Chapter 43

3.3K 194 81
                                    

bawat piyesa — munimuni

---

"Kit, kailangan mong kumain..."

Naramdaman ko ang pag-upo ni Haru sa tabi ko, may hawak na tray ng pagkain na inihanda niya para sa akin. I refused to glance in his direction and kept my eyes fixed on my phone lying on the coffee table.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Babalik naman siya, diba? Hindi magugustuhan ni Sanjo kapag nalaman niyang nagpapalipas ka ng gutom."

Mariin akong napapikit. Marinig ko lang ang pangalan niya, para na naman akong dinudurog nang paulit-ulit. Tila ba binabalik ako sa gabing 'yon, kung kailan... wala akong nagawa upang pigilan siyang umalis.

I should've knelt in front of him that day. I should've held onto his arms more tightly. Noong umatras siya palayo, sana humakbang ako palapit... Sana hindi ko hinayaang lumaki ang distansya sa pagitan namin. Kasi, tang ina, ngayon ko naiisip na hindi ko pala kaya kapag siya ang nawala sa akin.

Kaya kong tanggapin ang sasabihin ng pamilya namin. Kaya kong palampasin lahat ng sinabi ng Kuya niya... Kaya kong kainin lahat ng masasamang salita... Kung tatapakan nila ako nang paulit-ulit, tatanggapin ko kung 'yon lang ang tanging paraan para manatili si Sanjo sa tabi ko.

I don't care if I had to go through all that again if it meant having him by my side... If I had to swallow my pride and kneel in front of everyone who thinks I don't deserve him, I would—because I'd rather lose myself than lose him.

"Kit..." muling pagtawag ni Haru, inilapag na ang plato sa coffee table nang hindi ko iyon kinuha. "Babalik si Sanjo. Sa ngayon, kailangan mong–"

"Kailan?" I asked weakly, my voice trembled. "Babalik siya... pero kailan? Dalawang araw na ang nakalipas, Haru... at ni isang tawag... wala akong natatanggap."

He froze in his seat. Napatitig siya sa akin bago lumipat ang tingin sa phone ko na nasa lamesa. Alam kong... pinapalakas niya lang ang loob ko, sinusubukang patahanin upang hindi ko mapabayaan ang sarili ko.

"Kilala ko si Sanjo eh. Hindi niya hahayaang ilang araw kaming hindi mag-uusap. Kahit gaano siya kaabala sa araw niya... guguluhin niya pa rin ako. He would have called by now just to hear my voice. He would have cracked a joke just to make me laugh... Kasi ganoon siya eh. Hindi niya ipaparamdam sa akin na... naghihintay ako sa wala," namamaos na sambit ko.

I could feel a lump forming in my throat, choking back my sobs. Ramdam na ramdam ko sa buong katawan ang bigat na kumakalat sa dibdib. Sa bawat segundong lumilipas, mas lalo lamang iyong bumibigat.

I saw the look on his face that night. At ang mas ikinakatakot ko ay ang biglang pagdaan ng duda sa mga mata niya na para bang hindi na siya sigurado sa amin... na parang handa siyang umalis ano mang sandali... na parang handa siyang tumalikod sa akin at sa kahit na sino.

Sa mga oras na 'yon, natakot ako na baka kapag mas kumapit ako... mas lalo niya akong bitawan.

"Baka hindi pa nakakabalik, Kit. Kakausapin ka naman siguro niya kapag ayos na. Nagpapalamig lang siguro," marahang sambit ni Haru.

Nagpapalamig...

Sana nga.

Sana nga ganoon lang. Tang ina, hindi ko kakayanin kung pagbalik niya, ayaw na niya.

Haru stayed by my side all day, making sure I was eating and not skipping any meals. Sinabi ko naman na sa kanya na kaya kong mag-isa, ngunit mas minabuti pa rin na samahan ako.

Naghintay ako kay Sanjo kahit hindi ako sigurado kung kailan siya babalik. Nag-set na rin ako ng ringtone sa phone para kung sakaling tumawag siya at tulog ako, masasagot ko kaagad.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon