I thought we were going home but I was confused when he went in a different direction.
“Saan tayo pupunta?!" malakas na saad ko. I don't know if he can hear me because of the helmet.
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang magmaneho.
Nakita kong lumiko siya sa Sariaya bypass road. Malawak ang kalsada at kakaunting sasakyan lamang ang makikita mong dumadaan dito.
Before we left CSTC, it was already past 5pm. Medyo maliwanag pa ngayon pero malamig na ang hampas ng hangin.
I was shocked when Isaiah rested his right hand in my right leg. Napasigaw ako sa kaba sa ginawa niya.
“Isaiah!" takot na sigaw ko. He's only driving with his one hand.
Narinig ko ang tawa niya, parang nagpapasikat. Binalik din naman kaagad niya ang isang kamay sa manibela at nagpatuloy sa maayos na pagmamaneho.
Lumiko kami sa medyo lubak-lubak na daan. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito kaya hindi ako pamilyar. Bago pa man ako makapagsalita, tumigil na kami sa harap ng isang cottage.
Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dagat hindi kalayuan. Kusa nang naglakad ang mga paa ko papunta sa dalampasigan.
Sinalubong kaagad ako ng malakas na simoy ng hangin nang makarating ako sa harap ng dagat. There's something inside me that's starting to get emotional. Para akong naiiyak kasi matagal na akong hindi nakakita ng ganito kagandang lugar.
The sea is calm and beautiful. But when I look up above, the sky is more enchanting. There's something about sunsets that makes my heart flutter every moment. Everything about it is beautiful. The sky. The formation of the clouds. The differences of hues and patterns.
Everything.
Napalingon ako kay Isaiah na ilang hakbang ang layo mula sa akin. I caught him staring at me.
“Ang ganda rito!” I said in a lively tone.
Paglabas ko ng school kanina, I was really tired and exhausted. Pagod ang utak ko dahil sa exam. Pero nang makarating ako ngayon dito, I feel like all the negative energy have flew away.
It's really a therapy to go to beautiful places when you're tired and exhausted.
“Mas maganda ka," he said while staring at me.
Kusang nawala ang ngiti ko. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig.
He looks serious though.
But seconds later, he laughed.
“Joke lang, naniwala ka naman."
Malakas siyang tumawa sa akin. Pinukulan ko naman siya ng masamang tingin. He really knows how to ruin the moment.
“H-hindi naman ako naniniwala. Kahit kailan wala kang kwenta–”
I wasn't able to finish what I'm going to say when he suddenly hugged me. Mabilis ang naging paghakbang niya papalapit sa akin kaya hindi kaagad ako nakagalaw.
Napapikit-pikit ako sa gulat.
He's hugging me really tight. Akala ko aalis din siya kaagad, but a minute has passed and he's still hugging me with the same intensity, resting his face on my shoulder.
I can feel his hot breath on my skin.
I hope he can't hear my heart beating so fast.
"I-Isaiah…" hindi ko alam ang sasabihin, o kung dapat ba yumakap din ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: