"I need your help."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang kausap si Era sa phone. Sa epekto siguro ng alak kaya nakalimutan ko na ang tungkol dito kahapon, kaya naman kinabukasan nang magising ako, ito agad ang una kong ginawa.
"Huh? Saan? Go lang! Alam ko namang hindi Math 'yan dahil magaling ka na roon," she answered in her usual energetic voice.
I was hesitant to tell her because I didn't know how to begin. Alam kong maiintindihan niya ako ngunit sa dami ng nangyayari, hindi ko na alam kung paano iisa-isahin.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at makailang beses na nagpabalik-balik sa unit ko. Sa tuwing bubuka ang labi ko upang magsalita, agad din iyong sasara at sa huli ay mapapabuntong-hininga ulit.
"Pang-ilang hinga mo na 'yan, Kitkat! Ano ba kasi 'yun? Mamamatay na ako rito kakaisip. Relationship advice ba? Ginago ka ni Sanjo?!" singhap niya sa kabilang linya.
"Hindi! Hindi... Tungkol kasi sa..." Napahilot ako sa sentido saka mariing pumikit bago isang bagsak na sinabi kung ano pakay ko. "Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?"
Biglang natahimik sa kabilang linya. I could already imagine her shocked expression upon hearing what I said. Ever since first year, I knew this was the last thing she'd expect from me.
"Kit... lasing ka pa ba?" she asked hesitantly. "Or hangover 'yan? Kulang ka sa tulog? Eight hours daw kasi ang kumpletong oras ng tulog kaya baka—"
"Seryoso ako, Era," I replied, which made her even more silent. "Hinahanapan ako ni Lolo. Pakiramdam ko may iba siyang gagawin kapag... hindi ako nakapagpakilala agad ng kahit na sino."
"H-Huh?!" naguguluhang sambit niya, mas bakas na ngayon sa boses ang pagkalito sa mga naririnig. "Wait, ah. Naloloka ako riyan sa Lolo mo. Anong akala niya sa pagjo-jowa? Hinuhugot lang sa kung saan? Bakit atat na atat siya?"
"He's pressuring me to introduce someone to the family. Ayaw niyang mapahiya sa mga kaibigan niya," sambit ko.
"Huh?!" pag-uulit niya sa naunang reaksyon. "Wala ba siyang magawa sa buhay kaya pinapakialaman niya pati ang lovelife ng apo niya?! Alam mo, Kit, if my family did that to me, mas lalong hindi ako mag-aasawa!"
I sat on the couch, staring blankly into space. My hands were busy with the strings of my hoodie, playing with them to calm myself down. "Pansamantala lang naman, Era. Malilimutan din naman siguro ni Lolo ang tungkol dito kapag tumagal. I'll just say it didn't work, so we had to end things—"
"Hindi pa nila alam ang tungkol sa inyo ni Sanjo?" pagputol niya sa sasabihin ko. This time, her voice was calm, as though she was finally starting to understand what I was trying to say.
I looked down at the Hello Kitty keychain I was holding in my right hand. Isa ito sa mga bagay na espesyal sa akin, lalo na't naging daan din upang mas lalo kaming magkalapit ni Sanjo. Kung hindi siguro 'to napunta sa kanya noon, hindi mangyayari ang kung anong meron kami ngayon.
"Hindi pa. Hindi rin naman kasi nila matatanggap..." I said. "Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ko masabi sa kanila na... bading ako. They would kick me out of the family just like what they did to Kuya."
"Oh my God, Kit..." her voice became even softer. "I didn't know. All this time akala ko alam ng pamilya mo."
I began to share some things about my family and why I was so desperate to ask her to pretend to be my girlfriend, even if just for a day. However, I skipped over the parts where my family would belittle me with their words.
Isa 'yon sa mga bagay na hindi ko kayang i-kwento sa kahit na sino. The moments when they made me feel small, as if my worth depended on their approval, are memories I'd rather forget. Opening up about that part of my life feels like exposing a wound that hasn't healed.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit