Kumaripas na ako ng takbo pababa at hindi na lumingon pabalik. Hindi ko na rin hinintay pa ang sasabihin niya. It was so awkward that I want to bury myself alive. Wala na akong ibang gustong gawin kung hindi makalayo sa kanya.
Napasapo na lang ako sa noo nang makita ang mga kaibigan ko sa living room. Looks like they were headed upstairs to check the rooms.
My eyes searched for my duffel bag. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang bitbit iyon ni Haru.
"Nakapag-CR ka na?" Haru asked as I took the duffel bag from him.
Tumango ako. I was about to mention that I had a brief talk with Sanjo when he showed up. Nakapamulsa habang bumababa sa hagdan. Pansin kong lagi niyang suot iyong silver necklace na walang pendant. Paborito niya siguro.
"Nandito na pala ang birthday boy! Happy birthday, pre!" Si Koen ang naunang lumapit kay Sanjo. Nakipagbanggaan pa ng balikat.
"Happy birthday, Sanjo!" bati rin ng mga kaibigan ko. Maging si Haru ay nakipag-kamay pa.
I stood to the side, completely clueless about what was happening. I watched as they gathered around Sanjo, who was also smiling and accepting their greetings.
Kailan pa naging ganito ka-close ang mga 'to? Parang kahapon lang binabalaan nila ako kay Sanjo, ah? Sabi pa nga nila, masama raw ang ugali. Kaya paanong invited sila sa birthday party niya?
At ako, anong ginagawa ko rito?
I have one reason why I went with them and that is to talk to Sanjo about the issue. Ito lang ang tanging paraan para makausap ko siya nang ayos at malayo sa mga taong pwedeng magkalat ng kung ano-ano. But why... am I invited? Hindi kami close. Alam kong alam niya na malabong pagkakaibigan ang kung ano mang koneksyon naming dalawa.
We argue and bicker a lot. Hindi kami magkasundo sa halos lahat ng bagay. He likes teasing and I hate being teased. Kaya paanong kasama ako sa mga kaibigan niya na isinama niya rito?
"Wala ka na bang ibang bisita?" Era asked. Tignan mo ang isang 'to. Naghahanap pa yata ng love interest sa mga kaibigan ni Sanjo.
"Wala. Tayo-tayo lang," sagot ni Sanjo ngunit nasa akin ang tingin.
Nagkunwari na lang akong naniningin ng mga gamit. I checked the drawers of the cabinet beside me and pretended to find something. Walang laman ang mga iyon ngunit malinis at walang alikabok.
"Lagay niyo muna sa taas ang mga gamit niyo tapos simulan na natin mag-ihaw. Gutom na ako talaga!" ani Ysaac na nagkunwari pang hinihimas ang tyan. Talagang hindi na niya nilubayan si Haru simula nang makarating kami rito. Hindi na umalis sa tabi ng kaibigan ko. Sila yata ang totoong version ni Boots at Dora, kulang na lang sumabit si Ysaac sa leeg ni Haru, e.
"Diretso lang kayo sa taas. Makikita niyo na rin agad yung dalawang pinto," sabi ni Silas na nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya.
We went upstairs to unpack our things. Sa unang kwarto pa lang na pinasukan namin, namangha na agad kami sa laki. There were three double-decker beds. Sa isang kama ay kasya na yata ang dalawang tao. Mayroon ding mga bedside tables at cabinets.
The room is quite big. Kaya napagpasyahan ng mga kaibigan kong dito na lang kaming lahat. Hindi rin naman papaawat ang mga 'to. Kung may award nga lang na pinakaclingy na circle of friends, baka nahakot na nila. Akala mo'y pinanganak na magkakadikit ang pusod at ayaw na humiwalay sa isa't isa.
While I was organizing my things on the bedside table, I suddenly remembered something. Napatigil ako at dahan-dahang napatingin sa mga kaibigang nag-aayos din ng gamit.
I pushed the slightly ajar door to close it completely. Tumayo ako sa gitna ng kwarto at nameywang.
"Wait. Sagutin niyo nga muna ako." I uttered.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit