong magandang tanawin habang nakikipaglaban sa akin." mayabang nitong usal. Naka-crossed arms. Hindi nagsalita ang mag-asawa pero kapwa nagulat sa huli nang makita nga si Maricor na hawak ng matandang babae. Kasunod ay ipinasilip din sa kanila ang dalawang kaibigan ng kanilang anak na hawak naman ng iba pa.

"Nakakalungkot... kumbaga sa pelikula at libro, doon lang nagkakatotoo yung inaasam niyong pagka-panalo. Tignan niyo.." kumumpas ito sa hangin. "Puta! Ang sarap isampal sa inyo itong realidad na ito!"

"Puro ka yabang! Puro naman pagtakas ang ginagawa mo." bulyaw ni Ajhel. Nakatingin na rin ito sa itaas pati na rin sila Philip.

Sa mga sandaling iyon ay ubos na ang kalaban sa labas ng tore. Maliban na lang sa mga taong paniki na umaaligid o lumilipad-lipad sa himpapawid. Kung ilan pa ang kalaban sa loob ng tore ay wala silang ideya. Basta ang alam nila, mababang klase lang ng taong paniki ang mga nauna nilang nakatunggali. Parang mga alipin lang ang mga iyon.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon