Chapter 23

8 0 0
                                    

When friday came, I decided to join my friends in a coffee shop. Paborito nilang pumunta sa black apron dahil may videoke roon. I was laughing with their silly jokes when Kelly bumped her arms to me.

“Mabuti naman at ngumingiti ka na ulit," saad nito sa akin.

The past two weeks have been tough for me. Kahit papaano, unti-unti na rin akong bumabalik sa dati. Thanks to my friends and Isaiah for always being there to cheer me up.

Nang sumapit ang birthday ko, inaya ako ni Isaiah na kumain kami sa labas. He gave me a gift as well. As expected, people in the house weren't aware that it's my birthday. It's fine anyway, I'm not expecting anything from them.

I'm fine with the silence and my simple birthday celebration with Isaiah.

Mabilis natapos ang weekend kaya pasukan na naman. Days keep passing and things keep getting unmemorable for me. Alam mo yung pakiramdam na parang nakikisabay ka na lang sa agos ng panahon? Wala ka ng ibang choice kundi ipagpatuloy kasi nasimulan mo na.

But you are not happy and not sad either. You just felt empty.

“Bye, Azi!" kumaway sa akin sina Kelly habang papunta sila sa sakayan pauwi. Kumaway din ako at ngumiti sa kanila.

Nanatili naman akong nakatayo sa tabi ng kalsada at naghihintay na may dumaang jeep.

Nakakailang minuto pa lang akong nakatayo roon nang may tumigil na kotse sa harap ko. Kaagad kong nakita si Sir Castro sa loob.

“Ms. Perez, taga saan ka ba? Ihahatid na kita!" nakangiti nitong alok sa akin. Pasimple ko namang sinilip ang loob ng kotse, walang ibang nakasakay doon kundi siya.

Kaagad akong napalunok at umiling.

“Hindi na po, Sir. Malayo po yung sa amin. Maghihintay na lang ako ng jeep."

“Saan ka ba?" pag-uulit nito.

“Tayabas po."

“Nako sakto! Dadaan din naman ako ng Tayabas ngayon, sumabay ka na sa akin."

If there are other students in the car, I might change my mind and get in. But I can see that I will be alone with Sir Castro the whole time. Ayoko namang sumakay kasi hindi ako komportable kay Sir Castro.

It's just that, I find his stares and smiles at me a little bit weird. Ganoon naman talaga siguro siya, but I just can't stand it.

“Hindi na po talaga, Sir. May hinihintay din po kasi ako," pagsisinungaling ko rito.

Tumango siya sa akin at ngumiti. Subalit nakita ko pa ang iritado nitong mukha nang muling ibalik ang atensyon sa manibela.

I sighed in relief when he finally drove away. Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin kong pagtanggi rito.

Kumpara noong mga nakaraang araw, mas maagap ang uwi ko ngayon. Hindi na ako nagulat nang madatnan na makalat na naman ang bahay kahit nagligpit ako bago ako pumasok kanina.

Napabuntong-hininga na lamang ako at umakyat sa sarili kong kwarto. Mabilis akong nagpalit ng pambahay na damit at didiretso na sana sa kusina nang sinalubong ako ni Leanna.

“Pakisama nga nito sa mga lalabhan mo," saad niya habang inaabot sa akin ang isang pulang damit.

I raised my brow at her.

“Ang tanda mo na hindi ka marunong maglaba?" tanong ko rito.

Kita ko namang napaawang ang labi nito sa sinabi ko.

“Maisip ka talaga! Gagamitin ko ‘yan bukas, bakit hindi mo na labhan?!"

“Siraulo ka talagang babae ka. Maghapon kang nakatunganga rito sa bahay tapos hindi mo nilabhan?"

Kinuha ko sa kaniya ang damit at binato sa mukha niya. Galit niya itong kinuha at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

Ngumisi lamang ako. Why would I be scared of her? She is nothing but a lazy, ugly and uneducated girl. Kung umasta siya akala mo napaka yaman at napaka ganda.

Akmang lalampasan ko siya nang higitin niya ang braso ko.

“Ano pang ipinagyayabang mo riyan, Azineth? Akala mo siguro may kakampi ka pa rito ano? Sumunod ka na lang sa mga inuutos sa'yo dahil iniwan ka na naman ng nanay mo–”

Malakas ko siyang sinampal. Wala na akong pakialam kung mas matanda siya sa akin. She never really acted mature enough for me to respect her. Nang bumaling ito sa akin, nangingiyak-ngiyak ang mata niya habang nakahawak sa pisngi niyang namumula.

“Walang hiya ka talaga!"

Kaagad itong sumugod sa akin at hinila ang buhok ko. I was more determined na makaganti kaya hinila ko rin ang buhok niya ng mas malakas. Sumisigaw-sigaw na siya sa sakit habang nag-aaway kami.

Hindi nagtagal, bumukas ang pinto sa kwarto ni Tita.

“Ano bang ingay ‘yan?!"

Kaagad niya kaming nakita sa ganoong sitwasyon. Doon lang kami tuluyang tumigil ni Leanna sa pagsasabunutan. Hingal na hingal siya habang umiiyak, masama ang tingin sa akin.

Nakatingin lang din ako sa kaniya nang masama.

Nang lumingon ako kay Tita, malakas na sampal niya ang sumalubong sa akin. Muntik na akong umiyak dahil sa sobrang lakas niyon. Iyon yung klase ng sampal na walang pakialam kung matanggal ulo mo.

On the other hand, I already expected this from them. Of course, I keep on opposing them when my mother is still alive. Now that my mother is not here anymore, they can do whatever they want– that includes slapping me.

“‘Yan ba ang natututunan mo sa school, Azineth?! Asal kalye ka talaga kahit kailan!" sigaw sa akin ni Tita.

I remained looking at the floor, showing no emotion in my face. I know it would be useless if I speak. Kahit na anong sabihin ko, sila pa rin ang tama. So why would I bother explaining my side?

“Bumaba ka roon sa kusina at magluto ka na lang ng hapunan! Puro kawalanghiyaan natututunan mo sa paaralan!”

Muli siyang bumalik sa kwarto niya matapos ng ilang pang-iinsulto sa akin. Binigyan naman ako ni Leanna ng isang matagumpay na ngisi bago siya bumalik din sa kwarto niya.

I clenched my fist. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo sa galit. I am so angry but there's nothing I can do. Kapag nagsalita pa ako, baka ako pa ang palayasin sa sarili kong bahay.

I sighed and just decided to go back to my room. I made sure that it's lock and no one could enter. Napaupo na lamang ako sa kama at tumitig sa kawalan. Doon na nagbagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

I hate to admit but I feel so pathetic right now. Para akong kagaya nung mga prinsesang inaapi ng madrasta at step sister niya. I felt exactly the same.

I'm actually thinking of living in an apartment instead. Sapat pa naman ang perang iniwan sa akin ni Mama para mabuhay ako kahit papaano.

I can find part time jobs as well.

But there's one thing that's stopping me from moving out.

I don't want to leave this house to them.

Kapag iniwan ko ito, hindi na ako sigurado kung pwede ko pa itong balikan o mabawi. Kaya ko pa namang magtiis, pero hanggang kailan?

I know sooner or later, I won't be able to keep up from the stress and emotional damage I'm getting from them.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon