Chapter 21

15 1 4
                                    

One week had passed but me and Isaiah haven't met again. I know he's been busy in school and in their business nowadays and I understand. It's just that, I can't stop myself from missing his presence.

Simula nung mawala si Mama, pakiramdam ko mag-isa na lang ako palagi. That's why I've always wanted to see Isaiah. Para kahit papaano makasama ko man lang yung taong mahalaga rin sa akin. But it's just too hard for us nowadays.

I was about to go to school the next morning, but I was confused when I saw Tita moving some of my mother's belongings out of her room.

“Tita anong gagawin niyo riyan sa mga gamit ni Mama?" kunot-noong tanong ko rito.

Tinapunan ako nito ng tingin bago binuhat muli ang ilan sa mga ito.

“Ilalagay ko muna doon sa ibaba, nakakasikip lamang dito," sagot niya.

Kaagad ko naman siyang pinigilan.

“Paano makakasikip eh nasa kwarto lang naman? Hindi naman makakaabala sa inyo ang mga ‘yan," pigil inis kong saad.

“Dito na kami matutulog sa kwarto simula ngayon. Ililipat namin doon ‘yung ibang gamit namin kaya nga inaalis namin yung sa Mama mo."

“Tita!" galit na sigaw ko.

Parang gulat siyang napatingin sa akin.

“Hindi niyo pwedeng galawin ang mga gamit diyan! Respetuhin niyo naman si Mama!”

I was breathing heavily because of anger. I'm trying really hard to get along. Pero hindi ko na talaga alam ang dapat gawin para makisama sa kanila.

“Anong hindi pwedeng galawin? Saan kami matutulog kung ganoon? Ilang buwan kaming nagsiksikan sa isang kwarto tapos ipagdadamot mo pa ‘yang sa Mama mo na wala namang gumagamit!"

“Konting respeto naman kay Mama…" parang nagmamakaawa kong saad dito. “Kakamatay lang niya, huwag niyo naman siyang alisan ng puwang sa bahay na ‘to."

Pero imbes na makinig, tinabig lamang ako nito at nagpatuloy sa ginagawa niya.

“Ay nako tigilan mo ako, Azineth! Parehas talaga kayo ng nanay mong madamot!"

I couldn't do anything to stop her. Hindi siya nakakaintindi ng salita. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi ko. Mas lalong hindi pwedeng daanin sa pisikal. I can perfectly live alone. Without them. I wish I could just live alone.

Pero paano pa mangyayari iyon?

Kung umasta sila ngayon, parang sila pa ang may-ari ng bahay.

Hanggang sa pagpasok sa school ay mabigat pa rin ang loob ko. I don't know what to do anymore. Hindi ko na gustong umuwi sa bahay na iyon pero saan naman ako pupunta?

I'm dying now to get them out of that house.

“Coffee?"

I lifted my eyes when someone placed a cup of iced coffee in front of me. I saw it was Harvey. Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko.

“Okay ka lang?" tanong niya.

“Okay lang," kaagad naman akong nag-iwas ng tingin.

It's still twenty minutes before classes start. Inagapan ko talaga ang pasok dahil gusto ko na kaagad makaalis ng bahay.

“You know what, Azi? Palagi akong nahihiya na lapitan ka kasi alam kong hindi mo ako papansinin.”

Tumawa siya, kaagad naman akong napalingon sa kaniya.

"Hindi naman ako masungit, nahihiya lang din ako magsimula ng usapan,” I tried to smile at him.

"Pero ngayong alam ko na may pinagdadaanan ka, sana isipin mo na palagi lang kami nandito. You can always ask for help if you need."

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon