Prologue

23.6K 404 178
                                    

"One, two, three, smile!"

My lips formed into a smile as I clicked the capture button on my digicam. Natutuwa rin ako dahil sa ngiti ng lola ng kaibigan kong si Caliber. She was smiling while holding a piece of fried chicken that had already been bitten.

They have a big family. Pero kahit pa ganoon, maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa at talagang nagkakasundo. They would plan outings and family gatherings like this and invite me. Maging ang iba pa naming kaibigan na hindi lang nakapunta ngayon dahil ang iba'y nasa probinsya at ang iba naman ay may part-time jobs.

Nahihiya nga akong sumama ngayon ngunit masyadong mapilit si Cali. Mahirap pa namang tumanggi sa isang 'to dahil masyadong OA at baka ilang buwan akong hindi pansinin.

"Okay, last shot po!" sambit ko, itinapat na ulit ang camera sa kanila. "Smile!"

"Baka pangit ako r'yan ha," sabi ni Lola Teresita, hawak pa rin ang buto ng fried chicken.

"Hindi po, 'La. Sobrang ganda! Parang sixteen years old!" I beamed.

Lola pouted. "Mas maganda sa'yo?"

I burst out in laughter. Tumango ako saka lumapit upang ipakita ang pictures sa kanya. I even zoomed it in para makita niya nang ayos.

"Naks, may asim pa!" I joked.

"Daig na naman kita," sagot niya na mas lalong nagpalakas ng tawa ko. Maging sina Tito at Tita ay hindi na rin napigilan.

"Ikaw, Kit? Hindi ka sasama sa picture? Wala pa tayong picture na buo tayo," tanong ni Cali habang nakaakbay sa pinsan niyang si Koykoy na nasa iPad ang atensyon.

I felt warmth in my chest. Pamilya na talaga ang turing nila sa'kin. It felt as if I had found a second family that would accept me for who I am. Iyong... hindi ako huhusgahan.

"Walang kukuha ng picture eh," sagot ko.

"Pakuha na lang tayo." Lumingon siya sa paligid. "Pst, Kuya! Pwedeng papicture kami?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking mukhang papunta sa kabilang cottage. May suot pa siyang backpack at mukhang galing sa mahabang byahe.

Bakas ang gulat sa mukha niya nang mapansing lahat kami ay nakatingin sa kanya. He even pointed at himself to ask if Cali was talking to him.

"Oo, ikaw nga. Papicture kami kasama siya, okay lang?" Itinuro niya ako kaya nalipat sa akin ang tingin noong lalaki. Before he could even answer, nagsalita na ulit si Cali. "Actually, wala ka namang choice. Papicture po! Thank you!"

I waited for him to come closer so I could give him my digicam. Pero parang hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan. My brows furrowed as our eyes locked. Saka ko lang din napansin ang itsura niya. He was wearing a black muscle shirt, making his arms look more defined. A silver necklace without a pendant hangs freely around his neck, matched by a pair of small silver earrings. Magulo ang ayos ng buhok na mukhang ilang ulit pinasadahan ng daliri.

He looked so manly in his all-black outfit that it almost intimidated me. Idagdag pa ang paraan ng pagtingin niya na parang ano mang oras ay aasarin ako. He was looking at me with humor gleaming in his eyes. Though, it looked friendly naman. Parang iyong mga tingin ng mga kaibigan mong nahuli kang kasama ang crush mo.

Pero bakit? Hindi naman kami mag-tropa, ah.

Was it my outfit? Because I was overdressed for a family outing? Bakit? Wala bang nagsusuot ng pink na croptop na may tatak na hello kitty, pink shorts, pink slides, and pink heartshaped sunglasses sa outing?

O baka dahil lalaki ako tapos... mahilig sa pink?

Ilang segundo pa ay lumapit na rin siya. I gave him the digicam and he boredly took it from my hand. Ngayong magkatabi na kami ay mas kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon