When I was younger, I told myself that even if I found the destiny of my life, I will never ever bear a child. That’s because I know that I can’t raise it well. Wala akong kapatid at hindi ako nahilig sa bata. I somehow despise kids because when I was in elementary school, napilitan akong mag-alaga sa 10-month old na anak ni Tita. I didn't have a choice because I was living with them at that time.
I was so young then, but I feel like I’ve already experienced being a mother because of that responsibility. Naririndi ako sa tuwing iiyak ang bata pero wala akong magawa, kasi kung hindi ko siya mapatahan, papagalitan ako ni Tita.
It’s a good thing that my mother finally got me out of that place. Para akong nakatakas sa impyerno. I feel like I’ve been deprived of my liberty as a young girl. I wasn’t able to play outside because I have to do all the chores as well.
Nabago lahat ng iyon nang kunin ako ni Mama. Dito sa bago kong tinitirahan, mas maganda at mas masaya. Nakatagpo rin ako ng mga kaibigan dahil mababait ang mga tao rito.
“Tinititigan mo na naman si Isagani!” pinitik ni Isaiah ang ulo ko kaya naialis ko ang paningin sa lalaking naglalakad.
“Ano ba? Bakit ka ba nakikialam?”
This is Isaiah, my best friend since I transferred to their school. Apat na taon na kaming magkaibigan.
Apat na taon na rin akong may crush sa pinsan niyang si Isagani.
“Sabi ko naman kasi sa’yo humanap ka na lang ng ibang lalaki. Hindi ka papansinin niyan ni pinsan.”
I glared at him, he just laughed at my face.
“Imbes na mamakialam ka riyan, bakit kasi hindi ka na lang gumawa ng paraan para magkalapit kaming dalawa?”
Umiling-iling siya sa akin saka nagsimulang magmartsa palayo. I immediately followed him.
“Hoy!” habol ko.
Nakapamulsa siya habang naglalakad papunta sa may gate ng Basilica.
“Alam mo kasi gusto ko yung makakatuluyan ni Isagani yung babaeng matino,” tumigil siya at nakangising lumingon sa akin.
“Matino naman ako!”
Senior High school na kami, doon kami nag-aaral ngayon sa Buenaventura Integrated High school. Maliit na school lamang iyon pero masasabi kong maganda naman ang sistema ng paaralan.
Isagani is studying there as well. Ang alam ko kasi, doon din nag-aral dati ang mga magulang niyang sina Tita Ysabella at Tito Andres.
Sa school na ‘yon, ang dami ring nagkakagusto kay Isagani. Sobrang pogi naman kasi talaga niya. Maputi ang kutis, matangkad, makapal kilay, mabango, mapula ang lips at magaling mag-volleyball!
“At saka hindi ka uubra do’n kay pinsan, masungit ‘yon. Sa lahat ng pwedeng manahin kay Tito Andres ‘yung kasungitan pa,” sabay kaming napahalakhak na dalawa.
Totoo naman kasi talaga. Napakasungit ni Isagani sa totoong buhay. Palagi pang seryoso kaya ang hirap lapitan. Hindi kagaya nitong pinsan niya, siraulo na loko-loko pa.
“Anong tinitingin-tingin mo?” maangas nitong tanong sa akin.
“Wala! Uuwi na nga lang ako!”
“Huy teka, ayaw mo bang magmeryenda muna?”
Isa sa mga gusto ko rito kay Isaiah, mahilig siyang manlibre. As in hindi siya kuripot ‘pag dating sa pera at pagkain. Mayaman kasi ang pamilya nila. Mayaman din ang lolo niya, sa pagkakaalam ko ay may sarili itong kompanya. Doon din nagtatrabaho ang tatay niya, si Tito Ibarra.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: