19 -

2.8K 58 6
                                    


--------------------

Masakit ang ulo nang magising si Maricor. Parang ayaw niya pang tumayo dahil inaantok pa siya kaso naalala niyang iyon ang unang araw niya sa trabaho. Bumangon siya ngunit sandali ding umupo sa kama habang ang mukha ay nakapatong sa mga tuhod. Inaantok pa talaga siya kaya muli siyang pumikit. Narinig niyang bumukas ang pintuan ng kanyang silid.

"Good morning, baby." Parang awtomatikong napaangat ang kanyang mukha ng marinig ang tinig na iyon.

"Daddy!" bulalas niya. Tila kumalas sa katawan ang antok na nararamdaman.

"Kamusta na ang baby ko?" napansin niya ang hawak ng ama. Isang plastic bag na naglalaman ng maraming libro. Alam niyang puro horror books iyon dahil sinabi niya sa ama na ayaw niya ng mga romance stories o mga kwento tungkol sa pag-ibig.

"Okay lang po." aniya at yumakap sa ama.

"Namiss ko talaga ng sobra itong baby ko.." ani Marco. "Sabi ng Mommy mo, ngayon daw ang start mo sa trabaho."

"Opo."

"Osya, kumilos ka na at baka malate ka pa."

"Sige po." kinuha niya ang dala ng ama at inilagay sa ibabaw ng maliit na desk na nasa tabi ng kanyang kama. Mabilis na siyang kumilos upang maligo at mag-ayos.

Simpleng itim na blouse at slacks lang ang kanyang sinuot. Minsan niya pang tinignan ang sariling repleksyon sa salamin bago nagblower ng basang buhok. Mayamaya'y narinig na niya ang pagbusina ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay. Ihahatid kasi siya ng ama sa kompanyang papasukan.

Habang nasa biyahe papuntang J.A Twin Towers ay masayang nag-uusap ang mag-ama. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala sila ng building. Sa sobrang abala ay hindi niya namalayan.

"Goodluck, baby! Galingan mo ah,"

"Yes, dad." aniya at humalik sa pisngi ng ama.

Bagaman excited sa unang araw ng trabaho, mas nangingibabaw parin kay Maricor ang kaba. Hindi niya pa makakasabay si Laila dahil sa miyerkules pa ang start nito. Magkahiwalay silang dalawa. Bali siya ay naka-assigned sa J building samantalang si Laila ay sa A building. Naalala niya ang biruan nila ng kaibigan. Siya napunta kay Jhael at si Laila naman ay kay Ajhel. Tugma kasi sa J and A ng J.A Twin Towers. Sana ganun nga. Hiling rin ng kanyang isipan.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang pumasok sa loob ng building.

"Good morning, Sir," bati niya sa HR head nang pumasok siya sa isang room doon sa 17th floor.

"Good morning. You are working with CEO J Fuentes on his projects. Tambak na kasi siya ng trabaho since ilang weeks din siyang hindi pumasok." Diretsahan nito. Tanging tango lamang ang kanyang tugon pero ano daw? CEO ba yung narinig niya? Dinala siya nito sa isang room. Kumatok muna at nang marinig ang boses sa loob ay agad na pumasok.

"Come here," Yakag sa kanya ng HR head.

"Good morning, Mr. Fuentes. This is Maricor Reynes. First day niya sa company." nag-angat ng mukha si Jhael na noo'y busy sa pagtipa sa key board. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang makita si Maricor. Pakiramdan niya'y nanigas ang buo niyang katawan.

Napuna ni Maricor ang gulat sa mga mata ng CEO. Sa katunayan ay nabigla din siya nang malamang si Ajhel ang CEO na tinutukoy ng HR head. Parang ang bata naman yata?

"Maricor, siya si Mr. J fuentes."
Hindi siya naka-pocus sa sinabi ng HR head. Marahang nakatitig lamang siya sa binata. Hindi niya alam kung anong pagkakaiba ng mukha ni Jhael kay Ajhel. Nalilito siya sapagkat iba ang titig sa kanya ng lalaki. Yung tingin na kagaya kung paano siya tignan ni Jhael. Si Jhael ba ang nasa harapan niya? Walang kasiguraduhan. After all, ilang araw lang naman niya nakasama ang lalaki. Ang malamang may kakambal pala ito na hindi man lang niya nakita ay nakakadagdag sa kanyang pagkalito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig sa binata. Kung gaano man katagal, ganun din siya nitong pinagmasdan. Siya na lang ang umiwas ng tingin. Patay malisya.

"Take your sit," Tinuro nito ang upuan at agad siyang umupo. Magkapareho din ba ng boses kapag kambal? Naitanong na lang niya sa sarili. Pansin niya parin ang pagtitig ng lalaki sa kanya at hindi siya sanay na tinititigan kaya may sandaling bumabaling siya sa iba. Nang mga sandaling iyon ay lumabas na ang HR head.

"Anong trabaho ko dito?" Mayamaya'y tanong ni Maricor. Pakiramdam niya'y ang tigas ng pagkakasabi niya nun at para siyang nagtaray. Ang totoo niyan, excited lang siya. Aba, biglaan kaya 'to. Sana nga in-orient muna siya bago hinarap sa CEO. Secretary yata ang peg niya pero bakit ganun?

Samantala, pinag-aaralan maige ni Jhael ang kilos ni Maricor. Para sa kanya, ang lamig yata ng pakikitungo nito. Parang wala lang dito ang muli nilang pagkikita. Siya nga'y ibig pa itong yakapin kung hindi lang nakakahiya. Kung alam lang ni Maricor na walang araw, sa nakalipas na siyam na buwan, walang mintis, Sasagi't sasagi ito sa kanyang isipan. Hindi kaya nagbago na ito? Kinalimutan na siya o nagka-amnesia? Kamustahin niya kaya?

Naguguluhan si Jhael. Buhay nga ito, tama ang kanyang kutob. Pero ano nga ba talaga ang nangyari nang gabing iwanan niya ito upang makipaglaban sa mga kauri niyang taong paniki? Si Maricor ba talaga ang nasa kanyang harapan? Ang dami niyang tanong. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi parin siya makapaniwala. Walang ganap ang muli nilang pagkikita.

Ilan lamang sa kaisipan ni Jhael na maaari niyang i-apply sa eksena nang muli nilang pagkikita kung bakit ganito ang pakikitungo sa kanya ng babae.

1: Baka hindi lang talaga nito ugaling magbigay ng pake sa umaga.

2: Marahil ay wala na yata talaga itong pake sa kanya.

3: Siguro trip lang nitong magsuplada. Walang pakialamanan.

4: Pweding, she remember the boy, but she don't remember the feeling anymore. Gano-on!

5: Past is past.

6: None of the above.

''Excuse me, should I ask?'' Si Maricor.

''What is it?''

''Sabi ng HR head, I'm working with you, ano b--''

''You're the new appointed director of the programs and events. And at the same time, my secretary.'' counter nito. Napatango-tango siya. Kabog naman po pala.

"Dito ka sa tabi ko.." Ilang sandali'y usal ni Jhael kay Maricor. Nabigla siya sa narinig at napakurap. Tama ba ang narinig niya?

''Huh?''

"Kailangan pa ba kitang buhatin?" biro ni Jhael nang makitang hindi parin tumitinag si Maricor. Napuna niya ang ngiti ng lalaki. Natigilan siya. Pareho din ba ngumiti ang kambal? Yung ngiti ni Jhael ang hindi niya makakalimutan e, kaparehong-kapareho ng ngiti ni Ajhel. Teka, sino ba itong nasa harapan niya ngayon? Si Ajhel o si Jhael? Nagugulumihanan si Maricor. Kung si Jhael ito, bakit parang wala lang ang muli nilang pagkikita. Nagkakahiyaan ba sila? Basta, hindi siya ang unang gagawa ng motibo o way para magkamustahan. Mamaya magtanong siya about sa mga nangyari sa Sitio Ayunta tapos malalaman niyang si Ajhel pala talaga itong CEO na ito. Nakakahiya kaya 'yon. Mado-do I know you na naman siya ng wala sa oras.

''Buhatin na ba kita?'' Sa narinig ay agad namang tumalima si Maricor papalapit sa binata.

"This is the lists of my cancelled projects and activities." turo nito sa isang files. "And this one is my latest projects and upcoming activities. I want you to fix it." Tumango lang siya dito. Wala na naman sa wisyo ang kanyang isipan. Tila lumilipad kung saan.

"Magkakaroon ng malaking celebration ang kompanya next month. I want you to organise the settings, venue at yung konsepto ng party."

"How about masquerade party?" Sa wakas ay nakahagilap siya ng sasabihin. Paulanan ng confetti.

"Masyadong common. I want something new.." ani Jhael. Lihim siyang napairap dito.

"Edi pagandahan ng costumes. Tapos may reward yung pinaka bongga para kabugan ang lahat sa costume. Check mo 'yan! Panalo yun. Bihira yun sa mga kompanya na nagcecelebrate." anas niya. FT. Feeling Tropa lang ang kausap.

"Para kang bakla." natatawang usal ni Jhael. Dedepensa sana siya kaso nagsalita ulit ito. "Sino naman ang gagayahin mo kung cosplay ang tema?"

Saglit siyang nagisip.
"Si Darna!" Taas kilay niyang sagot.

"Tapos ako si Batman?''
Napanganga si Maricor. Naalala na naman niya yung sinabi ni Jhael no'ng nasa lagusan sila. Tawagin mo na lang akong.. Batman.

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon