"Excuse me?" I felt my face twitch in annoyance. Did he just say I'm ugly? Hindi niya sinabi nang direkta pero ganoon ang dating sa pandinig ko.
"Oh, daan ka na." He moved to the side and acted as though he was allowing me to pass.
Huh?!
Mas lalo lang akong nainis. Sa sobrang sama ng loob ay gusto ko na isara sa pagmumukha niya ang pinto. Kung hindi lang nakisingit iyong lalaking palaging nakangiti sa pagitan namin ay baka nagawa ko na nga 'yon.
"Pre, saglit. Hindi siya 'yong sinasabi ko... Uh..." The guy with a dimple looked at me hesitantly, then glanced at my back like he's looking for someone. "Si ano..."
Umangat ang kilay ko. Hindi ko naman talaga dapat susungitan 'to pero dahil sa maligno na nasa tabi niya ay nadadamay tuloy siya.
"Si?"
"Si Haru..." Bakas pa pagdadalawang-isip sa boses niya.
"May ginagawa sa loob. Bakit?" tanong ko, halos para nang robot doon sa kawalan ng emosyon.
"Imbitahin sana namin kayo. Baka gusto niya ng barbecue—I mean, kayo... baka gusto niyo ng barbecue," sagot niya.
Muntik na akong mapairap. Ayaw na lang sabihin na gusto niya imbitahin si Haru eh. Kunyari pang idadamay ako. Ganyan 'yang mga pakulo ng mga lalaki eh. Alam na alam ko na 'yan. Pero dahil nagugutom ako, baka sumama ako kung pupunta si Haru.
"Mamaya tatanungin ko siya," I replied.
Gusto ko na sana silang paalisin dahil hindi ako komportable sa tingin ng isang maligno sa gilid, ngunit masyadong mausisa iyong kaibigan niya. Talagang nakailang silip pa sa loob, halos humaba na ang leeg.
"Ako nga pala si Ysaac," nakangiting pagpapakilala niya. "Ikaw? Sino ka?"
Ang bangungot ni Santino. "Kit. Kaibigan ni Haru."
"Kit lang name mo? Kitkat? Kitto? Kitoko? Kitson? Kitzen? Kita-kita?" sunod-sunod na sabi ni Ysaac.
Talks a lot pala ang isang 'to. Tapos iyong kaibigan niya sa gilid, siraulo lang. Walang ibang ginawa kung hindi inisin ako.
"Kit Sachiel," I responded.
His smile grew even wider. Sumasabay pa sa pagngiti ang mata niya. "Ah. Maikli pala talaga. Okay lang 'yan. The less, the better. Panigurado 'di ka nahirapan noong kinder ka sa pagsulat ng pangalan m—"
"Ako ba? Hindi mo tatanungin kung anong pangalan ko?" pagsingit ni Santino sa usapan na ngayon ay nakahalukipkip na.
"Pakialam ko sayo?" I retorted.
I noticed Ysaac's smile fade. He glanced at Santino for a moment but the latter only responded by stifling a smile. Halatang nang-aasar pa. Kahit yata anong bara ko sa kanya, he'd find it funny.
"Bakit kayo nag-aaway? Kilala niyo ang isa't isa?" Nagpabalik-balik ang tingin ni Ysaac sa akin at kay Santino. He looked clueless.
Tanong niya sa kaibigan niyang ubod ng sama ang ugali. Noong nagpaulan siguro ng kasamaan, siya pa ang nagdo-donate.
"Kit? Sino 'yan?" Haru finally came out of the bathroom. Kunot ang noo habang sinisilip ang mga kausap ko.
Biglang sumingit si Ysaac sa pagitan ko at ng pinto upang sumilip sa loob. "Hi, Haru! Gusto mo barbecue? Nag-iihaw kami."
Nagkatinginan kami ni Haru. It was probably some form of telepathy, but I felt like he was communicating something with his eyes. "Gusto mo ba, Kit?"
Kumalam ang sikmura ko. "Uh... Oo? Nagugutom ako, e."
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romansasanjo & kit