Chapter 8

15 2 3
                                    

‘Saka namiss kita.’

This is not the first time that I heard those words from Isaiah. But I don't know why it hit different this time. Hanggang sa makaakyat kami sa kwarto ay may bumabagabag pa rin sa isip ko.

Naglatag kaagad ako ng foam sa sahig para doon kami maupo ni Isaiah. I opened my laptop and went to Netflix to find a movie to watch. Isaiah chose the thriller movie dahil mahilig siya roon.

The movie immediately started. Isaiah is silently watching beside me. Nakadikit na nakadikit siya sa akin. I know this is normal for us. We usually don't care about the distance, but something's bothering me today.

Mas lalo lang nadagdagan iyon nang isandal niya ang ulo sa balikat ko. I felt like a stiff wood, hindi makagalaw.

He yawned.

“Inaantok ako,” aniya.

"Matulog ka na kaya?”

Bahagya ko siyag tinapik sa binti niya.

"Mamaya tapusin na natin ‘tong movie.”

I didn't speak. Naramdaman ko na lang ang kamay niyang kinukuha ang kamay ko. Minasa-masahe niya iyon at pinaglaruan hanggang sa pinagsalikot niya ang mga kamay namin.

I felt a strip of electricity that ran through my body. Hindi ako makagalaw dahil sa matinding kaba.

“Kuha lang ako ng ice cream,” paalam ko at mabilis na tumayo roon.

Hindi nabawasan ang kabog ng dibdib ko hanggang sa makababa ako ng kusina. Parang nanginginig pa ang mga kamay ko nang buksan ang ref. I took the cups of ice cream that he brought. Kumuha rin ako ng iba pang chips at pagkain.

Nang makabalik ako sa kwarto, naroon pa rin siya sa posisyon niya. Doon ako dumiretso sa isang upuan.

"Ba’t andyan ka?” tanong niya habang kumukuha ng ice cream.

"H-ha? Ang init dyan eh.”

Tumayo siya at binuksan ang bintana. Bukas din naman ang electric fan pero naiinitan pa rin ako.

"Dito ka na, malamig na rito oh.”

Wala akong nagawa kundi ang bumalik doon sa tabi niya. Baka kung anong isipin niya sa ikinikilos ko. It's not as if he's doing something illegal that makes me feel nervous. Ako lang talaga ang weird.

I continued watching and eating ice cream, trying to divert my attention from that anonymous feeling. Nanatili na lamang ang titig ko roon sa movie. Isaiah also remained silent beside me, probably because he's also eating.

When the movie was about to be finished, Isaiah spoke.

“Break na kami ni Mia," he said without his eyes leaving the laptop screen.

I lifted my eye on him, quite shocked.

“Kailan pa?" unang naitanong ko.

“Noong isang araw pa."

Naibalik ko naman ang tingin sa pinapanood at napaisip. Weird. Noong isang araw pa pala sila wala, but I just talk to Mia yesterday. Hinahanap ko si Isaiah sa kaniya. Ang sabi niya ay may date raw sila kaya hindi makakasabay sa akin si Isaiah pauwi. I'm perfectly fine with that.

I just don't understand why she has to lie. Again. For another time.

“B-bakit kayo naghiwalay?" hindi ko maiwasang maging curious. I know this is just a normal question. When you know someone who's in a relationship, it's normal for you to be curious why they broke up.

“Hindi talaga kami nagwo-work eh. Parang napipilitan lang kami sa isa’t-isa.”

Ibinaba niya ang kinakain at bumuntong-hininga.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon