Napairap na lang ako sa hangin nang marinig ang sinabi niya. Akala ko naman kung anong kabaitan na, kalokohan din pala.
"Baliw. Ano nga?" pamimilit ko.
"Nangangamusta lang," sagot niya.
I let out a deep breath. "Yung keychain ko? Kailan mo ibabalik?"
"Sa campus na," tanging sagot niya.
My brows furrowed. "Paano ko naman makukuha sa'yo sa campus? Hindi ko nga alam kung anong schedule mo at kung nasaan ka."
Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya. I don't know if he was having fun teasing me or if there was something funny in what I said.
"Just say you want my schedule, Arceno. Ibibigay ko naman," tumatawang sagot niya.
I scoffed. "Ang kapal, ah? Ang assuming mo masyado. Ibalik mo na lang para hindi na kita guluhin."
Sanjo clicked his tongue. "Parang ayoko nga eh..."
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. My mouth opened slightly, hindi makapaniwala sa narinig. "Hoy, Sanjo!"
Muli kong narinig ang tawa niya. Kung hindi lang tarantado 'to, iisipin kong sobrang yaman niya. Pang-bilyonaryo ang tawa, eh. Yung tipong parang may lumilitaw na gold bar kada syllable. Anak mayaman siguro siya? Kung ganoon, anong nangyari? Napabayaan ba sa kalsada ang humor?
"I was joking. Ibabalik ko sa'yo sa Monday," he said, calming the inner demons that were about to take over my body.
"Okay," ang tanging naisagot ko dahil narinig ko na ang mga salitang gusto ko marinig sa kanya.
I thought he was going to end the call after that, but then I heard him ask again.
"May kasama ka ba ngayon?"
I turned back and briefly glanced at the closed door of my room. Sa labas ay ang mga kaibigan kong panay pa rin ang katok doon at halos magsisigaw na. I closed the sliding door of my balcony and stood by the railings.
"Bakit mo natanong?" tanong ko.
"May naririnig kasi ako..." aniya. "Sumisigaw ng tulong?"
Goosebumps ran through my body. Nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa narinig. Medyo madilim pa naman sa balcony dahil solar light lang ang inilagay ko roon. My room was dim, lit only by the lampshade on my bedside table.
"Anong sinasabi mo?" Even though I was starting to feel scared, I tried to sound brave and composed. Inisip ko na lang na baka naririnig niya ang mga kaibigan ko sa labas.
"May sumisigaw ng tulong," pag-uulit niya sa sinabi. "Humihingi yata ng hustisya."
"Ewan ko sa'yo!" inis na sambit ko.
I ended the call immediately before going back inside. Sa takot, agad akong kumaripas sa pinto upang buksan 'yon. But when I saw the expressions on my friends' faces, my fear vanished instantly. Napalitan na ng hiya.
"Ano? Tapos na ang bebe time, Kit?" nakataas ang kilay na tanong ni Caliber, may hawak pang sandok at nakapameywang. Para tuloy siyang nanay na sumundo ng anak sa playground.
Koen briefly glanced at what Cali did and copied him. May hawak din siyang sandok. Siya naman ang mukhang tatay na sunod-sunuran sa asawa. "Oo nga. Anong pinag-usapan niyo?"
Pinanliitan ako ng mata ni Era. "Ikaw Kit, ha? Ano 'yan? May gusto ba sa'yo?"
"You can find someone better Kit," si Ria na napapailing na lang.
Dire-diretso akong naglakad pabalik sa living room. They surrounded me like bodyguards, ready to protect me from any harm. They kept nagging until I sat on the couch.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit