Chapter 1

11.3K 357 379
                                    

I took my cup of coffee with me when I went outside the next morning. I sat on one of the benches I saw and watched as the sun slowly revealed itself. The sea breeze felt cold against my skin.

Wala sa sariling napatingin ako sa cottage kung saan naroon iyong lalaki at mga kapamilya niya kahapon. Wala nang tao roon. Hindi ko alam kung dito rin ba sila natulog sa resort o umalis na noong gabi.

Eh, ano naman ngayon kung wala na sila? Sino bang may paki?

"They left last night, Kuya Kit. I saw them."

I jumped on my seat when I heard Koykoy's voice from behind. Napahawak ako sa dibdib at sinamaan siya ng tingin. Sinuklian niya lamang ano ng malawak na bungisngis saka kumagat sa hawak niyang pandesal. Ang isang kamay ay hawak ang iPad niya.

"Hindi ko naman tinanong," kunot-noong sagot ko saka muling binalik ang tingin sa harapan.

Umangat ang tingin niya sa'kin at pinanliitan ako ng mata na para bang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko. "Wait... Is he your crush?"

"Crush? May ka-crush crush ba sa kanya? Ang sama nga ng ugali." Halos malukot na ang mukha ko nang maalala na naman ang nangyari kahapon.

"It was just a floaty, Kuya Kitkat. You and Kuya Cali are really OA. I even remember that time when we ate at Mang Inasal and the crew ignored you when you asked for extra chicken oil," aniya habang nakatingin sa iPad at naglalaro. Detalyadong-detalyado ang pagkakasabi niya na para bang kahapon lang iyon nangyari.

That was three years ago?

I scoffed. "Ibang usapan yun, Koykoy. Mang Inasal 'yon. Mang Inasar siya."

He laughed, unconvinced by what I said. "They left already. I should've asked for his Facebook name pala so you could stalk him on social media."

My eyes widened. "Hoy, ikaw! Ang bata bata mo pa kung ano-ano na 'yang sinasabi mo. Tigil-tigilan—"

"Ah! I remember na pala. Santino Joaquin, right? Search him on Facebook, Kuya! Or if you want, ako na lang magsend ng friend request. I'll screenshot his stories for you—"

Nagtakip ako ng tainga at gumawa ng ingay upang hindi ko na siya marinig. Daming alam ng iPad kid na 'to. Akala ko puro roblox lang 'to eh.

At talagang hindi siya tumigil sa pang-aalaska niya. Hanggang sa makauwi kami ay ipinipilit niya pa ring crush ko iyong lalaking 'yon. Ipinagkalat pa kay kila Tito at Tita, maging kay Lola Teresita na binigyan lang ako ng makahulugang tingin. Ako tuloy ang naging topic sa loob ng van.

I don't really base my standards on physical appearance. I'm more interested in who you are as a person. Kung pangit ang ugali mo, 'wag na lang. Kainin mo na lang 'yan.

I only felt peace when I arrived at my condo unit. Bigla akong nakahinga nang maluwag nang marinig ang katahimikan. Ngunit isa lamang ang ibig sabihin noon, mag-isa na ulit ako sa condo. I can't help but feel sad because Haru, my bestfriend, isn't my roommate anymore. Bumukod na siya dahil gusto niya raw ng personal space.

Ano pa bang personal space ang gusto niya eh may sarili naman siyang kwarto? Hindi nga ako pumapasok doon dahil natatakot ako sa vibes ng kwarto niya. Iba ang aesthetic niya sa akin. He likes black and emo things. Salungat ng mga gusto ko.

I spent the rest of my morning unpacking my things and cleaning my condo. Pagkatapos noon ay nilipat ko na iyong mga pictures namin sa Google Drive. Lampas isang daan iyon kaya medyo nagtagal. I sent it right away in our group chat in case they want to post it.

Hindi ko maiwasang kumunot ang noo habang hinahanap ang mga solo pictures ko. Karamihan noon ay iyong nasa cottage ako, si Caliber ang kumuha noon. The frown on my face deepened as I scrolled through the pictures. Hindi lang isa, dalawa, tatlo—Halos lahat!

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon