37 -

76 4 9
                                    


Marco! Pagkaulila at lungkot ang kanyang nararamdaman. Hindi na niya napigilang maiyak. Masagana ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Mula sa ganoong tagpo ay nataranta si Maristella nang maulinigan ang mga yabag na papunta sa kanyang direksyon. Takot at pagkagimbal nang bahagya siyang napaatras. Malaki ang ginawa niyang paglabag.

Ang mga kalahi niyang taong paniki! Bagamat mga normal na tao ito ngayon, may dala ang mga itong sandata na matutulis. Napakarami nila.

"Matistella!" sigaw na narinig niya sa hindi kalayuan. Nakita niya ang nakahintong van. Sa bumukas na bintana ay nakita niya ang mga kaibigan ni Marco.

"Halika na! Sumama ka sa amin Maristella." boses ni Kristela. Hindi niya alam ang gagawin. Kung lalapit ba sa sasakyan o haharangan ang mga kalahi niya para tuluyang makaalis ang magkakaibigan.

Sa huling pagkakataon ay kailangang may gawin siyang kilos. Nakakasiguro siyang hindi hahayaan ng mga kalahi niya na makaalis ng buhay ang mga ito.

"Bilisan mo! Kailangan na natin madala sa hospital si Marco." sa narinig ni Maristella ay tila bigla siyang natauhan.

"Wala ka ng dahilan para manatili dito! Wala na si Manang Olga!" sigaw ni Rico. Ang toto'y binalikan ni Rico si Manang Olga. Tinulungan sila nito kaya ang gusto niya'y makaligtas din ang matanda. Kaso pagkarating niya dun ay nakita niyang wala na itong buhay. Isa iyon sa dahilan kung bakit ang tingin ni Rico sa sarili ay walang silbi.

Natagpuan na lang ni Maristella ang sariling inihakbang ang mga paa papunta sa van. Pagkasakay niya sa van, mabilis na pinaandar iyon ni Jericho palayo. Makakaalis na sila sa Sitio pero alam nila na hindi pa doon natatapos ang lahat.

"Isang araw.. babalik tayo dito! Uubusin natin sila. Uubusin natin sila!" ani Jericho. Galit na galit ito. Mahigpit ang hawak sa manibela.

----

(Kasalukuyan)
Sa templo ng Sitio Ayunta

"Dad?" ani Maricor kay Marco. Nagulat ang mag-asawang Maristella at Marco nang makita ang anak sa ganoong anyo. Kakaibang itsura para sa isang taong paniki. Nagkatitigan ang mag-asawa. Sa huli nasabi na lang ni Maristella na tapusin na ang laban.

"Bakit naman iniwan niyo ko! Eto na yung labang ang tagal ko nang hinihintay!" boses ni Rico na noo'y kakarating lang. Maangas ang entrada ng lalaki. Nang makita ang maraming taong paniki ay bigla ring kinabahan.

"Patayin ang mga hangal na 'yan!" sigaw ni Chollo. Kasing bilis ng hangin nang lumipad ito papunta sa ibabaw ng railings kung saan nakasabit at nakagapos ang kambal pati sila Kimberly at Laila na noo'y mga natitirang buhay.

Ang mga bawat pasugod na taong paniki ay pinapaulanan nila Marco ng bala. Lumipad si Maristella at Maricor papunta sa mga kalaban. Bawat mahawakan nilang ulo ay napupugot. Ang iba'y binabalian nila ng kamay o pinapaikot ang braso. Galit na galit na sinasakmal nila ng kanilang matalas na kuko ang leeg ng mga taong paniki na iyon. Makalipas lang ang ilang sandali ay mabibilang na sa daliri ang natitirang kalaban.

Napaatras ang ilang mga kalaban. Bago pa man makalipad ang mga iyon palayo ay pinagbabaril na ito nila Marco.

Pero simula pa lang pala iyon. Dumating ang napaka daming taong paniki. Mahigit isang daan yata ito.

"Humanda kayo!" tinig ni Maristella. Kayang niyang lumaban. Kung sana pala ay siya na lang pumunta sa Sitio Ayunta mag-isa. Natatakot siya para sa mga kasama. Pero wala na siyang nagawa dahil ibig din ng mga itong tuldukan ang labang minsan nilang tinakbuhan.

Sa kabilang banda naman, hindi na alam ni Chollo ang gagawin. Malikot ang kanyang mga mata. Kung saan saan bumabaling. Ang kagustuhan niyang maghari sa sanglibutan ay tila mabubulyaso. Marami pa pala siyang hindi alam. Lalo na kay Maricor. Meron pa palang natitirang malakas na taong paniki sa lupa. Buong akala niya ay ang kambal lang ang makakalaban niya.

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon