Last Kiss - Taylor Swift
──── ୨୧ ────
The first days of April were hell.
Hindi ko na alam kung paano ako ulit magsisimula. Nawalan ako ng gana sa mga bagay na madalas kong ginagawa noon kapag ako lang mag-isa. Nabuhay naman ako nang ilang taon noon na hindi siya kasama... pero bakit ngayon parang hindi ko na yata kaya?
Ang ayos namin eh. Wala kaming naging problema kahit sa maikling panahon na nakasama ko siya. It might not have been the best way to start a friendship, but I knew we started out alright. It was the... healthiest relationship I had ever been in. Siya lang ang huwamak sa akin na kailanman ay hindi ako sinaktan. Maliban na lang noong iwan niya ako sa ere nang walang kaalam-alam.
Kaya paano ako uusad kung noong naging kami... doon ako pinakamasaya?
"Papunta na raw ang Kuya mo. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya at nag-aalala na," ani Haru saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
I had been rotting in my bedroom for a week already, hugging the penguin plushie he had given me. Tang ina, pati ba naman dito sa kwarto ko, siya pa rin ang maaalala ko. Sa bawat sulok yata ng unit ko, nakikita ko ang mukha niya.
Our memories were like dreams that kept haunting me... except they weren't nightmares at all.
"Tang ina talaga. Sinusubukan kong lawakan ang isip ko sa dahilan ng break up niyo dahil kaibigan ko kayo pareho pero hindi ko maiwasang isipin na sugurin si Sanjo at itanong sa kanya kung bakit," Cali rambled on as he sat on the edge of my bed, his brows knitted.
"Imposible rin kasing mababaw ang dahilan. Alam niyo naman kung gaano kabaliw si Sanjo kay Kit. Tarantadong 'yon, kinatok pa ako sa unit ko para magtanong anong pinakamasarap na tapsihan sa QC dahil sarado raw ang binibilhan niya, baka raw 'di magustuhan ni Kit kung sa iba siya bumili," pagkukwento ni Koen.
I buried my face in the pillow. Hearing his name once again triggered my emotions. Hindi ko na namalayang umiiyak na naman ako dahil kahit yata ilang beses kong ibulong sa hangin kung gaano ko siya kamahal, wala na rin 'yong magagawa dahil hinding-hindi na siya babalik.
"Shh! Let's stop talking about it. I think it's better if we don't mention his name from now on," rinig kong pananaway ni Sevynne sa mahinang boses, ngunit dahil nasa kwarto ko sila ay rinig ko pa rin.
"Iganti ko kaya si Kit? Magjowa ako ng tropa niya tapos iwan ko rin sa ere," si Era na nakapameywang pa sa dulo ng kama.
"Huwag na nga raw kasi pag-usapan," sambit ni Tatsuo na tinatapos ang mga activities ko na kailangang ipasa sa pagtatapos ng school year.
Sinubukan ko naman siyang pigilan dahil tatapusin ko naman talaga 'yon, ngunit parehas sila ni Haru na nag-presinta na gawin kahit hindi naman kailangan. Wala na rin akong nagawa nang umupo na sila sa study table ko.
"Broken din ako, Tats. Pwedeng pakisabay din ng mga activities ko?" Koen pouted, flashing his amber eyes at Tatsuo, hoping his charm would work on the nonchalant mestizo.
Ria snorted. "Lagi naman."
Umangat ang sulok ng labi ni Koen sa narinig. He pushed his tongue against the inside of his cheek before scoffing. "Manahimik ka, kulot na Espanyol. Baka nakakalimutan mong may kasalanan kayo sa bansa ko."
Mas nag-init na naman ang buo ni Ria sa kanya. Kaya bago pa man tuluyang magka-gyera sa loob ng kwarto, pumagitna na agad si Haru upang pigilan.
I was actually glad they were here with me. Umiingay ang condo kaya medyo nalilipat ang isip ko sa ibang bagay. Halos araw-araw na nila akong binibisita simula noong tumawag ako kay Haru pagkauwi galing Sagada. They were all worried because, after that, I didn't check my phone or respond to their messages.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit