Hindi na ako tinantanan ng mga kaibigan ko nang makabalik ako sa villa namin. Kumpleto sila roon sa loob, suot ang Hello Kitty pajama namin na terno sa isa't isa.
I didn't mention anything earlier. Dire-diretso lamang ako sa loob ng shower upang maligo dahil nagliliyab na yata ang katawan ko sa kilig. I had to take another cold bath to calm myself down, or else I would lose my mind.
Pagkatapos noong... ginawa namin... bigla na lang ako nahiya. Like a teenage boy who finally got his first kiss—except I wasn't a teen anymore—I felt shy and self-conscious about how I kissed him, since that was my first time.
I couldn't even manage to look at him and just rested my forehead on his chest while chuckling. Nagyakapan lang yata kami nang halos sampung minuto sa tabi ng dagat, walang sinasabi na kahit ano. Despite the silence, it wasn't awkward. I felt comfortable enough to sit with him in silence that I didn't mind if we didn't talk.
Noong pabalik na kami, hinawakan niya lang ang kamay ko, nagpipigil din ng ngiti at makailang beses yatang sinuklay ng mga daliri ang buhok niya. Hinatid niya ako sa harapan ng villa namin. When the lights finally illuminated his face, I noticed how red his cheeks were, like a ripe tomato. At sigurado akong ganoon din ang itsura ko, o baka mas malala pa.
Ngunit hindi ko itatanggi na bago ako pumasok sa villa, nag-expect ako na... gagawin niya iyon ulit. It was an addicting feeling. Kung pwede nga lang na sabihin sa kanya na gawin namin iyon magdamag, baka nagawa ko na. I just didn't want to put myself in another embarrassing situation or risk turning him off.
When I stepped into the shower, my cheeks were really flushed. Kailangan ko pang tumalon-talon upang gisingin ang sarili kong sumama na yata ang ulirat sa mga labi ni Sanjo.
Everything felt surreal. Even the warmth of his embrace felt foreign, leaving me unsure of how to act or what to feel. His lips were like heaven, and if I had to describe them, I'd say it was my favorite feeling ever.
Kung ganito pala ang pakiramdam ng may lovelife, sana pala noon ko pa sinubukan. Ang dami ko nakikita dati na nababaliw dahil sa mga ka-relasyon nila, at noon, hindi ko maintindihan kung bakit. Pero ngayon pucha, wala pang label pero masisiraan na yata ako ng bait. Partida, halik pa lang 'yon!
"So, what happened nga kasi?" Sevynne urged, sitting on the edge of my bed and hugging a pillow.
"Mahihimatay na ako rito, Kit. Gusto ko na talaga malaman! Kayo na ba?!" si Cali na mayroon pang facemask, hindi tuloy makapagsalita nang ayos.
"Tingin ko naman hindi ka ni-reject dahil sa laki ng bungisngis mo, pero ano nga ang nangyari?" ani Ria na hinila ang upuan mula sa ilalim ng vanity table at inilapit iyon sa kama ko. Para tuloy kaming nasa isang pagtitipon at ako ang agenda.
"Maawa ka naman sa mga tsismosa, Kit. Uhaw na uhaw na ang mga 'yan kanina pa," Haru chuckled, his eyes focused on the screen of his laptop, as usual.
Makahulugang tumingin sa akin si Era. "Kayo na?"
I buried my face in the pillow when I suddenly remembered what happened earlier at the beach. Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng pisngi nang simulan nila akong asarin dahil doon.
"Ano ba 'yan! Naiinggit ako!" tili ni Ishiara.
I pulled myself together as I sat on the bed, leaning against the headboard. Huminga ako nang malalim bago sinimulang i-kwento ang lahat ng nangyari. Mula sa kung paano ko sinabi ang nararamdaman ko hanggang sa... halik.
At gaya ng inaasahan kong reaksyon nila, sumabog ang sigawan sa kwarto nang marinig ang panghuling nangyari.
"Tarantadong laplapan 'yan, hindi ko maranas-ranasan," Caliber grumbled, causing everyone to burst out laughing.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit