Chapter 23

8.1K 313 223
                                    

We remained silent the entire time I was treating his wounds, yet I could feel his eyes on me, staring intently. At sa bawat oras na lumilipas na magkasama kami sa unit ko, mas lalo ring tumitindi ang pagiging kuryoso ko sa mga nangyayari sa kanya.

Different scenarios played in my head. I wanted so badly to ask him about it, but I couldn't. Mas lamang pa rin ang pag-respeto ko sa personal niyang buhay. Oo, magkaibigan kami, ngunit hindi naman ako sigurado kung gusto niya bang buksan ang usapin tungkol doon sa kahit na sino.

I don't think his other friends know about this either. If they did, he wouldn't have come to my condo that night when I first saw him with wounds and bruises, especially since we weren't really close at that time.

"Nagugutom ka ba?" ang tanging naitanong ko na lang habang ibinabalik na sa tray ang mga ginamit.

Naalala kong kanina pa nga pala siya nagyayaya kumain. Hindi rin naman kasi talaga kami makakakain nang ayos sa labas lalo na't suot pa rin namin hanggang ngayon ang mga halloween costume namin.

"Papakainin mo ako?" he finally spoke.

I turned my gaze toward him and furrowed my brows. Tunog inaapi ang tanong niya ah. "Oo, gutom ka ba?"

"Oo." He nodded as he leaned back against the couch, rested his head, and closed his eyes.

Despite the heavy makeup on his face, you can clearly tell that this man is attractive. Kahit yata anong ilagay sa mukha niya, masasabi pa ring... gwapo talaga. Kung active lang siguro siya sa social media, baka may kumuha na sa kanya upang gawing artista. Ngayon pa nga lang na athlete siya, ang dami na agad followers kahit hindi pala-post.

"Order na lang ako. Anong gusto mo?" tanong ko habang abala sa pagbabalik ng mga kagamitan sa kusina.

"Ikaw."

I froze, and my mind lagged for a moment. Kung hindi ko lang nailapag nang ayos ang tray sa countertop, baka bumagsak na iyon dahil para akong tinakasan ng dugo sa narinig.

Pucha. Gutom ba ako? Nahihilo? Pagod? Nainitan? Inaantok? Kulang sa tulog? Bakit kung ano-ano na yata ang naririnig ko? May sira na ba ang tainga ko?

I checked my temperature by pressing the back of my hand to my forehead, just to make sure it wasn't a fever. Once I was sure that I was in a normal state, I gathered my courage to speak again.

"Huh?" I didn't know what else to say. Sobrang daming tumatakbo sa utak ko na mga salita ngunit iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

Nakita kong nagmulat ng mata si Sanjo, at mula sa kinatatayuan ko ay napansin ko rin ang pagkagulat niya, parang hindi rin inaakalang masasabi niya iyon. He shifted in his seat and looked at me, who was standing like a statue in the kitchen, unable to move.

"Ikaw... ang bahala," pag-uulit niya.

"Ah..." I laughed awkwardly. "Okay."

I let out a sigh of relief. I wasn't sure whether to be thankful that I had misunderstood or annoyed with myself for letting my mind wander and become so assumptive. Buti na lang at hindi talaga iyon ang sinabi niya. Kasi kung oo... hindi ko alam ang magiging reaksyon.

Tumalikod na ako ulit at mariing napapikit. Gusto kong kutusan ang sarili sa mga iniisip ko. Hayop na 'yan. Magkaiba ang assuming at delulu, pero 'yung sa'kin, pinagsama ko pa yata.

Sa Bonchon na lang ako nag-order ng kakainin namin. Ayaw pa niyang mamili noong una at ako na raw ang bahala, pero sa kakapilit ko, wala rin siyang nagawa sa huli. I also ordered two chocolate bingsu for us and flavored K-fries.

Habang naghihintay, naglinis na muna ako ng unit. Earlier, I had planned to do this after he left. Pero hindi ko na talaga kayang tignan ang mga kalat ko na hindi ko na nagawang ayusin dahil sa kakamadali.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon