Chapter 17

18 2 5
                                    

I remember myself getting too nervous about the preliminaries. Pero ngayon, finals na namin. I can't help but to be shocked by how days passed without me noticing. 

After this semester, we will have two weeks of vacation before the second semester starts. So far, I'm having a nice college experience. Except for the fact that Mia is my classmate.

Over the past months, she has gained a lot of friends in our classroom. Karamihan sa mga iyon ay babae. Sometimes, I would just notice them looking at me while giggling, as if I'm the topic of their conversation.

Kakaunti tuloy ang nakakausap ko sa mga babaeng kaklase dahil ang iba ay kaibigan niya. I would always notice their indifferent stares at me, even if I smile at them.

“Azineth, sama ka sa Black Apron?" tanong sa akin ni Harvey. 

Kinuhit ako ni Kelly kaya napatingin ako sa kaniya.

"Sama na tayo sa kanila,” bulong niya sa akin. She looks quite excited, alam ko kasing may crush siya kay Harvey, ang maputi at singer naming kaklase. Gwapo rin kasi ito at mabait.

“Ikaw na lang siguro, may sundo ako ngayon eh," pangangatwiran ko.

“Ay nako! Sabihin mo riyan kay Isaiah sasama ka muna sa amin. Minsan lang naman tayo magbonding eh!"

“Oo nga naman, Azi. Minsan lang tayo gumimik ng ganito. Saka kakatapos lang ng finals natin oh, pagbigyan mo na kami!” saad naman ni Cairo.

Wala na akong nagawa dahil ang dami nilang namimilit sa akin. Anim na lalaki ang kasama namin ngayon at tatlo naman kaming babae.

We just walked until we reached black apron. It is a coffee shop which also has karaoke. Mukhang balak nilang kumanta ngayon.

Maingay ang mga kaklase ko habang naglalakad kami papunta roon. Nakikisabay ako sa mga kwentuhan nila, minsan nakikitawa rin.

“Dito ka, Azi," ipinaghila ako ng upuan ni Harvey sa tabi niya. Ang mga kaklase kong malisyoso, mabilis kaming kinantyawan.

I just laughed and told them to stop. I really have no intentions of falling in love especially if it's my classmate. Panigurado kasing makakasagabal lamang ito sa pag-aaral ko.

“Pagbigyan mo na kasi ‘yan Azineth! Ang tagal nang nagpaparamdam niyan sa’yo ni Harvey!” humalakhak ang mga kaklase ko sa sinabi ni Tomy.

True enough, Harvey would always initiate the conversation between us even during the first week of classes. Hindi ko lang talaga ito binibigyan ng malisya. Palagi siya no’n nagtatanong kung may task bang iniwan mga profs o kung ano coverage ng exams. Kamakailan ko lang napagtanto na may gusto pala siya sa akin dahil sa panunukso ng mga kaklase.

“Hindi ka naman gusto niyan ni Azi, may bumabakod na riyan!" tumatawa-tawang saad ni Kelly sa aking gilid.

“Tumigil na nga kayo, umorder na lang tayo,” nahihiyang saad ni Harvey.

Si Kelly na ang umorder para sa lahat, sinabi na lang namin isa-isa kung anong order namin. Nagsimula nang kumanta ang mga kasama ko sa karaoke machine na hinuhulugan ng barya.

"Kumakanta ka ba, Azi?” tanong sa akin ni Harvey.

Kanina pa siya kumakanta. Aaminin kong maganda nga talaga ang boses nito. Ganito yung mga boses na tinitilian talaga ng mga babae sa concert. Kaya naman pala crush na crush ito ni Kelly.

Kaagad akong umiling sa kaniya.

“Hindi ako kumakanta," tumawa ako habang inilalayo sa akin ang mic. Kanina niya pa kasi binibigay ito sa akin.

“Kumanta ka na kahit isa lang."

Pilit akong tumatanggi sa kaniya, panay din ang panunukso ng mga kasama namin. Pero hindi kasi talaga ako kumakanta.

“Pang banyo lang kasi ‘yung boses ko eh," biro ko. Nagtawanan naman sila.

As much as I want to be a good singer, hindi ako nabiyayaan ng magandang boses. Hindi ko namana ang galing sa pagkanta ng Mama ko.

“Kanta ka na, Azi. Si Cairo nga pangit din boses pero hindi nahihiya," saad ni Kelly.

Napatigil naman si Cairo nang akmang kukuhain niya ang mic. Mukhang may balak na sana itong kumanta.

“Ay ganoon? Harap-harapan na ang pangba-backstab?"

Nagtawanan lang kami sa sagutan ng dalawa. Nakakatuwa ring isipin na ilang buwan na kaming magkakaklase pero ngayon lang kami nakapag-bonding ng ganito.

Noong una kasi, nahihiya pa rin ako makisama sa kanila kaya kay Kelly lang ako palagi sumasama.

Malapit nang magdilim nang maisipan kong tingnan ang cellphone. Nagulat pa ako nang makita ang mga missed call ni Isaiah doon. Kanina nagsabi na ako sa kaniyang huwag na akong sunduin. Hindi ko na nabisita ang cellphone pagkatapos dahil naglalakad na kami no’n.

Isaiah: Where are you?

Iisa lang ‘yung chat niya tapos missed call na lahat. Hindi ko napansin kasi nakalagay sa bag ko ang cellphone. Hindi ko rin narinig ang tunog nito dahil sa mga kumakanta.

Kaagad akong nagtipa ng mensahe sa kaniya.

Ako: Nasa black apron, nag-aya mga kaklase ko gumala.

Mabilis niyang nabasa ang chat ko.

Isaiah: Puntahan kita riyan.

Ako: ‘Wag na

Hindi ko alam kung nabasa ba niya yung huling chat ko. Nakita ko kasi na hindi na siya online.

Ibinalik ko na lamang muli ang cellphone sa bag at nakisali muli sa usapan nila. Madilim na nang magpasya kaming umuwi. Ang iba kasi sa kanila ay medyo malayo pa ang byahe pauwi.

“Saan ka ba sumasakay, Azi? Hatid ka na namin?" alok ni Harvey. Taga rito lang din siya sa Sariaya.

“Doon ako sa tapat ng school sumasakay eh," tugon ko. Kaso malayo kung lalakarin pa namin.

“Edi samahan kita roon?"

“Buti pa ‘yon sinasamahan!" pagpaparinig ni Kelly. Inakbayan siya ni Cairo at kinaladkad na ito papunta sa sakayan nila. Taga Candelaria naman ang dalawang iyon.

Pumayag na rin ako na samahan ako ni Harvey pabalik sa may school. Medyo natatakot din kasi akong maglakad na mag-isa lalo na madilim na ngayon.

Hindi pa man kami tuluyang nakakaalis sa pwesto, may isang nakamotor na kaagad ang tumigil sa harap namin.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Isaiah iyon. Swabe niyang ipinarada ang motor sa tabi ng kalsada at hinubad ang helmet. Kita ko pa ang magulo nitong buhok nang tanggalin ang helmet.

Kaagad na dumako ang kunot-noong tingin niya sa akin saka ito lumipat kay Harvey.

Tumagilid ang ulo ni Isaiah na parang sinisipat kaming maigi. Bumalik din kaagad ang mata niya sa akin, masama ang tingin.

“Sakay," maikling utos niya.

Napalunok ako dahil mukhang masama ang timpla niya ngayon. Akmang lalapit ako roon subalit pinigilan ni Harvey ang kamay ko.

“Kilala mo ba ‘yan, Azineth?" pagtukoy niya kay Isaiah.

Parang kinabahan ako bigla nang makita ang pag-igting ng panga niya. Nagtagal din ang masamang titig nito sa kamay ni Harvey na nakahawak sa akin.

Kalaunan, tumayo siya sa motor at naglakad papunta sa gawi namin. Siya na rin mismo ang bumawi ng kamay ko mula kay Harvey.

“Makahawak ka, akala mo sa'yo ah?” maangas na saad nito kay Harvey na siya namang ikinatameme ko.

Kita ko pa ang pagpukol niya ng masamang tingin sa lalaki bago ako hinila papunta sa motor. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa gulat.

Hindi ko na rin namalayan na nakasuot na pala sa akin ang helmet. Pati ang pag-andar ng motor ay hindi ko namalayan.

May kung anong nagpapagulo sa sistema ko ngayon.

May kung ano sa mga sinabi niya na dahilan kung bakit naghuhurumentado ngayon ang puso ko.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon