18 -

2.6K 53 1
                                    


--------------------------

Sa gilid ng malaking puno nakatayo si Alexandra. Nagmamatyag at nag-aabang ng taong dadaan. Pakiwari niya'y mamabaliw siya kapag hindi niya naibigay ang pangangailangan ng katawan na animo'y isang sumpa sa kanyang pagkatao. Hindi niya magawang pigilan ang bagay na iyon at mukhang wala na siyang magagawa kundi ang magpaagos sa naging kapalaran. Nagbabago ang kanyang anyo. Anyo na minsang kinatakutan niya. Sinong mag-aakala na magiging isa siyang taong paniki. Nikahit sa panaginip ay hindi sumagi sa kanya. Hindi man niya kagustuhan subalit ito na talaga yata ang nakatakda.

Ilang sandali'y, lumikot ang mga mata ni Alexandra nang makarinig ng mga kaluskos na paparating sa kanyang kinaroroonan. Natatakam na siyang makakain ulit ng lamang loob ng tao. Ang unang biktima niya ay ang kanilang hardinero. Isang gabi ay nakita niya itong nag-iinom mag-isa sa kubo na nasa likod ng kanilang bahay. Sinubukan niya pang pigilan ang sarili na huwag pumatay ngunit mas malakas ang tawag ng kanyang katawan. Kaya naman sinunggaban na niya ang pagkakataon. Matapos niyang kainin ang lamang loob ng kanilang hardinero ay inilibing niya ito doon din mismo sa likod ng kanilang bahay. Noong una ay takot na takot siya sa kanyang nagawa ngunit ng maglaon ay unti-unti din niyang natanggap ang katotohanang hindi na siya si Alexandra na dati'y normal na tao.

Meron siyang taglay na kakaibang lakas. Mas mabilis makapag-isip ang kanyang utak at sing bilis ng hayop ang kanyang pagkilos. Matalas ang kanyang paningin kahit na madilim at maging ang kanyang pandinig at pakiramdam ay matalas din. Ang pinaka gusto niya sa lahat ay nagagawa niyang lumipad bagay na hindi nagagawa ng normal na tao.

Mayamaya'y may napansin siyang bulto ng lalaking papalapit sa kanyang direksyon. Naging alerto si Alexandra. Pagkalagpas ng lalaki sa kanyang kinatatayuan ay agad niya itong sinunggaban. Gamit ang matatalas na kuko ay mabilis niyang nawarak ang dibdib ng lalaki. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakain na niya ang lamang loob niyon maging ang utak. Isa na siyang halimaw. Halimaw na walang kaawa-awang pumatay kapag kinakailangan niyang gawin. Iniwan na niya ang wala nang buhay na lalaki sa madilim na bahaging iyon ng kalsada at lumipad na siya palayo.

----

"Maricor! I really miss you, anak!" Salubong agad sa kanya ng ina na si Maristella pagkapasok palang niya sa pinto ng kanilang bahay. Buong higpit siyang niyakap nito. Tatlong buwan ding hindi niya nakasama ang mga magulang dahil may inaayos na negosyo sa Davao. Si Manang Perla na kanilang katulong lang ang kanyang nakakasama sa bahay nitong mga nagdaang buwan.

"Missed you too, Mommy." aniya at yumakap din ng mahigpit sa ina.

"Amoy alak ka.. Siguro lagi kang umiinom ng alak nitong mga buwan na wala kami ng Daddy mo." batid niya ang pag-aalala sa tono ng boses ng ina.

"Ngayon lang po. Nagkayayayaan lang po kami nila Laila." aniyang pilit na ngumiti. Marami siyang inililihim sa ina katulad na lang ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. 

"Don't worry, Mom, I'm abosolutely fine and happy." pagsisinungaling niya. Hindi kasi siya titigilan ng tanong nito. Nandyan din yung magdadrama na naman ang mudra niya  na kesyo hindi siya nababantayan maige o naaalagaan. Kahit na busy ang mga magulang sa trabaho ay ramdam na ramdam niya parin ang sobrang pagmamahal ng mga ito.

Sa katunayan ay natutuwa siya sa love story ng kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay nagpapatuloy parin ang sweetness sa isa't-isa. Parang akala mo bagong kasal. Kapwa mahal na mahal ang isa't-isa at mukhang kahit kailan ay hindi magsasawa.

Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at umupo muna sa may sofa. Tinabihan siya ng kanyang ina.

"Sabi ni Manang Perla, nag-apply ka daw ng trabaho sa isang kompanya sa Makati. Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa kompanya ng Daddy mo?"

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon