Chapter 19

9 0 1
                                    

We were in the middle of the class when my cellphone suddenly rang. I saw that it was Ate Jomay, one of my mother's helpers in the grocery store. I immediately excused myself to answer the call.

“A-Azi, pumunta ka ngayon dito sa grocery. M-may naaksidente kasi rito,” nanginginig ang boses nitong saad.

I didn't hesitate to inform my professor that I have an emergency. Mabilis akong umalis sa classroom at humanap ng masasakyang jeep pabalik ng Tayabas.

I was really nervous the whole time. Hindi rin ako mapakali at panay ang tingin sa cellphone at orasan. I don't know what kind of accident it was, hindi ko natanong si Ate Jomay dahil mabilis na akong nagpaalam sa prof ko.

“Ito oh manong," dali-dali kong inabot ang bayad ko sa tricycle driver, ni hindi ko na nahintay ang sukli niyon.

Pagkababa ko pa lang ng tricycle, kita ko na kaagad ang maraming tao sa paligid ng grocery store ni Mama. Mas lalo akong kinabahan sa dami ng tao. Meron na ring emergency vehicle at mga pulis doon.

Kaagad akong nagsumiksik sa dagat ng mga tao. Nanlaki ang mata ko nang makita na may isang itim na sasakyan ang sumalpok mismo sa grocery. Basag-basag ang mga paninda at nagkalat ang kung anu-anong bagay sa paligid.

May isang binatang lalaki ang inilabas mula sa kotse, nakasakay na ito sa stretcher. Duguan ang mukha nito at walang malay. Kasunod niyon, may isa pang dalaga ang nilabas sa kotse na wala ring malay.

Napatingin ako sa unahan at pilit sinisilip ang loob.

Mas lalo akong kinabahan nang makita na nakahiga rin sa stretcher si Kuya Bogart at wala ring malay. Nanginginig ang mga tuhod ko nang magpumilit akong tumakbo papunta sa loob ng grocery. Subalit kaagad akong napigilan ng mga pulis.

“M-Mama!" tuluyan na akong nanlumo nang makita kong siya naman ang nakahiga sa stretcher ngayon at dinadala sa ambulansya.

Mabilis akong tumakbo papalapit at niyakap siya.

“M-Mama!"

Wala itong malay. Punong-puno ng dugo ang buong katawan at damit niya. Napahagulgol ako ng iyak nang makita ang ulo niya na parang nabasag na, iyon ang pinaka napuruhan.

Nakita naman ako ni Ate Jomay at kaagad akong dinaluhan. Nakita kong umiiyak din ito. May dugo siya sa ilang bahagi ng katawan subalit kakaunti lamang iyon kumpara sa ibang naaksidente.

Sumama kami kay Mama sa ambulansya nang dalhin ito sa ospital. Hindi matigil ang paghagulgol ko lalo at kahit anong tapik ko kay Mama ay hindi ito nagigising.

Nang makarating kami sa ospital, kaagad kaming sinalubong ng mga nurse doon. Kaagad din siyang inilipat sa kama at dinaluhan ng isang doktor.

Subalit…

Hindi ko maunawaan kung bakit parang walang ginagawa ang doktor sa Mama ko, na parang wala itong balak iligtas. Kita ko pa ang pagtitinginan ng mga nurse at doktor sa harap ko.

Mula sa aking pwesto, rinig na rinig ko pa nang sabihin niyang,

“Dead on arrival."

Literal na hindi ako makahinga noong mga sandaling iyon. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sa labis na paghagulgol, nakalimutan ko nang huminga.

“A-Azi," mahigpit akong niyakap ni Ate Jomay.

Pero kulang na kulang iyon. Sobrang sikip ng dibdib ko. Sobrang imposible ng lahat ng nangyayari na kahit ilang ulit ko nang niyugyog ang katawan ni Mama, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ng doktor.

Sa sobrang pag-iyak, nanghina rin ako at nawalan ng malay. Pero kahit na tulog, ramdam na ramdam ko pa rin yung sakit sa dibdib ko. Hanggang sa panaginip ay humahagulgol pa rin ako.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon