28 -

2K 52 3
                                    

Marco & Maristela
Part 4

Malakas na hangin ang sumasalubong kay Marco habang binabagtas niya ang kakahuyan. Ramdam niyang parang may mga matang nagmamasid sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang takot nararamdam sa kanyang dibdib. Something wasn't right in this place.

May pagkukumahog ang kanyang kilos. Inaasahan pang bigla na lang may susulpot. Kabado. Hindi naman siya matatakuting tao pero hindi niya alam kung bakit kakaiba ang presensya sa kanya ng lugar na iyon. Ngayon lang siya nakapunta roon pero parang pamilyar sa kanya ang lahat ng imahe ng lugar. Parang kapareho sa kanyang panaginip. Ganun pa man, lagi parin niyang iniwawaksi o iniisip na panaginip lang ang kanyang kinatatakutan. Isa lamang iyong bangungot na hindi mangyayari. Tinatakot lang niya ang sarili, bagay na hindi dapat mamayani.

Habang tinatahak ni Marco ang madilim at masukal na kakahuyan, naririnig niya ang malalakas na huni ng mga kuliglig. Nakakabingi ang ingay niyon. Mayamaya'y nagtaka na lang siya ng biglang huminto sa paghuni ang mga kuliglig at iba pang insekto.

Luminga-linga siya sa paligid. Nagulat siya nang may makitang babae malapit sa malaking puno ng mangga. Hindi mabanaag ni Marco ang mukha nito dahil madilim sa kinatatayuan ng babae. Napansin niyang unti-unti itong lumalapit papunta sa kanya. Nanatili lang siyang nakatayo habang nakatitig sa babaing papalapit sa kanya.

"May hinahanap ka ba?"

Nakilala niya lang ito ng bigla itong magsalita. Aywan kung bakit naging pamilyar agad sa kanya ang boses nito. Siguro dahil sa may pagkamahinhin ito magsalita.

"Ikaw pala.." ang tanging nasambit ni Marco. Hindi niya pa kasi alam ang pangalan nito. "Hinahanap ko ang mga kaibigan ko." dugtong niya.

"Kanina pa ba sila nasa labas?"

"Oo," marahan niya itong tinitigan. Ang ganda niya! Kung bakit kahit kayumanggi ay ayun pa ang nagpatingkad sa ganda nito. Matangos ang ilong at ang ganda ng hugis ng labi. Manipis. Kitang-kita niya iyon sa kakarampot na liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa labas ng kubo sa hindi kalayuan.

''Anong pangalan mo?'' pormal niyang tanong. Napaawang ang bibig ng babae. Nabigla niya yata sa tanong. Natutuwa siyang makita ang ekspresyon nito. May kainosentihan ang mga matang nababanaag niya mula dito.

''Bumalik ka na sa tinutuluyan mo.'' lihis nitong turan. Napamaang siya. Kapwa sila nakatingin sa isa't isa na animo'y pinag-aaralan ang nasa isip.
Naguguluhan talaga si Marco sa kung ano ang ibig nitong sabihin. Bawat salita kasing binibitawan nito ay may malaking katanungan para sa kanya. Basta ang alam niya ay may kakaiba sa lugar na iyon kung ibabase sa mga kinikikos at sinasabi ng babaing nasa harap.

"Bakit? Ano ba kasing meron sa lugar na ito?" Habang hinihintay niya ang sasabihin ng babae, nabigla na lang siya nang mabilis itong tumalikod at nagmamadaling naglakad palayo.

''Miss, wait!'' sinundan niya ito. Napansin niyang lumihis ito ng daan. Patungo sa palayan. Napakunot-noo siya. Tinakbo na niya ang pagitan mula sa kanyang kinaroonan sa tinahak ng babae. Pagkarating doon ay hindi niya ito makita. Ganun kabilis. Nasaan na 'yon?

Binagtas niya ang daan sa pagitan ng mga palayan. Hindi pa man gaanong nakakalayo nang bigla siyang matigilan. Tutuloy pa ba siya? Ang pakay niya ay mga kaibigang lumabas. Napakamot siya sa ulo. Sa huli, naisip niyang bumalik na sa mga kasamahan dahil baka nandun na sila Mikaela.

Mabilis ang kanyang paglalakad pabalik. Palinga-linga pa siya sa paligid. Bago pa man umabot sa labas ng palayan, may nakita siyang bulto ng tao. Agad siyang nagtago sa matataas na bahagi pananiman. Pasimple siyang sumulyap doon. Napansin niyang parang hindi ito gumagalaw. Ganung-ganun pa din ang tindig nito. Matagal niya pa itong pinagmasdan.

Nang hindi makatiis si Marco, nilapitan na niya ito. Nakakaramdam siya ng kakaibang takot habang unti-unting lumalapit. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Samahan pa ng malamig na simoy ng hangin. Nabibingi siya sa katahimikan ng gabi. Kahit ang mga kuliglig o ano mang insekto ay hindi niya naririnig. Nakakapagtaka. At dahil nananaig ang kuryosidad, nagpatuloy lang siya. Sa nagkakarambolang pintig ng puso ay hindi niya mabatid kung saan nanggagaling ang kanyang tapang.

Pagkalapit ni Marco, doon niya napagtantong isa pala itong panaboy ibon. Habang tinititigan niya ang scarecrow, parang naninindig ang kanyang mga balahibo. Nakakatakot kasi ang itsura niyon.

Parang hindi siya scarecrow. Parang..

Akmang hahawakan na niya ang mukha ng scarecrow nang bigla itong gumalaw na siyang ikinagimbal niya. Napatalon pa siya. Agad na napuna ni Marco ang paglabas ng malaking pakpak mula dito. Pakpak na kagaya sa paniki.

Taong may anyong Paniki!

Napaatras siya mula sa kinatatayuan. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa nilalang na ngayo'y lumilipad na sa ere. Matagal bago siya natauhan na nasa panganib ang kanyang buhay.
Agad siyang kumaripas ng takbo. Kailangan niyang makabalik sa bahay na kanilang nirerentahan. Kung hindi, matatapos ang buhay niya sa gabing iyon.

Totoo nga ang taong paniki! Totoo ang kanyang panaginip.

Binilisan niya pa ang pagtakbo. Kamatayan ang naghihintay sa kanya kapag hindi siya nakaalis doon. Babantaan niya ang mga kaibigan. Kailangan niyang matakasan ang taong paniki. Wala siyang laban dito.

Tumingala siya sa itaas. Nakita niyang lumilipad-lipad ito. Paikot-ikot. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Malapit na siya sa kakahuyan nang biglang meron siyang nabunggo dahilan para matigilan si Marco.

Pagkatingin niya sa harapan, nasindak siya nang makitang taong paniki ang nasa harapan. Agad siyang nilamon ng takot.

Ang sumunod na nangyari ang siyang ikinagulat ni Marco. Naramdaman niya ang pagbaon ng matalas at mahabang mga kuko ng taong paniki. Palalim iyon ng palalim sa kanyang balikat.

Tanging ungol sa sakit lang ang kanyang nagawa. Mayamaya'y inilipat ng taong paniki ang mga kuko nito sa kanyang tiyan. Para siyang sinaksak ng tatlong balisong. Bagaman may kababawan, napaka sakit parin niyon.

"AHHHRRRGGGG!" sigaw ni Marco. Hindi pa nakuntento ang taong paniki. Sinipa siya nito doon mismo sa tiyan. Natumba si Marco. Napapikit. Namaluktot sa sakit.

Nakaramdam na siya nang panghihina. Nang makatanggap pa siya ng isang malakas na sipa sa dibdib mula dito, nawalan na siya ng malay.

-

Nagising si Marco. Mahinang na panaungol. Nagtaka pagkamulat ng mga mata. ''Huh?'' Napasinghap siya. How the hell did he get in there? He didn't recognized the room. Nang akmang babangon sa pagkakahiga, parang awtomatikong bumagsak siya pabalik. Naramdaman niya ang sakit na nagmumula sa kanyang balikat at tiyan. Inalala niya kung anong nangyari bago siya mapadpad doon.

Nang maalala niya ang lahat, nagtaka siya kung sino ang nagligtas sa kanya. Hindi niya aakalaing maililigtas pa siya sa kahindik-hindik na pangyayaring iyon. Inilibot niya ang kabuuan ng paligid. Agad na napuna niya na wala man lang kagamit-gamit sa loob, maliban sa nag-iisang ilaw sa gitna ng kwarto at malaking aparador na may double lenght mirror. Napadako ang kanyang tingin sa nakabukas na bintana. Madilim sa labas. Parang nakaramdam naman siya ng takot ng malamang gabi parin. Delikado ang kalagayan ng pangkaraniwang tao na katulad niya sa mga taong paniki kapag ganung oras.

"Totoo ang mga taong paniki. Kailangan talagang makaalis na kami sa lugar na ito." aniya sa sarili. Itinanggal niya ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan dahil nakaramdam siya ng sobrang init. Hindi niya alam kung bakit ang init-init ng kanyang pakiramdam. Init na parang nanunuot sa kanyang pagkatao.

Mayamaya'y nakarinig siya nang mga yabag mula sa labas ng kwarto. N'ong bumukas ang pinto sa silid na iyon, bumulaga sa kanya ang isang babae. Ang pamangkin ni Manang Olga. Ang babaing sinundan niya sa palayan.

Ito ba ang nagligtas sa kanya?

......

Sigaw Sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon