Chapter 6

11 2 2
                                    

Nang sumapit ang lunes, magkasabay na ulit kaming pumasok ni Isaiah sa school. Noong nakaraang linggo kasi ay mag-isa lang ako palagi pumapasok dahil magkasabay sila ni Mia.

I've noticed na palagi ring late dumadating si Isaiah. May mga pagkakataon pa na absent ito ng dalawang subject sa umaga. Palagi tuloy ako tinatanong ng mga teacher dahil hindi naman niya ugaling umabsent.

That whole week, aaminin kong nabahala ako para kay Isaiah. He's not performing well because he's always with Mia. For a second, I'm worried that he might lose his feathers because of that.

Alam kong mataas ang pangarap niya at hindi iyon mangyayari kung papabayaan niya pag-aaral niya.

“Tara na maglu-lunch," pang-aaya niya sa akin nang sumapit ang lunch break.

Balak ko sanang itanong kung sasabay din ba sa amin si Mia, pero nanahimik na lang ako. I was also thinking na baka dadaanan muna namin ito sa classroom niya bago kami kumain, pero hindi. Dumiretso lang na kami ng canteen.

“Ako na oorder, punta ka na ro’n sa table," utos niya sa akin.

“Gusto ko adobo!" sigaw ko habang naglalakad papunta sa mga table.

Dumiretso ako roon sa medyo gitna, harap ng entrance. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Isaiah dala ang pagkain namin.

Nagsimula na rin kaming kumain pagkatapos. Hindi pa kami nangangalahati sa kinakain, nakita ko si Mia na nasa may entrance. Parang nagulat pa siya nang makita kami ni Isaiah.

“Si Mia," kinuhit ko si Isaiah para makuha ang atensyon niya. Napatingin naman siya sa may entrance.

Kumaway lang ito sa girlfriend at sinenyasang lumapit sa amin.

“K-kumakain na pala kayo," saad ng babae. Nahihiya pa itong bumaling sa amin.

“Gutom na kasi ako eh, sorry hindi na kita nahintay," tugon ni Isaiah.

Naibaba ko lamang ang tingin sa kinakain. Bumagal ang bawat pagnguya ko.

“Kakain na rin ako, o-okay lang ba, Azi?"

Nagulat pa ako nang hingin nito ang permiso ko. Napalingon ako sa kaniya.

“Oo naman."

Bumaling muli si Mia kay Isaiah. Nababasa ko ang tingin na iyon. It seems like she wants Isaiah to order her food. Pero nanatili lamang ang atensyon ng kaibigan ko sa kinakain niya at patuloy ang pagsubo ng pagkain.

Parang bigla naman ako nahiya.

“O-order lang ako ng pagkain," paalam nito sa amin.

“Sige bilisan mo, patapos na kami eh."

Napanganga na lang ako.

The fuck Isaiah? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa? Kinginang lalaki ito? Ganito ba talaga siya sa girlfriend niya? Ang alam ko lampas isang linggo pa lang simula nang maging sila. It's still new, as far as I know, it should be sweet and alive.

Pero ngayon, iba ang nakikita ko.

Hanggang sa makabalik si Mia ay parang wala pa ring pakialam si Isaiah. Nag-uusap sila minsan, nagkakamustahan pero saglit lang iyon at nawawala rin. Nanatili naman akong tahimik.

Normally, maingay ako kapag kasama ang ibang mga kaibigan ni Isaiah kagaya nina Kael. Naging close na rin kasi ako sa kanila.

Pero dahil hindi naman ako close kay Mia, nanatimik lang ako buong oras na magkaharap kami.

“Bili lang ako ng tubig," paalam ko at akmang tatayo nang ilapit sa akin ni Isaiah ang tubig niya, napangalahatian na niya ‘yon.

“Ito na lang oh," kaswal na saad niya. Nagpalipat-lipat sa amin ang tingin ni Mia. Hindi ko rin mawari kung kanino ako titingin sa kanilang dalawa.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon