“Bakit wala man lang pagkain dito?" rinig kong saad ni Tita habang nasa kusina.
Nagkatinginan kami ni Mama nang sunod-sunod naming marinig ang kalampag ng mga gamit doon. Parang sinasadyang paingayin.
“Kumain na yata sila Ma, hindi tayo tinirhan ng hapunan," si Leanna naman ang nagsalita ngayon.
Sunod-sunod muli ang pagdadabog na narinig namin mula sa kusina. I heaved a deep sigh. I saw my mother massaging her forehead, it must be really stressful for her.
Hindi nagtagal, lumabas si Tita mula sa kusina. I can see anger in her face. Her forehead is creasing too much.
“Bakit hindi niyo man lang kami pinagtabi ng hapunan? Aba eh nagugutom din kami," hindi rin maganda sa pandinig ang tono ng boses niya.
“Hindi na po kasi ako nagluto ng marami kasi akala ko–”
"Aba eh paano naman kami? Wala ba kayong kasama rito sa bahay? Hindi niyo man lang naisip na gutom kami pagdating. Pati pagkain ipagdadamot niyo pa!”
I wasn't able to finish my sentence when Tita cut me off. Her voice is really angry. Lumabas din si Leanna sa kusina at masama ang tingin sa akin.
"Ofelia! Anong bang sinasabi mong nagdadamot sa pagkain? Sinabihan ko si Azi na kaunti lang ang lutuin dahil nasa galaan naman kayo. Ang akala ko ay kakain na kayo sa labas bago umuwi,” sabat ni Mama sa usapan. Kita ko rin sa mukha niya na hindi na siya natutuwa sa ipinapakita ni Tita.
"Paano kami kakain sa labas eh nagtitipid na nga kami para makaipon?!”
Namasahe ko rin ang sentido dahil sa tugon ni Tita.
"Hindi ba’t nag-abot pa ako sa iyo ng pera pandagdag sa gala niyo? Sobra-sobra pa iyon para sa pagkain niyo,” sagot ni Mama.
Tita is standing beside the sofa. Nakapamaiwang pa ito habang nakaharap kay Mama.
“Bakit parang isinusumbat mo pa iyong ibinigay mong pera?!"
“Tita hindi naman ganoon ibig sabihin ni Mama," hindi na ako nakatiis na hindi sumali sa walang kwentang pagtatalo nila. “Ang ibig lang niyang sabihin, pwede naman sana kayong kumain na sa labas kasi galing naman kayo sa galaan. Pasensiya na kung hindi namin kayo naisama para sa hapunan. Pwede naman kayong magluto sa kusina, marami namang pwedeng lutuin diyan."
Tumawa lamang si Tita sa sinabi ko. I fight the urge of getting angry. Sa totoo lang, kumukulo na ng sobra ang dugo ko sa sobrang inis. Ang hirap makipagtalo sa isang taong hindi naman naiintindihan sinasabi mo.
“‘Yan! Ang sabihin niyo nagdadamot lang talaga kayo sa pagkain! Kulang na lang sabihin niyong mga palamunin lang kami rito!”
Napatigil si Tita nang basahin ni Mama ang flower vase na nakapatong sa center table. Parang natameme si Tita at gulat na napatingin sa kapatid niya.
I lifted my eyes on my mother, she is now breathing heavily. She looks… really angry.
“Tama na, Ofelia! Ano bang hindi mo maintindihan doon sa sinasabi namin? Pinagpipilitan mo ‘yang gusto mo kahit pwede ka namang magluto na lang doon! Maliit na bagay pinapalaki mo! Kung hindi mo kayang makisama, mas mabuti pang lumayas na lang kayo!"
I wasn't able to speak with her sudden burst of anger. Tita couldn't speak a word either. Hindi rin siya makatingin kay Mama ng diretso.
Isang beses pa muling tinapunan ni Mama ng tingin ang kapatid bago galit na umalis doon. I can't help but to be satisfied. I can't feel any pity towards them. Hindi naman tama na kami na lang palagi ang dapat umintindi sa kanila.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: