Admirer
I stared at Sanjo, who was sitting on my couch with his head resting on the backrest and his eyes closed.
The bruises and wounds on his face look quite severe. Hindi ko naman magawang tanungin kung saan niya nakuha dahil hindi ako sigurado kung komportable siyang pag-usapan 'yon.
Inayos ko ang pagkakalagay sa tray ng mga gagamitin kong mga gamot at panglinis sa mga sugat niya. Naghanda na rin ako ng cold compress para sa mga pasa niya.
I placed the tray on the center table and sat beside him. His eyes were closed, but it didn't look like he was sleeping. Sa kunot pa lang ng noo niya, alam kong gising siya.
Naglagay ako ng betadine sa cotton buds at maingat iyong idinampi sa sugat niya sa gilid ng labi. A soft groan escaped his lips as the cotton touched his wound. Agad siyang ngumiwi.
"Betadine lang 'to," sabi ko.
He didn't respond. Instead, he shifted his position and opened his eyes. Agad na nagtama ang mga mata namin. I cleared my throat and turned my attention back to his wounds.
His lips were soft and had a natural, rosy red color. Kahit mayroong sugat sa gilid ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa pagkapula noon. It was infuriating that someone's undeserving knuckles had the chance to land on them. Naaawa tuloy ako sa labi niya.
But, wait. What am I even thinking?
"Hindi ka magtatanong?"
I snapped back to my senses when I heard his voice. Even though I had tried repeatedly to avoid his gaze, I couldn’t help but be pulled back each time I felt it drawing me in. May kung ano sa mga tingin niya na mapipilitan ka na lang din tumingin pabalik.
"Ha?" I asked cluelessly. Kahit dinig na dinig ko naman ang boses niya kanina, parang hindi naiproseso ng utak ko ang tanong niya.
"Hindi ka magtatanong kung anong nangyari?" pag-uulit niya.
Napatigil ako sa ginagawa nang ilang segundo saka muling nagpatuloy. "Hangga't hindi ako siguradong komportable ka magkwento, hindi ako magtatanong."
Hindi siya sumagot. He pursed his lips. I could feel his gaze intensely fixed on my face, as if there were something dirty on it. Hindi ko rin mapangalanan ang emosyong nasa mata niya. Ang hirap niyang basahin. I couldn't tell what was going on in his mind.
Ngunit isa lang ang sigurado ako. Alam kong ayaw niyang mapag-usapan kung ano ang nangyari.
"Aray," pagdaing niya kahit hindi ko pa naman naidadampi ang ice pack.
"Wala pa," sagot ko. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon niya ngayon ay baka nairapan at na-kontra ko na ang pag-iinarte niya. Naalala ko lang na dapat ay nurse ako ngayon.
I took the ice pack and gently placed it on the bruise on his cheek. I noticed him flinch as it made contact with his skin. Hanggang sa mapansin ko ang maliit na peklat sa kanang pisngi. It looked like a small cut that had healed over time.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit nang makita iyon nang malapitan ay may kutob akong parehas ang pinanggalingan noon at ng mga sugat niya ngayon.
Sanjo has that bad boy aura, but I always knew he was never the violent type. Oo, tarantado siya most of the time pero alam kong hindi siya basagulero. Mahilig lang siya mang-asar at mang-bwisit ng ibang tao ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na mahilig siya makipagsuntukan. Mukha lang basagulero pero mabuting tao.
Kaya naman alam kong may rason kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon. Based on the hesitation that flashed across his face earlier, it must be something deep for him to keep it to himself.
![](https://img.wattpad.com/cover/369607229-288-k142306.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit bl story | completed