My eyes squinted as the sunlight kissed my skin. The first day of classes means taking a fifteen-minute walk to school. Malapit lang naman ang condo ko at hindi na kailangan magcommute dahil mas mapapalayo pa. Iyon nga lang, talagang kalaban ang init at usok galing sa mga sasakyan.
Wala naman masyadong ginagawa sa first day ng klase, usually puro orientation at pagpapakilala lang. But I heard third year was hell for accounting students. May Taxation at AFAR na rin which I heard are the hardest courses in accounting. Pero malalaman pa rin kung kakayanin ko. Wala naman akong choice eh.
My phone rang. I glanced at the caller ID and saw that it was Haru.
"Saan ka na? Kita tayo sa Caf mamaya," sabi niya sa kabilang linya.
"Naglalakad pa," sagot ko, kumukunot na ang noo dahil sa init.
"Hindi mo ba kasabay si Cali?" tanong niya.
"Hindi pa siya nabalik sa condo niya eh. Next week pa yata."
"Ahh. Sige, message na lang kita mamaya. Good luck! Huwag mag-abacus sa daan," aniya.
I chuckled. He knows me so well. "I miss you so mu—"
Pinatayan ako ng tawag?!
Wala talagang sweetness sa katawan 'tong si Haru. Lahat ng magkakaibigang nakikita ko sa social media, ang sweet sa isa't-isa. Pero siya, kulang na lang yata ay magmakaawa ako para lang marinig sa kanya na ako rin ang bestfriend niya.
Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin ang lalaking dumaan sa gilid ko. Maybe it was because of his long legs, but he was walking very quickly. Naunahan na niya ako.
Hindi na nga niya namalayang nalaglag pala ang wallet niya.
Agad ko iyong pinulot.
"Kuya! Sandali! 'Yung wallet mo!" Bakit ba ang daming nakakaiwan ng wallet ngayon? Kahapon pa ako nadadawit sa ganito, ah! Sa susunod talaga hindi ko na ibabalik. Ipapang-samgyup ko talaga.
Hindi ko lang magawa ngayon dahil baka social experiment pala ito. Malapit pa naman ako sa kalsada. Baka may camera na nakatutok.
Tinakbo ko na ang pagitan namin dahil mukhang hindi niya narinig. Hinila ko ang likod ng hoodie niya, dahilan para tumigil siya sa paglalakad. Hindi pa man siya lumilingon ay naaamoy ko na ang pabango niya.
"Nahulog 'yong..." I paused when he faced me. My words hung in the air as my grip on his hoodie slowly loosened.
Umangat ang kilay niya na para bang hindi rin siya makapaniwalang nakita niya ako rito. Hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya ng kilay. May naglalarong ngiti sa labi niya nang tanggapin niya ang wallet niya. Mas lalo akong nainis.
"Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong ko.
He was walking behind me kanina. Malay ko ba kung saan siya galing at bakit bigla na lang sumulpot? Base sa text niya sa'kin kagabi, medyo weird siya. Parang adik kaya ko nga bi-n-lock. Kung ano-ano kasi ang sinasabi.
"Baka ikaw? Pangalawang beses mo na ngang napupulot wallet ko eh?" he fired back.
Nanliit ang mata ko. "Excuse me? Pasalamat ka nga binabalik ko pa. Sa susunod itatakbo ko na 'yan!"
"Oh, e 'di may balak ka nga?" nanunudyong sabi niya.
Ayan na naman 'yang mga tingin niyang parang ginagawa akong katatawanan sa isip niya. I sometimes wonder what he was thinking because I feel offended just by the way he looks at me. Kaya rin siguro inis na inis ako sa kanya.
"Asa ka. Dito ako nag-aaral. Ikaw, bakit ka sunod nang sunod sa'kin?" pairap na sagot ko.
"Magkaiba ang assuming at delulu, pero ikaw, pinagsama mo," sagot niya, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. "I study here too."
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit