sweet nothing - taylor swift
𐙚𐙚𐙚
"Aanhin ko naman ang date na 'yan?"
Napairap na lang ako sa hangin nang marinig ang sagot ni Haru sa tanong ko. We're currently at the mall for some shopping. Sa kanya ako nagpasama dahil abala na rin si Cali, at nasa Batanes na raw ngayon. Hindi namin alam kung sino ang kasama niya, pero ayos na rin siguro 'yon kaysa naman balikan niya ang ulupong niyang ex.
"For fun lang. Sure ka bang ayaw mo?" I asked while glancing over each garment hanging on the rack.
Haru shrugged. "Mag-aaral ako."
My eyes narrowed at him even more. I couldn't believe this guy. All he had done since first year was study. Minsan nga iniisip ko na lang na baka mga libro talaga ang kasintahan niya. I had never seen him show interest in anyone except Ysaac-though I'm starting to doubt that since Haru never mentions him anymore.
Gwapo naman si Haru. Ang angas din ng pormahan. Nerdy but incredibly hot. Maging ang Instagram feed niya ay maganda ang layout kahit hindi siya masyado nagpo-post doon. I almost had a crush on him back in first year, but it just didn't work out because he felt more like friend material.
"It's nice to have someone, Haru. It makes college bearable for me," I smiled as I looked at the third piece of clothing I planned to buy because it reminded me of Sanjo.
Inayos niya ang kanyang salamin saka humalukipkip sa gilid, halatang walang balak na maningin sa mga nakasabit na damit. "I'm happy for you, Kit. Pero masaya naman ako na ako lang."
I raised an eyebrow, my eyes were still on the shirt. "Si Ysaac?"
"We were never a thing," tipid na sagot niya bago naglakad patungo sa section ng mga accessories, halatang umiiwas sa usapan.
Hanggang ngayon, wala akong ideya kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Dinaig pa ang traffic lights sa dami ng mixed signals na ibinibigay sa akin. Maging sina Era ay nagtataka na rin kung bakit bigla nilang iniwasan ang isa't-isa.
"Ilang araw ba ang date niyo? Parang pang-isang buwan na yata 'yang binili mo," he commented, his gaze was fixed on the paper bags I placed in the backseat of my car after we finished shopping.
"Regalo ko sa kanya 'yung iba," nakangiting sagot ko.
Medyo naparami na nga yata ang nabili ko dahil nadagdagan iyon nang nadagdagan noong nakakita ako ng mga damit na tingin ko ay babagay kay Sanjo. Hindi ko na talaga napigilan dahil siya ang naaalala ko sa lahat, kahit nga yata ang yabag ng paa ko ay may marka ng pangalan niya.
"Ang dami. Buti alam mo ang size niya?" kuryosong tanong ni Haru habang muling sinisipat ng tingin ang mga paper bags.
"Oo naman," I broke into a wide grin. "Estimation lang."
Hindi makapaniwalang umiling si Haru saka ibinalik ang tingin sa harapan. I arranged the iced coffees and breads we ordered on the dashboard before taking a picture worthy of my Instagram story. Haru watched me silently the entire time. Sanay na rin yata siya dahil ganito rin ang iba naming mga kaibigan.
Pagkatapos ay diretso ko na iyong in-upload sa story ko para na rin makapag-update ako kay Sanjo, na kahit gaano kaabala sa araw niya ay hindi pa rin pumapalya na pumuso sa mga story ko.
sjtravieso
| replied to your story
sarapMy eyes widened. Gago talaga. Hindi naman sa pagkain nag-reply, kundi sa picture ko na una kong in-upload!
kitkatdiaries
boss maling pic yatasjtravieso
tama naman
BINABASA MO ANG
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)
Romancesanjo & kit