Chapter 3

8K 279 63
                                    

"Are you coming home next week?"

I heaved a sigh as I placed my bag on the front seat of my car. Umayos ako ng upo sa driver's seat.

"I'm not sure..." I trailed. "Depende kung may maraming ipapagawa sa'min next week."

The first week of classes passed by in the blink of an eye. Wala naman masyadong ginawa kaya hindi pa rin kami loaded kahit ramdam ko na ang hagupit ng third year. Puro orientation lang naman ang naganap ngunit base pa lamang sa introduction ng mga courses na ite-take namin, alam kong mahihirapan talaga ako.

"Sabihan mo ako kung uuwi ka para makadiretso rin ako sa bahay," sabi ni Kuya Kieran.

"Ayaw mo bang bisitahin sila Mama? Hindi kasi ako sigurado kung makakauwi ako. Baka sa isang buwan na..."

Napansin ko ang biglang pagtahimik ng kabilang linya.

May kung ano sa akin na ayaw talagang umuwi sa Cavite. Nagdadalawang-isip ako. Ngunit totoo rin namang baka may mga gawain na kami next week. Hindi kasi ako makahinga kapag nandoon ako sa bahay.

Our family is strict. I can feel their eyes watching everything I do. Kaunting pagkakamali ay pupunahin. They want us to do what they think is right. Wala kaming karapatan humindi. Nasasakal ako sa t'wing uuwi ako roon. Ni isang beses, hindi ko man lang naranasang sinasalubong kapag umuuwi at maramdamang masaya sila na nandoon ako.

Kuya Kieran was the only exception. Mula pagkabata, siya lang ang naging kakampi ko. He used to protect me whenever Lola would 'discipline' me. Sa kanilang lahat, si Kuya Kieran ang pinaka nakakakilala sa akin.

"Uuwi ako kapag nandoon ka. Bullshit mga tao roon eh," he chuckled.

"Kuya!" I hissed.

He laughed even more. "Joke lang. Basta tawagan mo ako kung uuwi ka. Nasa school ka ba ngayon?"

Umiling ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil sa cellphone lang naman kami nag-uusap. "Pupunta ako sa bagong apartment ni Haru. I'm planning to stay there tonight."

"Okay, ingat ka. Pakisabi kay Haru nangangamusta ako," aniya.

"Okay. Ikaw din," sagot ko.

"Bye, Kitkat."

The phone call ended. Inilapag ko muna iyon sa ibabaw ng bag ko na nasa front seat saka sinimulang paandarin ang sasakyan.

This is what I used to tell Haru before. Kahit pa magkaroon siya ng sariling place, nandoon din ako. I would visit him from time to time dahil hindi ko kayang mag-isa sa condo. It feels empty. Parang hindi ko kayang manatili sa isang tahimik na lugar nang ako lang mag-isa.

Pumayag naman siya ngayon na mag-sleepover ako sa condo niya. Kakatapos niya lang din mag-ayos ng mga gamit. I offered to help him move his things from my condo to his new apartment but he declined. Baka raw masira ko pa ang collection niya ng mga manika.

Ni hindi ko nga kayang hawakan ang mga iyon eh? They all look scary. Parang nagkakaroon ng buhay tuwing 3 AM at sumasayaw. Ngunit para kay Haru ay cute ang mga iyon.

I arrived at his apartment after fifteen minutes of driving. Malapit lang naman kung tutuusin at pwede namang mag-tricycle ngunit sabi ni Kuya ay gamitin ko paminsan-minsan ang sasakyan ko upang hindi masira.

Isang hilera ng mga apartment iyon. Ikalawa sa dulo ang kay Haru. Hindi naman iyon masyadong malaki ngunit hindi rin naman maliit. I already saw him cleaning outside when I parked my car. He's wearing the Chrome Hearts Darlin glasses I gave him and a beige apron.

He looked serious as he fixed the position of the plants on his mini porch. Naisipan ko tuloy mang-asar.

"Baby!" I ran towards him, spreading my arms, ready to hug him.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon