Chapter 37

6.7K 266 129
                                    

false god — taylor swift

𐙚𐙚𐙚

Pinagmasdan ko ang litrato namin ni Sanjo sa digicam ko. Nasa loob na siya at nagpaalam na maliligo habang ako naman ay naiwan sa balcony ng unit niya upang tignan ang mga litrato namin kanina.

I couldn't help but smile when I finally saw my favorite picture of the two of us. Ito 'yung pinakahuli naming litrato, matapos ko siyang sagutin. I held his chin with my left hand, my lips resting softly against his cheek. Magkasalubong ang kilay niya at nakanguso ngunit kitang-kita ang pamumula ng mukha.

I also went through the pictures on my phone. Pumili ako roon ng isa na ise-send kay Kuya Kieran upang ipaalam na sinagot ko na si Sanjo. He probably wouldn't be surprised by it, though. Baka sermunan pa ako na sana ay pinahirapan ko pa lalo si Sanjo.

I chose the one where we had asked someone to take a picture of us at the ice rink. Mahigpit ang hawak ko sa braso niya habang siya naman ay malapad ang ngisi at naka-peace sign pa.

Kit:
sent a photo.

fyi kami na

Kieran:
busit na yan

Kit:
HINDI KA BA MASAYA FOR ME???

Kieran:
wapakels who cares edi kau na

Kit:
kami na talaga!!!

Kieran:
busit

feeling pogi n nmn si tinoy nyan

Kit:
pogi naman kasi talaga

Kieran:
BUSIT NA YAN

Hindi ko na napigilang matawa sa reaksyon ni Kuya. Feeling nonchalant din ang isang 'to. Akala niya yata bagay sa kanya eh ubod naman siya ng daldal. He may be mature most of the time, especially when it comes to family matters and protecting me, but sometimes he acts incredibly childish.

Pero kung may isang tao man na pinakamasaya sa kung anong meron kami ni Sanjo, alam kong si Kuya 'yon.

"Bebi..." My mind went blank when I heard his voice from behind.

Narinig ko ang pagbukas ng glass door sa balkonahe at ang pagkalat ng amoy niya sa paligid. It smelled like a fresh shower and men's body wash, and I could feel my heart racing at the thought.

"Hmm?" sagot ko, sinusubukang magpanggap na hindi apektado sa presensya niya, kahit tila sinasakop na ng mga paru-paro ang kaloob-looban ko.

My heart raced erratically when our eyes met. He wasn't wearing any shirt, just grey sweatpants and a towel around his neck.

"Pwede ka na maligo. Pinaghanda na kita ng damit. May mga gamit ka na rin sa CR," he answered.

Pinilit kong huwag ibaba ang tingin sa katawan niya, kahit kita ko na mula sa gilid ng mata ang pagkislap ng tubig na dumadausdos sa dibdib niya.

You kissed him earlier, Kit. Hindi naman pwedeng... gusto mo ulit ngayon.

I swallowed hard and gathered all my strength to stand up. The moment I stepped closer to him, the minty scent grew stronger. Tila ba awtomatikong umangat ang dalawang kamay niya upang hilahin ako sa beywang.

Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon