He's a weirdo. Kung sa kanya nga galing ang message na 'to, ewan ko na lang talaga. Hindi ko na maintindihan kung anong tumatakbo sa utak niya. His humor is out of this world. Pang-kalawakan na yata dahil baka alien lang ang kayang umintindi sa ugali niya.
At teka, nablock ko na siya ah? Bakit minemessage na naman niya ako? Papansin masyado.
Ako:
sige sir sakto baradong barado po inidoro ko pasupsup nalang tyI waited for his reply. Umabot pa yata ng limang minuto bago ko nakita ang bagong notification.
+63 916 556 3635:
pafill up nalang po sir
name:
address:
age:
birthday:
type of service: ( supsup tubol or baradong lababo )
fb account: ( required )
twitter account: ( required ) kung walang twitter sige sir ig nalangI frowned while staring at his reply. Now I'm having second thoughts about this. Si Sanjo ba 'to? Bakit may form? Siraulo ba siya at hihingiin niya talaga ang personal information ko? O baka naman totoong service talaga 'to at na-wrong send?
I bit my lower lip while composing a reply. Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin. But he said earlier that his name was Santi. Sino pa bang Santi ang alam ko maliban kay Santino na alamat ng gago?
Ako:
name: kit honeygirl pulot-pukyutan
address: hulaan mo
age: 10-60 hulaan mo ulit
birthday: kailangan pa ba nito sir barado lang naman inidoro ko
type of service: supsup tubol
fb account: huh bakit need ng fb ipopost mo ba tubol ko
twitter: bakit din need ng twitterI laughed at my own reply. Ako pa talaga ang susubukan niyang i-scam, ha! Ulul, mas scammer ako sa kanya. Lokohin na ako sa lahat 'wag lang sa pera.
Medyo natagalan ulit ang pagrereply niya. Akala ko nga ay hindi na siya sasagot. Akmang tatayo na sana ako sa swivel chair nang umilaw na naman ang cellphone ko. I immediately opened my message app.
+63 916 556 3635:
kit honeygirl pulot-pukyutan? anong pangalan yan ang pangit+63 916 556 3635:
seryoso ka ba yan pangalan mo? hahaha laroAko:
laitero ka sir. wag na lang nga. ganyan ka ba sa iba mong kliyente? kaya siguro walang nagpapabomba ng tae sayo ehTarantado talaga. Hindi na nga malaman kung anong mga trip niya sa buhay, laitero pa. He must have absorbed every bad attitude known to mankind. Sinalo na lahat ng bad qualities na pwedeng mapunta sa isang tao eh.
Siya nga Santino ang pangalan, nilait ko ba?
+63 916 556 3635:
hahahah sanjo 'toAt tumawa pa talaga. Funny siya?
Ako:
anong nakakatawa?+63 916 556 3635:
pinatext ka lang sakin ni ysaac magpasalamat daw ako sayo kaso di kita mamessage sa dati kong number expired na yata gounli koAko:
i blocked you. tsaka ok na yon pasabi na lang kay ysaac. huwag ka na ulit magmessage.+63 916 556 3635:
fyi honeygirl pulot-pukyutan, marami nagpapabomba sakin tuwing new yearAko:
EWWW THE FUCK?+63 916 556 3635:
ng motorI was so annoyed that I had to block him again. Wala naman siyang matinong sinasabi. Having a serious conversation with him was impossible because he would make fun of everything. He's the opposite of peace of mind. Ang lakas ng tama niya.
Kaya dapat talaga, hindi na kami nagkikita o nag-uusap ulit. Naiistress lang ako!
The second week of classes started eventually. Pormal na ring nagsimula ang mga klase. Mas nararamdaman ko na ngayon na nasa third year na nga ako dahil sa mga discussions at activities.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit