Chapter 2

17 2 11
                                    

I’ve been thinking about what Isaiah said last night. I don’t want him to feel as if he’s burdened with this friendship so I assure him that I can always support him if he finds a girlfriend. Kahit papaano, gusto ko rin naman siyang maging masaya.

“Isaiah!” I called him loudly when I saw him playing basketball with Kael, Liam at Gregory. Napatingin sa akin ang tatlo niyang kaibigan nang lumapit ako.

Mabilis naman niyang ipinasa kay Kael ang bola at sinalubong ako. Kita ko ang pawis na tumutulo sa ulo niya.

“Baliw ka talaga!” malakas ko siyang sinipa. Napaupo naman siya sa sahig habang iniinda ang sakit sa binti.

“A-aray! Para sa’n ‘yon?” nalukot ang mukha niya sa sakit.

“Bakit sinabi mo kay Isagani na matakaw at bungangera ako!”

Kanina, I had the chance to talk to Isagani nang magkasabay kami sa library. He already knows that I have a crush on him. Pabiro ko siyang sinabihan kanina na dahil parehas naman kaming mahilig magbasa, bagay kami.

“Ayoko sa mga matakaw at madaldal,” saad ni Isagani nang saglit akong tapunan ng tingin.

“H-hindi naman ako ganiyan ah? Paano mo nasabi?”

“Sabi ni Isaiah.”

Akma kong sisipain muli si Isaiah pero mabilis siyang nakatayo at nakalayo sa akin.

“Totoo namang matakaw at madaldal ka! Nagsasabi lang ako ng totoo!”

Now I might lose the chance to be Isagani’s girlfriend. Patay talaga sa akin itong si Isaiah.

But anyway, pwede pa namang mabago ang paningin niya sa akin. Malakas nga ako kumain pero at least hindi naman ako tumataba. Hindi rin ako yung tipo na madaldal talaga. Sa itsura kasi ni Isagani, mas gusto niya yung mahinhin at tahimik lang.

I went back to our classroom nang mapagtantong nagsasayang lang ako ng oras kay Isaiah. I saw Iredessa already on her seat, reading her notes. Mabilis akong tumabi sa kaniya.

“May quiz kaya mamaya?” I asked her. Lumingon siya sa akin saglit saka nagkibit-balikat.

“Magbasa ka na lang din in case na may quiz.”

Tumango ako sa kaniya at mabilis na inilabas ang notes ko sa politics. Good thing about Iredessa, mabait siya at academically competitive. Mahinhin din at maganda. Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya kahit na taga-ibang section. Responsable rin sa pag-aaral kaya hindi nawawala sa mga honor students. Hindi siya naaalis sa pwesto niyang top 2 sa klase. Pangatlo naman palagi ako.

When our professor came, nagdiscuss siya ng kalahating oras about Legislative branch. We have the module kaya pwede kaming makapag advance reading sa mga topics.

“Get a piece of paper,” he commanded.

Nagulat naman ang mga estudyante dahil sa unannounced quiz. I wasn’t that nervous dahil nagbasa naman ako kanina.

“List all the present 24 Senators in the Philippines.”

My jaw almost dropped with the statement. Senators? Wala ito sa module. Although may kilala naman ako sa kanila, pero hindi lahat!

Tiningnan ko si Iredessa sa aking tabi at kita ang mabilis na pagsusulat niya. Nagsimula na rin akong magsulat kahit medyo kabado ako.

I cursed silently. Fifteen senators lang ang kilala ko. May naalala akong mga pangalan pero I wasn’t sure about the surnames!

“Azi,” ramdam ko ang mahinang pagkalabit sa akin ni Isaiah. Sa likod ko kasi siya nakaupo.

Pasimple akong lumingon sa kaniya.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon