Chapter 35

7.4K 294 83
                                    

play "slut!" by taylor swift :)

𐙚𐙚𐙚

I never asked anything after that night. Kahit kinakain na ako ng kuryosidad, mas pinili kong huwag na magtanong. Sanjo was a mess, and I could tell that what happened affected him emotionally.

Iyon ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang ganoon. Unang beses na nakita ko siyang mahina at walang laban, na kung sino man ang tatapak sa pagkatao niya sa mga oras na 'yon ay talagang ikakawasak niya.

I did my best to comfort him by just being there without saying anything. I treated his wounds, helped him change his torn clothes, and stayed by his side until he fell asleep. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na pumunta ng ospital, ngunit tumanggi siya. Wala na akong nagawa dahil kahit anong pilit ko, ayaw niya talaga.

However, as January arrived and his wounds fully healed, he slowly returned to his old self. He was the same goofy Sanjo, always able to crack jokes at the most serious and random moments. At mas gusto kong ganoon siya kaysa tulad noong gabi na 'yon... kaya minabuti kong hindi na siya tanungin tungkol sa mga nangyari.

It was the third week of January when classes started again. Iyon din ang unang pagkikita naming magkakaibigan para sa panibagong taon. I was so excited on my way because I knew so many things had happened while they were away.

Iyon nga lang, pagkapasok ko pa lang ng campus, rinig ko na naman ang usapan ng ibang mga estudyante. Tulad na lamang noong unang beses na may kumalat na balita tungkol sa amin ni Sanjo, ngunit ngayon ay mas matindi ang panghuhusgang nakikita ko sa mata ng iilan.

"Bading... si Sanjo? Gosh. Hindi halata!"

"I expected better from Sanjo, though. I mean, Kit's nice and handsome. But really? Sa lalaki pa?"

"I wondered if the old rumors were really true. Did they actually do it sa changing room? Sanjo's statement must have been a way to make the rumors die down..."

"Sino kayang top? Well, obviously, si Sanjo siguro. Malaki kasi katawan niya at lalaking-lalaki..."

"Kaya siguro mainit sa Pilipinas. Mas marami pa ang bading kaysa sa mga puno."

Those were just the whispers I heard as I walked through the hallway, their eyes following me like surveillance cameras, scrutinizing my every move. Hindi naman ako manhid upang hindi masaktan sa mga 'yon, ngunit hindi gaya noong unang beses na nakarinig ako ng mga ganoon, alam ko na ngayon kung paano kokontrolin ang emosyon ko.

Totoo naman. Hindi ko itatanggi si Sanjo kung sakaling may magtanong sa akin nang diretsahan. I willingly posted our pictures on my social media accounts, not because I wasn't afraid of others' judgments anymore, but because I knew that was what Sanjo deserved.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay ang pakikialam ng ibang tao. Ano naman ngayon kung maging kami nga? Ano ngayon kung bading? May maaambag ba sa lipunan ang mga komento nila?

Despite those unsolicited opinions from others, I refused to let them ruin my day. One thing I've learned is to let people think what they want and stop trying to explain myself. Wala rin namang pakialam si Sanjo sa mga sinasabi nila, kaya bakit ko dadamdamin?

"Alam mo, nabu-bwisit na ako sa mga naririnig ko. Baka mapaaway na talaga ako," si Cali noong papunta na kami sa Cafeteria upang mag-lunch kasama ang mga kaibigan namin.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon