When the pageant ended, everybody cheered for the new Ms. and Mr. Tourism. They are both from the 4th year students at suki na talaga ng mga school pageants. No wonder they won.
“Ikukuha kita ng drinks, Azi? Light lang?" saad ni Harvey sa aking gilid.
Tumango ako sa kaniya dahil kanina pa rin naman ako tumatanggi sa mga alok ng kaibigan.
“Tara doon tayo sa gitna, mas magandang makinig ng music doon!"
Kaagad kaming hinila ni Kelly papunta sa gitna. Students flocked there because after the pageant, there is a live band whose playing rock, pop and classical song on the stage. Mas lalong na-hype ang crowd sa tuwing kakanta sila ng mga tagalog songs. I can say everyone can relate.
I was laughing with Kelly in the middle of the crowd, not minding the people around us. I copied her when she's raising her hands to jam with the music. I was curious how she was able to hold the glass of liquor on her one hand while jumping.
When I get tired, nagpaalam na muna ako sa kaniyang babalik sa upuan namin. Ayaw pa ako nitong pakawalan noong una pero nagpupumilit akong makawala.
I was smiling while trying to get out of the crowd. My smile immediately faded when I saw Mia walking towards my direction.
Kita ko kaagad ang matamis na ngiti niya sa akin.
“Hi, Azi!" judging by the way she talks, she looks a little bit drunk.
I was about to walk past her, when a guy from a higher level approached her and immediately encircled his arms around her waist.
Kita ko ang mabilis na pagkalas doon ni Mia.
“Ba’t umalis ka bigla? Nagkakasiyahan pa tayo eh," saad ng lalaki sa kaniya.
With Mia's reaction, I can see that she is uncomfortable.
“Here, drink this," dagdag pa ng lalaki habang pilit na inaabot kay Mia ang isang baso.
I was sighing continuously.
“Ayoko na, Chris. Kanina pa ako umiinom," tugon naman ni Mia at pilit na inilalayo ang baso. Mapilit ang lalaki kaya wala nang nagawa si Mia kundi kunin ang baso.
Napabuntong-hininga ulit ako.
Akmang iinumin na ni Mia ang alak subalit mabilis kong inagaw ang baso. Ako na mismo ang uminom nito.
Gulat na napatingin sa akin ang lalaki.
“Isasama ko na muna itong kaibigan ko, mukhang lasing na," paalam ko rito saka mabilis na hinila si Mia palayo sa lalaki.
By the look of his eyes, it seems like he wants Mia to get totally drunk. No one knows what would happen to her if she gets drunk. Hindi mukhang katiwa-tiwala ang Chris na ‘yon. I'm afraid she might do something to Mia.
Even if we are not friends, hindi kakayanin ng konsensya ko na may mangyaring masama sa kaniya gayong pwede ko naman siyang iligtas.
“Nasaan mga kaibigan mo?" tanong ko rito habang hawak hawak siya sa braso. Medyo pasuray-suray na ang lakad nito.
“Diyan lang…”
I tried finding her friends, but I can't see them no matter how much I stretch my neck. In the end, I decided to bring Mia to our table. Nagtaka pa ang mga kasama ko nang makita ito.
“Oh bakit andito ‘yan?" tanong ni Cairo.
I know they understand that Mia and I are not getting along well. They must be curious why I'm with this girl right now.
“Baka mapaano roon, hindi ko mahanap mga kaibigan niya," tugon ko na lang.
Mia sat in one of the chairs, tahimik niyang isinubsob ang mukha sa lamesa. Napabuntong-hininga ako.
“Mia," tinapik-tapik ko ang braso nito. “Umuwi ka na, may sundo ka ba?" tanong ko rito.
Umiling-iling siya at tinabig ang kamay ko. I did not speak anymore. In the first place, it shouldn't be my concern. Bahala siya sa sarili niya kung paano siya uuwi. Bahala na. Siguro hahanapin ko na lang ang mga kaibigan niya mamaya.
I lifted my eyes away from her and focused my attention on the crowd. Maingay pa rin ang mga estudyante at nagsasayawan sa gitna. I want to join for the last time, lampas alas nuebe na rin kasi at plano ko nang umuwi maya-maya.
Kaya nga lang, I was really curious why I felt a bit dizzy right now. I'm pretty sure I did not drink that much. Puro light drinks lang ang iniinom ko kanina at kakaunti lamang iyon. Napahawak ako sa ulo nang mapagtantong siguro ay gawa iyon nung inuming inalok nung lalaki kay Mia kanina. Nang inumin ko ito, naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng katawan.
I should've thrown it away.
Ang iba kong kaibigan, hanggang hatinggabi pa rito. They really love to party. But I don't have that much energy as them, I easily get tired with socializations.
“Azi…” nailipat ko ang tingin kay Mia nang hawakan nito ang kamay ko. Kita ko ang pamumungay ng mata niya. "Samahan mo ako sa cr.”
Napabuntong-hininga ako at wala ng nagawa kundi ang samahan siya. There's no one in the table whose willing to accompany her. Asan na ba kasi ang mga kaibigan nito?
Nang tumayo ako, mas lalo kong naramdaman ang panghihilo. I almost curse because of it. But then again, I have to accompany Mia first so I tried my best to be awake.
We were silent the whole while walking outside the venue. Sa kabilang building pa kasi ang cr na pinakamalapit dito. I saw Mia walking so unstable. I keep on sighing beside her. Hindi rin naman kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa harap ng cr.
"Thank you ha? Sinamahan mo ako,” ngumiti pa ito sa akin bago pumasok sa cr. I did not react to her and just raised my brow. I'm not used to the gratefulness and positive reactions from her.
I remained waiting outside the comfort room. As expected, the building is empty and quiet. Malamig na rin talaga dahil kakaulan lang kanina. Napasandal na lang ako sa pader dahil muli ko na namang naramdaman ang panghihilo.
Mabilis kong kinuha ang cellphone at kaagad na tinawagan si Isaiah. Magpapasundo ako. Mukhang hindi ko na talaga kakayaning magtagal pa rito sa ganitong kalagayan. Kapag nanatili pa ako, baka mas lalo lang akong mahilo.
I was left disappointed when Isaiah did not answer my calls. I don't know if he's still awake or not. Or maybe they are still celebrating Tito Ibarra's birthday. Siguro pupunta na lang ulit ako sa bahay nila bukas para bumati.
Almost five minutes have passed but Mia is still not coming out. My foot is starting to hurt from waiting. Hindi naman madilim dito ngayon. But the lights are still dim and the whole place is empty.
Aaminin kong natatakot ako sa mga ganitong lugar. So I decided to go inside as well. Doon na lang ako maghihintay.
I was about to enter. Nagulat na lamang ako nang biglang may humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko. My eyes widened in fear and extreme shock. Ramdam ko ang matigas ng katawan ng lalaki sa aking likuran.
Nagpumilit ako makaalpas subalit mahigpit ang hawak nito sa akin. Napaluha na lang ako nang kaladkarin ako ng lalaki palabas ng building. I was trying so hard to get free from him. Pilit ko rin inaalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko para makasigaw ako ng malakas.
I was breathing heavily in fear. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman ko ang hininga ng lalaki sa aking tainga.
“Just be good, Ms. Perez."
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: