"Saglit lang. Pigilan mo 'yan. Wala akong plastic dito."
Halos mataranta siya nang makitang pasukang-pasuka na ako sa front seat ng sasakyan niya.
My stomach turned upside down. Napasapo ako sa bibig at sinubukang buksan ang bintana ng sasakyan niya. I tried to lean closer and breathe in some fresh air but all I inhaled was pollution. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko.
"Huwag kang susuka d'yan. Malapit na, saglit lang. Okay ba sa'yo na bukas ang bintana? Polusyon ang masisinghot mo d'yan," natatarantang sabi niya, panay ang lingon sa direksyon ko.
I could tell he was really panicking. Pero kahit na masama ang pakiramdam ng sikmura, hindi ko pa rin magawang seryosohin ang itsura niya dahil sa mga stickers na idinikit ko sa mukha niya at mga clips sa buhok na inilagay ko kanina.
Sumandal akong muli sa kinauupuan at pumikit saglit. I inhaled and exhaled a few times until my stomach calmed down. Inabutan niya pa ako ng tubig na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
I was about to drink it when I suddenly felt like vomiting again. Pero ngayon, mas ramdam kong magtutuloy na talaga 'yon. I used both of my hands to cover my mouth.
"Hindi ko na... kaya..." My eyes started to blur as tears formed in the corners. I hold onto the compartment for support. "Stop... Stop muna. Stop the car. Susuka na talaga ako, Sanjo."
"Shit," he cursed under his breath. Itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Halos tumalon na ako palabas ng sasakyan at kumaripas ng takbo sa tabi ng puno na nasa sidewalk.
The moment I lowered my head, it all came out. Napahawak ako sa puno nang maramdamang para akong matutumba. My tummy hurt so badly it felt like I was vomiting out my stomach. Tears trickled down my cheeks even though I wasn't actually crying.
I felt a hand on my back, gently caressing it. Kahit papaano, medyo gumagaan ang pakiramdam ko.
"Inom pa kasi, hindi naman pala kaya ang sarili. Kung ako nanay mo baka paluin kita pag-uwi," pagdadaldal niya sa gilid ko.
Langong-lango na ako nang matapos. Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada. He handed me a box of tissue, wipes, and a bottled water. Gusto ko pa sana magtanong kung bakit may mga ganito siya sa sasakyan niya ngunit hindi ko magawa dahil sa pagkahilo.
Kulang na lang ay humiga ako sa sidewalk dahil sa kawalan ng malay sa mga nangyayari. Gising ako ngunit patuloy na umiikot ang paningin. At this point, all I want is to go home and sleep.
"Hala, anong nangyari?" rinig kong sabi ng isang babaeng napadaan.
"Bakit kayo may ganyan sa mukha? Bading kayo? Sayang, gwapo kayo parehas," aniya na ang tinutukoy ay ang mga Hello Kitty stickers sa mukha namin.
Lasing ba ako? Pinaglalaruan yata ng mundo ang tainga ko. May naririnig akong bullshit, e.
Pero kung hindi, edi pakyu ate! Kung hindi lang ako lasing dito baka nasemplang na kita d'yan. Mas sayang 'yang mukha mo kapag sinumbong kita kay Cali at siya ang sumuntok sayo. Gabing-gabi na, huwag mong pinag-iinit ang ulo!
Sanjo didn't answer. Dahil nakahiga na ako sa sidewalk, hindi ko makita ang reaksyon niya. Instead, the woman talked again.
"Pero hindi ako homophobic, ah! May pinsan kaya akong bading. Gwapo rin 'yon kaso gwapo rin ang gusto. Ingatan mo 'yang boyfriend mo, pogi. Mukhang lasing na lasing. Bye, guys! Hindi ako homophobic, ha," sunod sunod na sabi niya na talagang nagpasakit ng tainga ko. Bukod sa sobrang tinis na nga ng boses, wala pang kwenta ang mga sinasabi.
"Pakyu..." pilit akong nagsalita.
I heard Sanjo's laugh before he guided me towards his car. Nakapikit na ang mata ko at patulog na talaga. Naramdaman kong may ipinatong siya sa akin kaya nawala ang lamig na nararamdaman. It must be his jacket.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit