"Kanino nga galing?" tumitiling tanong ni Cali sa tabi ko, inaalog pa ang balikat ko.
"Hindi ko nga alam," sagot ko.
Kahit kilala ko naman. I just don't want to disclose any information about what happened. Nakikita nilang parang aso't pusa kami ni Sanjo tapos biglang bibigyan ako ng snacks? Hindi ko naman pwedeng sabihin ang nangyari kagabi dahil privacy niya na 'yon. It's not my story to tell.
"Sino ba kasi 'yang admirer mo?! Dapat nagpapakilala siya sa 'min. Ang hina naman!" pagtatalak niya sa tabi ko.
We were heading out of the campus. Our friends have already gone home. Hindi rin kasi sabay-sabay ang schedule namin kaya tuwing tanghali lang kami nagkikita-kita.
And I swear, hindi na ako tinantanan ng mga 'yon kanina. Wala na silang ibang bukang-bibig kung hindi magtanong kung sino ang nagbigay. Lahat na yata ng sikat na students sa campus ay nabanggit na nila para lang hulaan kung sino.
"Tatlong banana milk? Shet! Ano 'yan, I love you?" dagdag pa niya.
I looked at him in disbelief. "Ikaw talaga, kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip mo."
He ignored what I said. Sa halip, tumingin lang siya sa harapan nang may malawak na ngiti sa labi at umaktong kinikilig. I heaved a sigh.
"May date suggestion na agad ako!" Cali beamed. "Sa sinehan dapat ang first date. At dapat KKKK."
My brows furrowed. "KKKK?"
"Kataas-taasan, kadulo-duluhan, kasulok-sulukan, at kadilim-diliman," he confidently answered.
Nalaglag ang panga ko at napatigagal sa kinatatayuan. "Huh?"
He rolled his eyes upon seeing the confusion in mine. Placing his hands on his waist and tilting his head slightly, he examined the expression on my face. Then, he shook his head in disappointment.
"Yan ang ang napapala mo sa hindi pagkakaroon ng boyfriend in real life. Kulang ka sa landi skills. Hindi ka yata naturuan ng ex mong naka-dummy account. Pero huwag ka mag-alala, kapag nandoon ka na, malalaman mo," aniya saka humagikhik.
Mas lalo lang akong naguluhan sa mga sinasabi niya. Magtatanong pa sana ako nang mauna na siyang maglakad. Nagkibit na lang ako saka sumunod. Mahirap talaga intindihin ang isang 'to minsan.
Naghiwalay na rin kami nang makalabas ng campus. Walking distance lang naman ang unit ko kaya nilalakad ko na lang din pauwi. I hate walking, but it's more practical than taking a tricycle. Mas mura at mas mabilis.
I plugged in my earphones and peacefully walked along the sidewalk while observing my surroundings. I love how everyone I pass by seems busy and absorbed in their own world. It makes me feel like the world is too busy to notice me, and I want it to stay that way.
I put my hands in the pockets of my hoodie. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may sumasabay sa akin maglakad. There was a distance between us, yet it was too obvious that he was matching my pace.
I glanced at the person beside me. Nakasuot siya ng itim na hoodie, cap, at sunglasses. My eyes widened when I realized it was Sanjo. Agad akong napatigil sa paglalakad. Tinanggal ko ang suot na earphones.
"Hi," bati niya na parang walang nangyari kahapon. He even licked his lower lip as he tried to suppress a smile.
"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko.
"Nakita kita. Tinawag kita pero 'di mo ako naririnig. Naka-earphone ka pala," sagot niya.
I roamed my eyes around. Saktong napatigil kami sa harapan ng isang café, hinila ko siya papasok sa loob. Pinaupo ko siya sa upuan. He obeyed immediately and took off his glasses. Hindi ako umupo. Sa halip, nanatili akong nakatayo sa harapan niya at nakahalukipkip.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit