"Minsan lang naman, Kit! Isipin mo na rin na reward natin 'to sa sarili na'tin for surviving August," pamimilit ni Era sa kabilang linya.
I sighed and closed the book I had been reading. Leaning back in my seat, I hugged my penguin plushie. Pinag-isipan kong mabuti ang alok niya.
"Hanggang anong oras? Magsasabi ako kay Kuya," I asked.
"Three? Not sure. Basta hanggang madaling araw tayo," she answered.
Mas lalo tuloy akong nagdalawang-isip. Wala naman akong problema sa mga inuman. I can drink and party until morning if I want to. Ang tanging problema lang ay mababa ang alcohol tolerance ko. Mabilis akong malasing.
Kaya minsan hindi pumapayag si Kuya Kieran kapag nagsasabi ko. But most of the time, he would let me have fun with my friends. Alam niya kasing hindi ko 'yon naranasan noong nasa Cavite ako.
"Kung sumama man ako, kaunti lang ang iinumin ko," sabi ko pagkaraan ng ilang minutong pag-iisip.
"Dapat lang! Hindi ka rin namin hahayaang uminom dahil baka kagatin mo na naman kami," sagot ni Era.
Napailing na lang ako at natawa. "Hindi talaga ako naniniwalang ginawa ko 'yan."
Narinig ko ang madramang pagsinghap niya sa kabilang linya. "Hindi ka pa naniniwala?! Lahat kami may pasa kinabukasan!"
Mas lalo akong humagalpak ng tawa. Hindi ko talaga maalala na kinagat ko sila noong nalasing ako sa birthday ni Cali. Actually, I couldn't remember anything from that night. Basta nagising na lang ako sa guest room ng bahay nila na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Sinugod pa nga nila ako sa kwarto kahit masakit din ang mga ulo at may hangover. They showed me their bruises and accused me.
After that, they didn't let me drink too much whenever we had drinking sessions. Sila ang na-trauma sa nangyari.
"Basta, ha? Sama ka sa'min, minsan lang 'to. Loosen up, Kit. Papayag naman yata kuya mo," ani Era.
"Pag-iisipan ko muna," ang tanging naisagot ko na lang.
I stared at the ceiling when the call ended, malalim na pinag-iisipan kung pupunta ba ako o hindi. Tumingin ako sa penguin plushie na nakapatong sa lap ko.
"I hate calling you by this name but I couldn't think of anything else to call you. And besides, bagay sayo ang Pengu na pangalan," sabi ko kahit alam kong hindi naman iyon sasagot.
I took a deep breath. "Pupunta ba ako? Medyo tinatamad ako pero minsan lang naman, e. Hindi na lang siguro ako iinom nang marami. Tingin mo ba malalasing ako?"
As expected, no reaction. Malamang, Kit! 'Pag 'yan gumalaw baka bigla kang tumakbo at sumigaw. Hindi lang 'yon, baka isipin mo pang si Sanjo ang sumanib d'yan dahil sa kanya 'yan galing.
Wait, why am I even thinking about him? Pakialam ko ba sa gagong 'yon?
Masama na nga yata talaga ang naging epekto ng pang-aasar sa akin ng lalaking 'yon. Pati utak ko naiinfect sa katoxican niya. Buti nga nitong mga nakaraang araw, hindi ko na siya masyado nakikita. It's better that way. Kaysa naman palaging parang may magsisimulang gyera sa t'wing magkakasalubong kami.
Mga ilang minuto kong pinag-isipan kung sasama ba ako. Kung hindi naman ako sasama, baka nandito lang ako sa condo buong maghapon at nanonood ng movie mag-isa. Just by thinking about it, nalulungkot na agad ako.
My thoughts were interrupted when my phone rang and seeing a very familiar caller ID made my heart thump nervously. I felt a lump in my throat. Kahit kinakabahan, sinagot ko iyon agad. My father hates it when I don't answer his call immediately.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit