After hours of waiting, the police have finally decided to let Isaiah free. Kumpara kanina, tahimik siya nang makalabas doon at walang emosyong nakatingin sa akin. I wasn't able to speak. I don't know what to say.
Until we get home, he's still quiet. Tito Ibarra keeps on asking him what has come to his mind to cause a scene inside the school but he's not answering. Buong oras habang nakasakay kami sa kotse, hawak lamang niya ng mahigpit ang kamay ko.
“Ano ba talagang problema, Isaiah?" tanong ni Tito Ibarra at umupo sa harap namin.
Kita kong pilit niyang pinapakalma ang sarili, mukhang nauubusan na siya ng pasensya sa anak. He then glanced at me, trying to find answers but I immediately looked away. I don't have the guts to tell him what happened.
Hindi nagtagal, si Isaiah na ang nagsalita sa tabi ko.
“Papatayin ko ang demonyong ‘yon," usal niya.
“Isaiah!" galit na sigaw ni Tito Ibarra sa kaniya. “Ano bang nangyayari sa'yo?! Ba’t ka nagkakaganiyan?!" naubos na ang pasensya niya at tuluyan nang sumigaw.
“Pinagsamantalahan ng putanginang professor na ‘yon si Azi!" Isaiah shouted back. Doubling the anger of his father.
Naibaba ko ang tingin sa mga palad na nanginginig nang muling magbagsakan ang luha sa mata ko. Natigilan naman si Tito Ibarra at hindi kaagad nagawang makapagsalita sa narinig.
“Papatayin ko ang hayop na ‘yon!"
Mas lalo lamang akong naiyak sa sinabi ni Isaiah. He can't calm down. He keeps on telling that he's gonna kill that man. He's my friend, but I did not expect that he would be this angry.
I heard Tito Ibarra's footsteps. Hanggang naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito sa akin.
“Alam na ba ito ng Tita mo?" tanong niya sa akin. I immediately shook my head.
Since last night, I haven't been home kasi dito kaagad ako dumiretso. I'm smart enough to think that people in my house wouldn't care about what happened to me.
Bumaling naman si Tito sa kaniyang anak.
“Kumalma ka, Isaiah. Walang mangyayari kung magpapadalos-dalos ka sa mga ginagawa mo. Dadaanin natin sa tamang proseso ang lahat."
Tito Ibarra explained to us that we are going to file a case against Sir Castro. I hesitated at first but in the end, I agreed on Tito because that is what's the best thing to do.
“Tutulungan ka namin, Azineth. Huwag ka matakot," saad ni Tito Ibarra at niyakap ako.
Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa tulong na ibinibigay nila sa akin ngayon. Kung wala sila, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
When we all calmed down, I told them that I need to go home. Hindi pumayag si Isaiah na umuwi akong mag-isa. Actually, he told me to get my clothes because I will be staying in their house for the mean time.
Sumama rin si Tito sa bahay dahil gusto niyang makausap ang Tita ko.
“A-ano kamo?" gulat na tanong ni Tita Ofelia nang sabihin ni Tito Ibarra kung anong nangyari. Naramdaman ko pa ang pagtingin nito sa gawi ko.
“Hindi natin pwedeng pabayaan si Azineth, tayo na lang ang makakatulong sa kaniya," si Tito.
“A-anong plano niyong gawin?"
“Magsasampa kami ng kaso. Hindi ito simpleng bagay na dapat palampasin lang."
Tita couldn't disagree with them even if I saw hesitation in her eyes. But Tito Ibarra and Isaiah are determined to file a case. Mukhang walang makakapigil sa kanila.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: