Trigger Warning: Bodyshaming
Call
"Ano bang problema mo?!"
Hindi ko na napigilan ang galit nang sagutin ni Sanjo ang tawag ko. I felt like a dragon ready to breathe fire at any moment. Kung hindi lang kami sa cellphone magkausap, baka nahablot ko na ang buhok niya.
Walang nagsalita sa kabilang linya. I glanced at my phone again and saw that the call was still connected. Ginamit ko na ang tyansang iyon upang ilabas lahat ng galit ko sa kanya.
"Bakit mo ibinebenta?! Sabi ko kukuhanin ko, 'di ba?!" I asked frustratedly.
Nakakagalit, sa totoo lang. I still feel bad about what happened earlier. The insults they threw at me are still lingering in my head. Kaya naman ngayong dumadagdag pa siya sa sama ng loob ko, hindi ko na mapigilan ang pagsabog sa emosyon.
"Handa naman akong bayaran ka, e. Is that what you want? Kaya mo binebenta? Okay, fine! I'll pay!" galit na sambit ko. "Kung gusto mo, bayaran ko na rin ang gas mo noong hinatid mo ako!"
Para akong mauubusan ng hininga sa sobrang galit. I didn't even let him speak. Nagtuloy-tuloy ang pagsasalita ko hanggang sa kinakapos na ako ng hininga. Sobrang espesyal ng keychain na iyon sa 'kin. It was gifted by Kuya Kieran. Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang 'yon.
Naiintindihan ko namang baka ganoon lang ang humor niya. Baka sadyang mahilig lang siyang mang-asar. Pero sana ay sa mga ka-close niya lang ginagawa. Hindi naman kami magkaibigan, ah?
"Pwede bang huwag ka sumigaw..." I heard his honeyed voice, sounding as if he had just woken up from a nap. "Oo, ibabalik ko sa'yo."
"Ibabalik mo naman pala, edi tigilan mo ang pangbubwisit mo sa 'kin!" pagbubunganga ko.
"Ang lakas ng boses mo, Arceno..." I can imagine him frowning, his eyes half-closed. "Para akong binabangungot kahit kakagising ko lang."
I scoffed. "Talagang babangungutin ka kapag ipinagpatuloy mo 'yang panggagago mo sa 'kin! Kahit sa panaginip mo, dadalawin kita!"
He chuckled. "Edi hindi bangungot dahil may anghel. Napakabait mo kaya-"
I ended the call immediately before I could even hear what he was about to say.
"Gago!" I hissed, looking at the screen of my phone as if Sanjo was there. Agad ko iyong itinapon sa kama upang mailayo ko sa sarili.
Wala na talagang magandang lumabas sa bibig niya kung hindi puro kalokohan. Nasa kanya na yata lahat ng kasamaan sa mundo. Baka nga pwede na niyang palitan si satanas sa impyerno, e!
Nagmadali nga akong tumakas sa family dinner kanina upang kahit papaano ay maikalma ko naman ang mga emosyon ko. Kaso itong si Sanjo, parang hindi yata kayang mabuhay nang hindi ako iniinis. Papansin!
I was so annoyed that I had to open the door to my balcony to breathe in fresh air. Ang natatanging maganda lang dito sa bahay namin ay ang likod nito. Mayroon doong mini garden na itinayo si Lola Sylvia noong nabubuhay pa siya. Pansamantala lamang dapat iyon hangga't hindi pa kami nakakapagpatayo ng sari-sariling bahay ni Kuya.
The garden is now filled with various kinds of flowers, trees, and a small fountain at the center. It became my favorite view every time I came home because I often had to lock myself in my room to isolate myself from them. Kahit papaano, nakakatulong iyon upang kumalma ako.
I sat on the chair at the balcony, facing the mini garden at our backyard. Hinayaan kong kumalma ang sarili habang nakatingin sa hardin. Hindi na ako mapakali at gustong-gusto na agad palipasin ang oras upang makauwi na ako. Not just because of the keychain, but also because of how my family treats me.
![](https://img.wattpad.com/cover/369607229-288-k142306.jpg)
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit bl story | completed