Chapter 33

7.9K 348 128
                                    

"Ang feeling close ni gago. In-add ako sa Facebook at f-in-ollow ako sa Instagram," reklamo ni Kuya Kieran sa kabilang linya nang tumawag siya kinabukasan pagkatapos makilala si Sanjo sa personal.

I laughed while holding my cup of coffee, enjoying the morning silence on my balcony. "Buti hindi ka pina-react sa profile picture niya."

"Nag-set pa ng nickname sa messenger. 'Utol ko' raw, tang ina? Eh kung upakan ko 'yan! Hindi mo pa sinasagot pero kung umakto akala mo hihingiin na ang kanang kamay mo sa akin at pakakasalan ka na sa ibang bansa eh," he continued to grumble out of frustration and annoyance.

Nag-init ang pisngi ko sa narinig. Suddenly, images flashed in my mind as I tried to picture what Kuya said. Agad kong kinurot ang sarili sa tagiliran upang magising sa kahibangan. Kung nababasa lang siguro ni Kuya ang nasa isip ko, baka magwala pa siya lalo.

"Hindi siya ganyan sa iba, Kuya. Bilang lang ang mga tropa niya dahil madalas ay hindi talaga siya palakaibigan," pagpapaliwanag ko. "Ginisa mo kasi masyado kahapon, baka gaganti na 'yan sa'yo at iba-bash ka na sa social media."

Kuya Kieran scoffed. "Subukan niya! Paglalayuin ko kayo."

Napangiwi ako roon. "Ang basher mo. Wala ka bang lovelife? Akala ko pa naman may pinagkaka-abalahan ka na r'yan sa La Union kaya lagi kang busy."

"Meron nga..." Narinig ko ang pagtikhim niya.

"Alin? 'Yung tattoo studio mo na naman? Alam ko 'yan. Pero nitong mga nakaraang araw talagang sobrang abala ka kahit hindi ko naman nababalitaan na may mga exhibit kayo." I placed the book I was reading on the coffee table in front of me to focus on my conversation with Kuya. "Baka mamaya may binabahay ka na ah?"

Hindi sumagot si Kuya. Biglang natahimik ang kabilang linya kaya muli kong tinignan ang cellphone ko kung namatay ba ang tawag, ngunit nang makitang naka-konekta pa rin iyon ay kumunot na ang noo ko.

"Kuya? Andyan ka pa?" pagsisiguro ko. Imbis na tumigil, mas lalo pang nang-asar. "Nanahimik ah. Siguro totoo."

I heard him heave a sigh. I thought he was going to respond with some nonsense, but then he suddenly said something that left me speechless. "Bakit mo alam?"

Bigla akong natigilan, tila ba hindi alam kung paano ipo-proseso ang narinig. Gago? Nagjo-joke ba 'to? Bakit tunog seryoso?

"Huh?" ang tanging nasabi ko na lang.

"Bakit mo alam na may binabahay ako?" pag-uulit niya, seryoso pa rin ang tono ng boses kaya bigla akong kinilabutan.

Kung sakali man, ito ang unang beses na nagsabi si Kuya ng tungkol sa ganoong bagay. He never mentioned anything about his relationships, even before he left our house in Cavite.

"May binabahay ka nga?!" gulat na tanong ko. Ngayon, totoong reaksyon na 'yon at hindi pamemeke.

Alam ko naman na nasa tamang edad na si Kuya para makipagrelasyon at bumuo ng sarili niyang pamilya. Hindi na dapat ako nagugulat. Pero, pucha, live in agad?

"Wala... Joke lang..." pagbawi niya. He even attempted an awkward laugh to ease the tension.

But I was already convinced that he was telling me the truth. Kaya naman unti-unti na dumami ang mga tanong ko sa kanya tungkol doon. I don't think he would joke about something like that if it didn't mean anything. Sabi nga nila, jokes are half-meant.

"Seryoso nga? Sino? Bakit hindi ko alam? Naglilihim ka na sa 'kin ah. Ang daya! 'Yung sa 'kin kilala mo na agad tapos 'yung sa'yo—"

The phone call ended.

Tignan mo! Umiiwas talaga! 'Yang mga ganyang kilos ni Kuya alam kong may nililihim talaga eh. Kapag talaga nalaman ko na may ka-live in siya roon, humanda siya sa 'kin. Hindi ko patatahimikin ang buhay niya sa pang-aasar!

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon