Chapter 8

6.4K 293 175
                                    

"Gago ka ba?" I scoffed.

I immediately walked away from him. Lasing na yata 'yon. Uwi na raw kami? Ano ako shanghai? Sa dami ng pwedeng i-takeout, talagang ako pa na mortal na kaaway niya? Umuwi siya mag-isa!

And why is he even here in the first place? Alam kong may karapatan naman siyang mag-party at uminom, pero talagang sakto sa night-out naming magkakaibigan? Sideline niya ba ang pagiging manghuhula?

He didn't follow me when I left. Para ngang napilitan lang din siya na lapitan ako. Hindi ko nga alam bakit lumapit pa siya, e. He could have just ignored my existence.

Mas lalo akong nagpunta sa gitna ng crowd at doon sumayaw. Sa dami ng mga taong nagkakagulo roon, halos tumalsik ako kapag nababangga. I didn't mind, though. I was having fun. Kung minsan pa'y gumaganti sa kung sinong tumulak sa'kin.

Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Sanjo dahil hindi naman sumunod. As he should. Why would he follow me? Hindi ko naman siya tatay para pauwiin ako galing sa inuman.

I raised my hands in the air and let the music take control of my body. I closed my eyes and joined the crowd when the beat dropped. Nakikisigaw na rin ako kahit hindi ko kilala ang mga taong nasa paligid ko. I don't know where my friends are but they're probably still somehere on the dance floor.

"Uh, excuse me..."

Sumigaw ako nang unti-unting baguhin ng DJ ang kanta. I was having so much fun that I forgot I was alone. Hanggang sa naramdaman ko ang pagkalabit sa likod ko.

"Kit," It was Haru's voice. "Tara na sa taas."

I turned around to face him, showing my big smile. "Huh? Mamaya na! Sayaw muna tayo!"

"Lasing ka na," he replied.

Tumawa ako. Hinawakan ko ang kamay niya at mas lalo siyang hinila upang sumayaw. "Hindi pa ako lasing! Sayaw tayo!"

I saw him take a deep breath before he held my wrist and pulled me out of the crowd. I was dumbfounded that all I could say was, "Huh?"

Wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako paakyat sa second floor. I looked at the crowd once again and pouted. Bye bye, dance floor.

Gusto ko sana bumalik kaso mukhang galit na si Haru. Hindi na siya nagsasalita noong pabalik na kami. Should I open up the topic about Sanjo? Baka nandito rin si Ysaac. Mawawala kaya ang galit ni Haru o mas lalo siyang magagalit?

When we came back, our friends were already sitting on the sofa. Nagtitiktok si Era at Ishiara, halos magsabunutan na kakatawa habang ginagawa iyong re-yal o fa-ke na trend. Si Koen naman ay tulog na tulog na sa sofa. Seine was still awake and drinking. Ria was scrolling on her phone, she was probably the most sober among us. Si Tatsuo ay may kausap na lalaki sa gilid, kakilala niya yata. Cali and Sevynne were doing the Tiramisu Cake dance on TikTok.

Didiretso na sana ako sa sofa upang umupo roon nang mapansin ang pamilyar na lalaki. Agad na sumama ang timpla ko.

"Upo," utos ni Haru. "Make sure you sober up before heading home."

I pouted. Wala na akong magawa dahil mukhang naiinis na talaga siya. He's my bestfriend but he acts like a brother. Parang si kuya kung maghigpit.

"Hindi naman ako lasing..." mahinang sagot ko.

He made me sit beside Sanjo who was silently watching us while drinking a bottled beer. Nanatili ang mata niya sa'kin hanggang sa makaupo ako. He maintained eye contact even while drinking his beer.

I raised an eyebrow at him before averting my gaze. Talagang itinabi pa ako sa kanya, ha? 'Pag ito nasuntok ko, wala na talaga silang magagawa.

"Bakit siya nandito?" tanong ko kay Haru.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon