Warning: R18
"Kumusta ang Maynila?" Lolo asked on the other line, his voice sounding hoarse.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib habang sinusubukang hanapin ang mga tamang salita bago sumagot. Para akong nangangapa sa dilim at hindi alam kung ano ang magiging maganda sa pandinig niya.
"Ayos lang po, Lo..." sagot ko sa mahinang boses bago lumabas sa balkonahe.
I sat in the chair, feeling that the night was calmer than usual. The stars twinkled in the sky, shining down on the world as if their brilliance could be fully appreciated by everyone. Even though I had fairy lights hanging on my balcony, the moon shone brighter than they did, adding to the luminosity of my favorite spot. However, a calm night is believed to be a bad omen, as it signifies storms in the coming days.
Kahit gaano pa kapayapa ang gabi, kahit gaano pa kaganda ang mga bituin sa langit, kahit gaano pa kaliwanag ang kalangitan, may darating pa rin na bagyo na siyang babasag ng katahimikan.
"You haven't shown up to any of our family dinners since last month. Aba, may balak ka pa bang umuwi, Sachiel?" muli niyang tanong, ngayon ay mas matigas na ang tono ng pananalita kaysa kanina.
Mariin akong napapikit. Hindi ko namalayang... isang buwan na pala akong hindi umuuwi. I just couldn't bring myself to attend any of our family dinners wholeheartedly because I knew their words would crush me the moment I stepped into the house.
"I'm sorry, Lolo. Busy lang po talaga these past few months," I explained.
"Huwag mo ako bigyan ng malamyang rason, Sachiel. Gusto kong malaman kung ano ang totoo mong pinagkakaabalahan d'yan sa Maynila at bakit nawiwili ka nang hindi umuwi," matalim niyang sabit.
Unti-unti nang lumakas ang tibok ng puso ko nang biglang maalala si Sanjo. I still haven't introduced him to any of my family except for Kuya Kieran, and... I have no plans of telling them. Ngayon pa lang, alam kong hindi na nila matatanggap si Sanjo. Baka kung ano-ano lang na masasakit na salita ang ibato nila sa amin.
"Sa school po. Medyo marami po ang pinapagawa sa amin," I replied, which was the truth.
"Ipakilala mo sa akin."
Natigilan ako sa narinig. "Po?"
"Ipakilala mo sa akin ang girlfriend mo," he repeated, but it only made things worse.
The sound of my heartbeat nearly reached my ear as a static noise filled my head, making everything seem to disappear for a moment, including the sounds of the vehicles. Walang ibang tumakbo sa isip ko sa mga oras na 'yon. Tila ba umurong ang dila ko at hindi agad nakapagsalita.
"Hanggang kailan mo ako paghihintayin? Hindi na ako bumabata, Sachiel. Hindi ko ipapamana ang mga kompanya ko sa black sheep ng pamilya at sa may bisyo ng paninigarilyo," aniya. "Ikaw pa lang ang hindi sumisira ng tiwala ko kaya patunayan mo ang sarili mo sa akin."
His words were like a weight pressing down on my shoulders slowly. They didn't take my worries away, instead, they only added to them. Maging ang dibdib ko ay bumibigat sa dami ng responsibilidad na ibinibigay niya sa akin.
"Lolo, wala po—" Naputol ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita.
"Tandaan mo ang sinabi ko sayo, Sachiel," he warned. "Wala akong pakialam sa takot mo sa mga babae o sa mga palusot mo. Umuwi ka sa darating na linggo. May mga darating na bisita at ayokong mapahiya."
I swallowed hard and let out a few shaky breaths before answering, "S-Susubukan ko po..."
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit