Trigger Warning: This chapter contains brief mentions of body image issues and unhealthy eating habits. Reader discretion is advised.
𐙚𐙚𐙚
Umuwi na rin kami noong hapon ng Linggo. We were still able to enjoy some activities at the resort despite our short stay there.
Muntik pa nga kaming hindi makalabas sa cottage kinabukasan dahil hirap na akong maglakad! Sineryoso niya masyado ang paghahamon sa akin na mag-away sa kama, at umabot na sa puntong ilang beses namin nagawa.
And when I say Sanjo's stamina is crazy, I mean it. We were unstoppable last night, and he was gentle with me the whole time. Hindi na rin ako nagtaka dahil swimmer siya, pero syempre nakakagulat pa rin dahil parang hindi man lang siya napagod! Ilang beses niya rin akong binuhat pero parang wala lang. Pang-halimaw na yata ang lakas niya eh.
Kaya naman noong pauwi na kami, buong byahe akong tulog. Sinubukan ko talagang bumawi ng lakas dahil may pasok kinabukasan. Hindi na rin naman ako makakaliban dahil huling linggo na 'yon ng pasok namin bago ang two weeks summer vacation.
"Sasakyan kita... sa lahat ng gusto mo... Sasakyan kita... basta sasakyan mo rin ako!" pagkanta ni Ishiara nang siya na ang sumunod na humawak ng mic, kumekendeng pa sa harapan kasama sila Era.
We decided to hang out at Haru's place later that week. Ngayon din nila kukunin ang mga pasalubong namin ni Sanjo. Epal ang mga 'to eh. Akala mo naman isang taon kaming nawala. Hindi na nila ako nilubayan sa campus kanina noong nagkita-kita kami!
"Kung gusto mo ng kiss..." Era sang before pointing the microphone at Koen.
At kahit kumakain pa ng peanut brittle na pasalubong namin ni Sanjo, nakisali pa rin si Koen. "Pagbibigyan kita..."
"Kung gusto mo ng hug, sige magsawa ka!" si Cali na umangat pa sa ere ang mga kamay sabay giling ng beywang.
"Ganyan ang mga paborito kong ulam eh, giniling," ani Seine habang sinusuklay ang bangs niya.
"Hoy, Dora, manahimik ka!" Cali fired back.
Seine raised her middle finger before munching on the kalamay she was holding. Maya-maya pa ay hinila na rin nila ako upang sumayaw sa unahan. Maging si Haru na kumukuha ng peanut brittle sa hawak na garapon ni Koen ay wala na ring nagawa nang iabot sa kanya ang microphone.
"Sasakyan kita... sa lahat ng gusto mo..." My cheeks heated when I suddenly remembered something from the lyrics.
Hayop na 'yan. Dumudumi na yata ang utak ko. Kung ano ano na lang ang naiisip ko eh. Na-miss ko tuloy bigla...
Haru shrugged nonchalantly before singing his part. Parang ni-recite niya nga lang dahil hindi naman niya kinanta. "Sasakyan kita... basta sasakyan mo rin ako..."
Bidang-bida si Koen sa harapan habang nakaipit sa bibig ang peanut brittle na kinakain. Naghi-hip thrust pa, na kung minsan ay sinasadya niyang bagalan upang tyempuhan ang beat ng kanta.
Sevynne was the one recording us, which will probably be uploaded directly to her IG story later. Si Era ay nababaliw na sa unahan, panay ang headbang sa kanta. Habang si Ishiara naman ay kunyaring nakikipag-sparring sa Labubu ni Haru, na kung hindi pa inilayo ni Ria ay baka nasuntok na niya talaga.
Sa sobrang daming nangyayari sa apartment ni Haru, baka rinig na rinig na kami ni Ysaac sa kabila. Hindi ko alam kung nandoon ba siya, wala namang nabanggit si Sanjo kanina nung nagsabi akong pupunta ako rito.
"Wala ba tayong outing?" Caliber asked after the song ended. Sa microphone pa talaga nagsalita.
"Hoy, oo nga. Wala ba?" segunda ni Ishiara.
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Roman d'amoursanjo & kit