"Okay na nga."
I held onto the strap of my duffel bag and waited for my friends in the resort's parking lot. Kanina pa nasa tabi ko si Sanjo at hindi na ako nilubayan. Panay ang tanong niya kung ayos na raw ba kami.
"Friends na tayo?" tanong niya, parang bata na hindi mapakali.
"Oo nga," sagot ko.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nagkunwaring nagi-scroll doon kahit wala naman akong naiintindihan sa mga posts na nakikita. I just needed a distraction. I couldn’t even meet his gaze. Hindi dahil naiinis pa rin ako sa kanya, kundi dahil hindi ko alam kung paano aakto sa harap niya.
When he noticed that I was busy with my phone, nanahimik na rin siya sa tabi ko. Kinuha niya rin ang cellphone niya at nagtipa ng kung ano roon. Maya-maya pa'y nakatanggap na ako ng sunod-sunod na mensahe galing sa kanya.
Sanjo Travieso:
inunfollow mo ako sa x?bakit? 🧞♀️
My brows furrowed as I gave him a quick glance. Nag-message pa, magkatabi lang naman kami?
Ako:
ooSanjo Travieso:
finollow kita 🦍Ako:
okI'm not sure why I was so awkward around him. Hindi rin yata talaga nakatulong ang mga nangyari noong nakaraang araw. Naghahalo-halo ang emosyon ko sa t'wing makakausap ko siya.
I glanced at the reception area to check if our friends were already there. I sighed when I didn’t see them inside. Ang sabi ko kanina ay mauuna na ako sa sasakyan ngunit nakalimutan kong kotse nga pala ni Koen ang dala namin at wala sa akin ang susi.
"Sinong kasabay mo pauwi?" muling tanong niya.
"Sila Koen," tipid na sagot ko.
He nodded before looking at his phone again. Ngunit kahit hindi sinasadya ay napansin ko ang nasa screen niya. He was stalking me on X? Talagang ngumingiti-ngiti pa siya habang binabasa ang mga old tweets ko roon.
"Ano 'yan?" Nagkunwari akong mas lalapit upang makita ang tinitignan niya kahit alam ko naman kung ano 'yon.
"I ate at Café Galvanza yesterday..." pagbabasa niya sa isa kong post. "I didn't notice the bug in my latte. Nakalahati ko na! Ratings, negative one out of ten! Hindi na mauulit!"
"Huwag mo ngang basahin!" Akmang kukunin ko ang cellphone niya ngunit mabilis niya iyong iniwas. "Ang chismoso mo!"
Tumakbo na siya sa palayo sa akin habang nagtitipa ng kung ano sa cellphone. I glared at him as if it would make any difference. Nang tumunog ang cellphone ko, agad kong binuksan iyon upang tignan kung ano na naman ang mga pinaggagagawa nitong si Sanjo.
Sanjo liked your tweet.
kit @kitkatdiaries
i ate at café galvanza yesterday. i didn't notice the bug in my latte 🥲 NAKALAHATI KO NA!! ratings: -1/10!! hindi na mauulit!
*photo*Sanjo @sjtravieso
| replying to @kitkatdiaries
is that salabugangTila ba umusok ang ilong ko sa inis nang mabasa ang reply niya. Ang epal talaga! Dapat pala nag-private na ako! Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag pinansin ko na siya ulit, e. I knew he would start teasing me again, and I was right.
Siya na yata ang pinaka-papansin na nakilala ko!
Mas lalong nagliyab ang galit sa dibdib ko nang makitang may kung ano na naman siyang itinitipa sa cellphone. What annoyed me the most was his smile while he was doing it. He even glanced at me from time to time, as if checking my reaction.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit