Chapter 10

12 2 4
                                    

Nang matapos ang klase sa hapon, kagaya ng nakasanayan, sabay kaming uuwi ni Isaiah ngayon. I was waiting for him outside our building because he left something in the classroom. Nanatili akong nakatayo sa may pathway habang iniintay siya.

Nang mapalingon ulit ako sa may building, I saw Mia with a girl who seems like her classmate. Mabilis na nagtagpo ang paningin naming dalawa. I don't know if I should smile or just look away.

Hindi naman kami magkaaway para hindi ko siya pansinin. Pero hindi rin kami close para makipag kumustahan pa ako sa kaniya.

“Mia," I greeted her nang makalapit siya sa akin.

In return, she greeted me with a slap.

Sa gulat ay hindi ko kaagad nagawang makapag react. Napahawak ako sa pisngi sapagkat naramdaman ko kaagad ang pagkirot niyon. I couldn't think of anything because I felt so nervous.

When I lifted my eyes on her, I saw her eyes raging with anger.

“Walanghiya ka!" dinuro niya ako at akmang sasampalin ulit pero napigilan ko siya.

Her classmate is just watching her friend, masama rin ang tingin sa akin niyon.

“Anong problema mo?" I said in a half angry, half nervous tone. I wasn't used to fighting. I've never done that in school.

“Tinatanong mo pa talaga?! Naghiwalay kami ni Isaiah dahil sa’yong malandi ka!" ramdam ko ang gigil sa mga salita nito.

I accidentally looked around me, only to see some students looking at us.

Pabato kong binitawan ang kamay niya.

“Wala akong kinalaman sa kung anong meron kayong dalawa! Kaya huwag mo akong sisihin na parang nakikigulo ako sa inyo!"

I'm always trying to distance myself from Isaiah, everyone knows that. I'm always trying to give them their time together. Kaya nga hindi na ako sumasabay sa pagkain, pagpasok at pag-uwi kay Isaiah noong sila pa. I'm trying to understand them because I don't want to cause misunderstandings.

Tapos ngayon ito ang makukuha ko?

“Bakit hindi ba? Nakipaghiwalay sa akin si Isaiah dahil sa’yo! You know what? You're just pretending to be his best friend. Pero ang totoo, nilalandi mo talaga siya!"

Tinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako sa semento. Sa galit ko ay mabilis din akong tumayo at ginantihan siya.

She then grabbed my hair.

“Mia!" rinig kong malakas na tawag sa kaniya ni Kael at hinila ito palayo sa akin.

“Bitawan mo ako! Kakalbuhin ko ‘yang babaeng ‘yan!"

Pilit siyang sumusugod sa akin pero pinipigilan siya ni Kael.

“Stop acting like a child! Kaya inayawan ka ni Isaiah kasi isip-bata ka!" galit na suway dito ni Kael.

Hindi naman nakasagot kaagad si Mia at parang nasaktan sa narinig niya. Pinantayan ko lamang ang masamang tingin nito sa akin.

“Anong nangyari rito?" nakita ko si Isaiah na mabilis na naglakad papunta sa amin.

Galit na tumingin sa kaniya si Mia at pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Kael.

“Magsama kayo ng best friend mong malandi!" saad nito at saka lumayas. Binigyan pa ako ng masamang tingin ng kaibigan niya bago sumunod kay Mia.

Wala akong nagawa kundi ang matulala. I wasn't injured or anything, but I just can't stop thinking about the slap, Mia pushing and pulling my hair. That was the first time that it happened to me. I can't help but to be shocked.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon