Mas lalo akong naging abala noong mga sumunod na linggo. Various events and org stuffs occupied my schedule for the entire month of October. Tinitignan ko pa lang ang kalendaryo ko ay napapabuntong-hininga na lang ako dahil ramdam ko na agad ang pagod.
I was taken aback when I received Papa's invitation for Lolo's birthday. It was a three-day vacation in Siargao. I couldn't respond right away because my schedule conflicted with the date of the celebration.
"It's your Lolo's birthday. The least thing you can do is to be there," ani Papa sa kabilang linya, bakas sa boses ang otoridad.
"Pero Papa mayroon po kaming—" Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit.
"Uunahin mo pa 'yan kaysa sa pamilya mo?"
His words were striking. No matter how hard I try to dodge them, they always find a way to attack me.
I pursed my lips. Hindi na ako nakasagot. There was no point in explaining my side because they wouldn't understand it anyway, so I remained silent. Kahit pa gaano ka-importante, hindi rin nila iyon papansinin.
"You have to be there, Kit Sachiel. Give some respect to your Lolo. I didn't raise you to be a disrespectful child like your brother," he said before the call ended.
I stared at the screen of my phone and let out a deep breath. I guess I have no choice but to split myself in half and attend both important events on the same day.
School Fair namin sa isang araw at nasabihan na rin kami ng ilang professors namin na ire-record nila as quiz ang participation. Our block was assigned to create our own booth. At iyon ang pinagkakaabalahan namin ngayon.
Wala rin naman akong magagawa sa desisyon ni Papa. Kapag sinabi niya, sinabi niya. Iyon dapat ang mangyari.
"Kit, tapos ka na? Pwede pa-help ako?" rinig kong sabi ni Miyuki, ka-blockmate ko, na ngayon ay may ikinakabit na tela sa lamesa.
"Yes, wait!" Ibinulsa ko ang cellphone saka bumalik sa ginagawa.
We're setting up a booth where we will sell accessories, stickers, keychains, lucky charm bracelets, and cute stationary materials. Plano rin naming magtinda ng beverages such as iced and hot coffee para mas makaagaw ng pansin ang booth namin.
"Sinong magtatayo ng booth d'yan sa tabi natin?" tanong ni Cali habang inaayos ang fairy lights na isasabit namin sa tent. Nginuso niya ang katabing booth namin na hanggang ngayon ay wala pa ring tao at wala pang nasisimulan.
"Hindi rin namin kilala, e. Balita ko lang taga-ComSci daw?" sagot ni Trent.
"Bakit hindi pa rin nag-aayos ng booth? Hindi ba sila sasali?" kunot-noong tanong ni Leigh.
Jewel scoffed. "Nako, sasali ang mga 'yon. Kita niyong may mga athlete sila sa block nila. Syempre! Gagamitin nila ang mga 'yon para makabenta."
Sean pouted. "Hayop na 'yan. Lugi naman ang pwesto natin dito. Napatabi pa tayo sa mga sikat. Baka hindi mapansin ang booth natin."
Naagaw noon ang atensyon ni Cali. "Anong hindi? Sa dami ng basher ko, tingin niyo hindi tayo mapapansin?"
Napailing na lang ako at bumalik sa ginagawa namin ni Miyuki. Sometimes, I wonder if Cali was telling the truth. Wala naman kasi akong nakikita o naririnig na pangbabash tungkol sa kanya. If I did hear something, I would probably speak up for him.
"Ikaw na sa mga latte, Kit. Expert ka sa mga ganito, e. Baka hindi masarap ang timpla ko," sabi ni Xela.
We are now deciding on the individual tasks each of us will be responsible for at the school fair. At ayon, ako nga ang inilagay nila sa pagtitimpla ng mga iced coffee kahit hindi ako masyadong umiinom nun. Mahilig lang ako sa matcha latte at iyon lang ang tanging latte na nagustuhan ko.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit