Marco & Maristella
Part 6''Pwede ba, anak naman ng tupa o, hindi ako nakikipagbiruan. Nagtatanong ako ng maayos.'' bulyaw ni Jessa kay Rico.
''P'ano, alam mo namang hindi rin namin alam, tanong ka pa ng tanong. Para kang nakakaloko. Paulit-ulit na lang. Lasing ka na.'' ingos ni Rico.
''Gaano ba kahirap yung sabihin mong hindi mo alam. Magbibiro ka pa na baka patay na yung dalawa.'' ani Jessa. Umupo sa mahabang upuan at nagsindi ng sigarilyo.
''Whew!'' napasipol si Jericho.
''Ingay niyo. Palagi namang umaalis yung dalawa ng hindi nagpapaalam kaya huwag nang pagtulunan.'' nakisali na rin si Divine. Muli itong nagsalin ng wine sa baso sabay lapit sa pasimano at namintana.
''Imposible parin e, tumatagal naman sila Udan ng dalawa o tatlong araw bago umalis. Hindi yung unang gabi palang aalis na.'' si Kristela.
''So, ano nga? Ayokong mag-isip ng masama pero paano kung may nangyari na ngang hindi maganda sa dalawa? Katulad na lang ni Marco.'' sumabat si Jessa. Minamasahe ang sentido. Hirap siyang pakalmahin ang sarili.
''Di ba nabanggit niyo na ang tagal nilang hindi nagkita, baka naman sinusulit nilang dalawa ang mga araw na magkasama.'' komento ni Aleah.
Sandaling katahimikan. Patuloy ang inuman.''Huwag na kasing pag-usapan. Nandito tayo para magsaya.'' saad ni Divine. Pumunta sa kusina at naisip na magluto ng pang pulutan.
''Yung nangyari kay Marco. Yung mga paalala ng pamangkin ni Manang Olga. Kakaiba e,'' biglang sabi ni Philip. Nagkatinginan ang magkakaibigan. Parang kapwa mga walang maapuhap na sagot.
''Magtatakutan na lang ba tayo? Para kayong mga timang. Parang Maynila lang din ito e, may masasamang loob. May mga gago. Malamang nakursunadahan lang si Marco. Alam niyo naman ang isang 'yon, pabalang kung sumagot kaya laging nabubugbog. Saka sila Udan, ugali na nila 'yan. Umaalis na lang bigla ng hindi nagpapaalam.'' pahayag ni Rico. Sumang-ayon ang ilan.
''Bakit ba kasi dito niyo napiling magbakasyon? Dapat yung tourist destination. Itong Sitio Ayunta ay tipikal na probinsya. Puro mga puno, palayan, kakahuyan, mahabang bukirin. Ano ba naman, hayys — uneventful weekend.'' angal ni Jessa.
''Ganito yung gusto ni Marco. Yung liblib na lugar. Isa pa, may nakita kami kaninang umaga ni Divine na falls at ang ganda nung ilog. Para siyang tagong paraiso. Bukas ay puntahan natin para naman madama niyo ang bakasyong ito. Malapit lang siya dito.'' si Kristela ang tumuran.
Lumalim pa ang gabi. Nalihis na ang paksa. Naging masaya na ang usapan. Tawanan, sigawan at tuksuhan. Ang paligid ay naging mausok dahil sa sabay-sabay na paninigarilyo. Ang ilan ay naging maligalig. Nabahiran ng kalaswaan.
''Huwag nga kayo dito maghalikan. Ang iniirog ko dinadamay niyo sa makamundo niyong gawi.'' anas ni Kristela sabay takip ng palad sa mga mata ni Philip. Kinabig ito ng lalaki.
''Pwede ba, Kris. Huwag mo akong pamukhaing inosenti sa harap nila.'' wika ni Philip.
''Hindi ba?''
''Hindi talaga.''
''Magluto ka pa nito, Divine.'' sabi ni Kristela. Ang tinutukoy ay yung pulutan na niluto ng kaibigan. Agad naman tumalima si Divine. Hating gabi na. Patuloy lang sila sa pag-inom.
''If I fell in love with you, would you promise to be true, and help me understand, cause I've been in love before, and I found that love was more than just holding hands.'' kanta ni Aleah. Lasing na.
''Grabe pala 'to, malasing. Napapakanta.'' sambit ni Jericho habang nakatingin kay Aleah na noon ay nakapikit habang kumakanta.
''Beatles pa.'' dugtong ni Rico.
BINABASA MO ANG
Sigaw Sa Dilim
ParanormalSumigaw ka man ng sumigaw sa masukal na kagubatan, tumakbo ka man ng tumakbo sa madilim na gabi, at magdasal ng magdasal sa nakakabinging katahimikan.. Ang iyong kinatatakutan ay sadyang nakatakda paring maganap!