"Hindi kita maintindihan..." My voice nearly broke. Sa dami ng mga salitang naglalaro sa isip ko, hindi ko na alam kung anong sasabihin. Sa dami ng emosyon, hindi ko na alam kung anong mararamdaman.
I could feel his breath against the fabric of my clothes. His shoulder repeatedly rose and fell, a sign that he was taking a few deep breaths before lifting his head to face me.
Gustong-gusto ko bumaling sa ibang direksyon, ngunit may kung anong humihila sa mga tingin ko papunta sa kanya. At dapat pala ay hindi ko na ginawa dahil mas lalo lang nagwala ang puso ko nang makita ang pagsusumamo sa mga mata niya.
"Alam kong alam mo kung anong tinutukoy ko, Kit..." he drawled.
Tila ba puso ko mismo ang bumara sa lalamunan nang makita sa mga mata niya na handang-handa siyang sumugal para sa akin. Hindi niya binanggit sa mga salita, ngunit ramdam na ramdam ko na iyon ang ibig niyang sabihin.
"Babalik na ako sa baba. Bumalik ka na rin kung sasali ka pa," I spoke with finality, trying to shift the conversation away from that topic.
I was taken aback as I watched him pause to process what I had said. His lips parted, and his eyes flashed with an emotion I knew all too well. The gentle grip of his hand on my wrist slowly loosened.
Kasabay noon ay ang unti-unting paglaki ng distansya sa pagitan namin, hindi dahil humakbang ako palayo, ngunit dahil ramdam kong... alam na niya ang desisyon ko.
"Ito ba talaga ang gusto mo?" bulong niya, bakas ang pagpipigil sa tono ng boses.
My hands curled into fists as my throat became dry. I could almost hear the silence, pressing down on me, making it harder to breathe.
"Babalik na ako," pag-ulit ko.
Nakita ko kung paano bumagsak ang mga balikat niya sa narinig. He pursed his lips and averted his gaze. Hindi siya sumagot at pinanatili ang tingin sa harapan ng mga umiilaw na dekorasyon.
Ang dami kong gustong sabihin, ngunit sa kabila ng mga salitang nag-uunahan na mabanggit, nanatili akong tahimik. I silenced my thoughts, knowing this was for the best.
When he took a step back, I nearly fell to my knees, desperate to beg him to hold me once more. Nang talikuran niya ako, gustong-gusto kong takbuhin ang pagitan namin upang yumakap sa kanya at sabihin kung gaano ko siya kagusto.
Ngunit imbis na gawin ang lahat ng iyon, humakbang na rin ako palayo kahit ang hangin sa paligid ay tila humihigpit at hinihila ako pabalik.
Each step felt heavy, as if his presence were pulling me back into his arms. I knew exactly what he meant, and it took everything in me to ignore it.
I like him so much it hurts. I wanted to tell him this was the first time I felt this way about anyone. I wanted to tell him that he was the first one to make me feel emotions I didn't know I was capable of. I wanted to open my heart to him in a way I never had before.
Ngunit hindi ko alam kung kaya ko siyang gustuhin nang malaya. Natatakot ako sa mga posibilidad na baka kung kailan namin sinubukan... doon kami mas lalong masaktan.
And I hope... I won't regret the chances I didn't take.
Bumalik ako sa baba kung saan bumungad ang tawanan ng mga kaibigan namin. Muli akong umupo sa tabi ni Haru na isang tingin lamang ang naibigay sa akin, siguro'y nagdadalawang-isip din magtanong.
Nagpatuloy ang paglalaro nila roon ng kung ano-ano. Sumasali pa rin ako kahit buong gabi na okupado ang isip ko, kung minsan ay napaparami pa ang inom nang hindi namamalayan. If Haru hadn't stopped me, I would have kept drinking until morning.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit