I woke up the next morning with a massive headache, and the flood of memories crashing back didn't help at all.
Pagkamulat pa lang ng mga mata, wala na akong ibang gustong gawin kundi matulog na lang ulit o di kaya'y ilubog ang sarili ko sa buhangin ng La Union. Pwede ring magpatangay na lang sa alon tutal wala na rin naman yata akong dignidad dahil sa mga pinaggagawa ko.
I called him... I fucking called him, and he answered! Tang ina. Nababaliw na yata ako. Ni hindi man lang dumaan sa drunk texts, diniretso na agad sa drunk call! Hindi rin nakakatulong na hindi ko gaano maalala lahat ng mga pinagsasasabi ko sa kanya.
"Muntik ka na matulog sa buhangin. You were really drunk," sagot ni Haru nang magtanong ako sa kanila kinabukasan.
My face crumpled in embarassment. Napasapo na lang ako sa noo. Sana lang ay walang nakakita ng mga ginawa ko kagabi...
"Kung ano ano rin ang pinagsasasabi mo sa amin kagabi. Kinumpara mo pa ang relasyon niyo ng ex mo sa ulan. Ano nga ulit 'yon? Sumugod siya sa ulan dala ang payong niyo tapos sumunod ka pero nakasilong na siya," Cali explained in more detail, and I almost banged my head on the table to stop myself from remembering it all.
Hindi na nga maka-move on, gumawa pa ng kahihiyan!
"Narinig ko rin may kausap ka sa phone kagabi. Sino 'yon?" kuryosong tanong ni Ria. "Sana naman hindi mo tinawagan si Sanjo kasi ako ang unang kukurot—"
Mariin akong napapikit. "I did."
Lahat sila ay natigilan. Their gaze remained on me as their hands holding the spoon stayed in the air. Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko.
"Huh?" Koen broke the silence by letting out an awkward laugh. "Igit? Naiigit ka? May banyo naman—"
"Tinawagan ko si Sanjo..." Nanatili ang mga tingin ko sa pagkain na nasa harapan, hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagalaw dahil umurong na ang sikmura ko kanina. "Tumawag ako kagabi at... sumagot siya. Wala siyang sinabi na kahit ano, pero ako... marami y-yata. Hindi ko matandaan lahat..."
Naaalala kong may mga nabanggit ako tungkol sa letter niya. Pero... hindi ako sigurado kung panaginip na ba ang iba sa mga naalala ko dahil sa pagkakatanda ko ay... nagsalita siya bago ako nakatulog.
Was it a dream? The memory was so blurry I couldn't tell if I actually heard him say those words or if I was just imagining it because of all the alcohol I drank. Parang malabo naman yata...
"Hindi siya nagsalita?" si Ishiara na napakurap-kurap pa.
I nodded. "May narinig ako pero panaginip lang yata dahil inaantok na rin ako. Sigurado rin namang hindi niya na ako kakausapin ulit..."
"Kumusta ka, Kit?" My gaze shifted to Era, who was looking at me with so much worry. "Anong nararamdaman mo ngayon?"
I smiled wearily. "Mahal ko pa rin eh..."
Nanatili ulit ang katahimikan, ngunit matapos ang halos isang minuto, nagsalita si Seine.
"Ayos lang 'yan, Kit. Hindi mo naman kailangan maka-move on nang isang gabi lang," marahang sambit niya. "Ayos lang maging mabagal. Ayos lang kung matagalan ang pananatili mo kung saan ka niya iniwan. Pero ipangako mo sa amin na hindi mo hahayaang masira ka nang tuluyan."
Huminga ako nang malalim bago tumango. Hindi ko alam kung kailan darating ang panahon na wala na akong nararamdaman sa kanya, o kung darating pa ba 'yon. Mahirap at alam kong matatagalan, ngunit upang makabawi sa sarili ko, alam kong kailangan ko ring umusad.
Honestly, I'd break myself into a million pieces for him. I'd give him the last bit of my heart if he ever needed it to complete his own. I'd bleed myself dry if it meant saving him. Even if it meant losing everthing I am to keep him whole, I would.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit